- Chapter Three -

1.4K 46 6
                                    

Sabrina Gomez.

Nagpunta lang ako sa locker room ko pagkatapos nung nagyari sa cafeteria

"Argggh! Bwisit na lalaki! Takte!" bulong ko sa sarili ko

"Ms masama ang kinakausap ang sarili"

"Ay kabayo!" sigaw ko at humawak sa dibdib ko

Nagpout siya "Mukha ba akong kabayo?" tanong niya at umarteng naiyak

"Teka?! Sino ka ba?! Bakit nasa lockers ka ng girls??!" tanong ko sakanya. Totoo naman ehh, exclusive for girls lang to kaya bakit siya andito

"Wala pumasyal lang" sabi niya habang nakamot sa ulo

Tumingin tingin ako sa paligid

"Teka anong ginagawa mo?" takang tanong niya

"Baka kasi may ginawa kang kababalaghan dito" sagot ko at patuloy sa pag tingin tingin

"HAHAHAHAHAHAHAHA" napatingin ako kay Kuya na humagalpak sa tawa

"Hala? Bakit anong nakakatawa?" taka kong tanong

"HAHAHA wala wala, sige una na ko ahh" paalam niya habang natawa parin

Bakit? Ano bang nakakatawa sa ginawa ko? Naniniguro lang naman ako ahh. Tss bahala na nga.

Naglakad na ako papunta sa locker 24, eto yung akin ehh. Pagbukas ko tumambad sakin yung mga school supplies ko agad ko naman itong inilagay sa bag ko. Hindi pa ako tapos mag ayos ng nakarinig ako ng chismisan

"Ang swerte nung girl noh?"

"Yung sana ako na lang"

"Hindi naman maganda ehh"

Nagulat silang tatlo ng makita nila ako sa loob. Yung parang nakakita ng multo

"Ahh h-hi m-miss" nauutal na bati nung isa at nagtakbuhan sila. Lah? Nung yare dun?

Classroom

Dumating ako sa classroom at kung minamalas ka nga naman oh! Andyan na yung teacher namin

"Sorry ma'am I'm late" paghingi ko ng patawad

"Transferee? You must be Ms. Gomez" sabi niya sakin. Ngumiti lang ako "Okay class may bago kayong kaklase, Ms. Gomez please introduce yourself" sabi nung teacher

Tumayo na ako sa harap at lininis yung lalamunan ko "I'm Sabrina Gomez" pakilala ko, tumingin na ako sa teacher ko dahil wala na akong balak dagdagan pa

"Yun na yun Ms. Gomez?" napaface palm lang ako sa tanong niya "Okay I'm Ms. Ferrer your adviser. You may now take your seat" sabi niya

Kaya agad akong naghanap ng mauupuan. Umupo ako sa bandang dulo katabi nung lalakeng natutulog

"Hi Sabrina" napatingin agad ako sa lalaking katabi ko, siya! Siya yung lalaki sa locker kanina

"Kaklase pala kita" nakaface palm kong sabi

"Aray ah! Ayoko mo sakin?" sabi niya habang nakapout

"Bakla ka ba?" tanong ko

"Tong mukhang to? Bakla?" sabi niya ng natatawa

"Ms. Gomez at Mr. Felizardo! Masyado naman ata kayo nagkagaanan ng loob, mamaya na kayo magtismisan pag hindi ko na klase!" yan tuloy na pagalitan kami, ayoko ng lumipat ng school ahh

*ring* *ring*

Yaaaaas! Break time na! Kanina pa ako bagot na bagot dito ehh. Nagsimula na ako maglakad ng may tumawag sakin

"Sabrina saglit!" lumingon ako at nakita ko si Kuyang nasa locker

"Bakit?!" naiiritang tanong ko

"Sabay na tayo kumain" aya niya. Hindi ko na siya pinansin at nagsimula ng maglakad

Nang naglalakad ako papuntang cafeteria marami nanaman akong naririnig na bulong bulongan

"Siya yun diba?"

"Bakit niya kasama si FafaJhet?"

"Malandi siya"

"Malandi. Mas malandi nga sila sayo" bulong ni Kuyang nasa locker room

"Anong sabi mo?" tanong ko sakanya

"Wala sabi ko ako si Jhet. Jhet Felizardo" sabi niya na about tenga ang ngiti

"Jhet mmm k" sabi ko at nagsimula na ulit maglakad

"Saglit lang Sabrina" sigaw niya

Nang makapasok kami sa cafeteria lahat ng mata asamin. Pero may naka agaw ng atensyon ko, yung grupo nila bwisit!

"Tara na Jhet order na tayo" sabi ko kay Jhet at pumili ng upuan malapit kila bwisit

"Ano sayo?" tanong niya

"Uhmm 3 slice ng Hawaiian Pizza tsaka carbonara tapos isang sarsi" sagot ko at ngumiti

"Yes boss!" sabi niya at sumaludo pa kaya napatawa ako

Umalis na si Jhet at pumila na. Habang nagaantay ako sakanya naramdaman kong may nakatingin sakin kaya napatingin ako sa gawi nila bwisit

O_O

Umiwas agad ako ng tingin. Nakita ko nanaman yung nakakatakot niyang mata, geeez!

"Boss eto na yung order mo" dumating si Jhet na may hawak ng order at naka ngiti sakin

Kumunot naman yung kilay ko "Asan yung iyo?" tanong ko at tumingin sa kanya

"Ahh ehh, makita lang kitang kumain busog na ko" sagot niya tapos kumindat pa

"Kadiri ka. Oh heto sayo na lang tong carbonara" sabi ko at inabot sakanya

"Hehe thanks" sagot nito at nahihiyang ngumiti

Nasa kalagitnaan ako ng pagkain ng may tumawag sakin

"Saaaaaaab!" hingal na hingal na lumapit sakin si Hailey

"Ohh bakit?" takang tanong ko

"S-si Snow ehh" sagot niya

"Bakit anong nangyari kay Snow?" takang tanong ko

"Andun sa office ni Ma'am Cruz nakipag sapakan kay Sander ehh" sagot niya

"Sino si Sander?" tanong ko

"Aiiish mamaya na ang tanong halika na puntahan na natin siya" sagot nito at hinatak ang kamay ko

"Wait laaaaang sama ako" singit ni Jhet

"Tara---"

"Ako ang sasama" napatingin agad kami sa nagsalita. Si Bakulaw

"Bakit gusto ka ba namin makasama?" tanong ko sakanya "Tara na Jhet baka kailangan na tayo ni Winter" akmang aalis na kami ng nagsalita si Bakulaw

"Ako nga sabi ang sasama. Kasamahan ko si Sander kaya sagot ko siya" paliwanag niya

Tinalikuran ko lang siya at hinatak na sila Hailey paalis dun. Bida bida nanaman siya. Nakakainis na ahh kala mo kung sino.

~~~~~~~~~~~~~~~~~~
Goddess's Note: Ang sabaaaaaw~

Devils Academy [COMPLETED]Where stories live. Discover now