- Chapter Eight -

1.1K 36 0
                                    

Sabrina Gomez.

Lutang ang isip ko habang nakatingin sa bintana, nang biglang pumasok si Ms. Ferrer

"Ms. Gomez" tawag nito sakin at tila ba hinahanap ako

"Ma'am" sagot ko at itinaas ang kamay ko

"From now on hindi ka na dito papasok" sabi nito na ikinataas ng kilay ko

"Ma'am?" tanong ko

"Dun ka na sa last section" seryoso nitong sagot

The fudge?!! Ano last section??!

"Bakit ma'am bumaba ba yung grades ni Sabrina?" tanong ni Jhet

"Hmmm, hindi naman. Kailangan lang siya dun" sagot nito

"Kailangan?" tanong ko

"Wala ng maraming tanong Ms. Gomez sumama ka na sakin" sabi nito

"Ma'am" tawag ni Jhet

"No more buts, tara na Ms. Gomez" sabi nito at naglakad na. May magagawa pa ba ako, hindi nalang ako umimik at naglakad na papuntang pinto

Nang tignan ko muli ang direksyon ni Jhet, nagsalita sya

"Susunod ako"

Habang naglalakad kami ni Ms. Ferrer ay lumilipad ang isip ko. Bakit ako nalipat dun? Hindi na nga ako nakipagbasag ulo ehh? Panong kailangan? Anong gagawin ko dun?

Nakarating kami sa harap ng pinto ng section 11-E, imagine, from A napunta ako sa E

"Goodluck Ms. Gomez" sabi ni Ma'am Ferrer at umalis na

Hinarap ko ang pintuan ng classroom na papasukan ko. From now on dito na ako papasok, the heck!

Binuksan ko na ang pinto at halos lahat sila ay napatigil sa kanya kanya nilang ginagawa

"Miss naliligaw ka ba?" tanong nung isa

"Wag mo namang palayasin bro" sabi naman nung isa

Mga mukha silang......... gangsters?

"Ano bang ginagawa mo dyan?" napalingon ako sa likod ko, at nagsisi ako dapat hindi na ako lumingon ehh

"Anong ginagawa mo dito Sabrina?" tanong ni Sander

"Baka binibisita si Rivera" sabi naman nung ubod ng puti (yung nasa cafeteria)

"Ako bibisitahin yan?" sabi ko at tinuro ang sarili ko "Asa" dagdag ko pa

"Ehh bakit ka andito?" tanong ulit ni Sander

"Dito na daw ako papasok sabi ni Ms. Ferrer" sagot ko

"At talagang sinundan moko?" nakangising tanong ni Bakulaw

"Asa kang susundan kita, hell no!" sagot ko at hinead to foot siya

"Ehh bakit nalipat ka nandito?" tanong nung white guy

"Aba malay ko, kung ako naman tatanungin ayokong lumipat dito, mas gugustihin ko pang kasama si Jhet na ubod ng kulit kesa dyan kay Bakulaw na sobrang hangin" sagot ko at naghanap na ng mauupuan

May nakita akong upuan kaya't agad akong umupo dito, wala akong planong maghapon tumayo dun.

"Ayoko ng may katabi" sabi ni Bakulaw, kaya agad akong napatingin sakanya

"Bakit sino ka ba para sundin ko?" pagtataray ko, narinig ko ang mahinang pagtawa nung mga kasama ni Bakulaw

"Hindi ako sanay ng may katabi" sabi niya

"Pwes, masanay ka na" sabi ko at inisnaban siya

Dumating ang teacher namin si , Mr. Jacobe, nang dumating ito ay bumati siya ngunit ako lang ang bumati sakanya pabalik. Ang babastos ng mga to ehh di man lang umimik

Ngumiti ito sakin at kinilala ako, tinanong ko naman kung bakit ako nandito ang sabi niya kailangan lang daw kasi ng isang estudyanteng may utak utak na pumasok dun para maimpluwensyahan yung mga andun.

Mukha ba akong kaimplu impluwensya? Like, duhhh?

Nakilala ko rin si White Guy, siya daw si Joshua

Napapagitnaan ako ni Bakulaw at Sander, samatalang nasa unahan ko naman si Joshua

"Pano yan?" bulong na tanong sakin ni Sander

Physics yung lesson namin ngayon. At eto ako ngayon instant tuitor nitong si Sander

"Pano?" tanong ulit

"Nakikinig ka ba?" inis kong tanong sakanya

Kumamot ito sa ulo niya "Ahh hehe, pano ba kasi?" nahihiyang tanong nito

Ang slow naman nento, sarap iumpog sa dingding ehh

"Ahh gets ko na!" sigaw ni Sander dahilan para mapatingin silang lahat samin

"Ano yung Mr. Deleon?" tanong ni Mr. Jacobe

"Nakuha ko na sir, tinuruan ako ni Sabrina" pagmamayabang ni Sander

Napairap na lang ako

Tuwang tuwa si Sander ng makuha na niya yung tinuro ko, parang bata ehh!

Nang malipat ang tingin ko kay Bakulaw ay nakita ko itong nakapikit, parang tulog

"Tss kaya nasa last section ehh, palaging tulog" bulong ko

"Anong pakealam mo?" nagulat ako ng magsalita eto, akala ko natutulog, gising pala

"Bakit hindi ka nakikinig?" tanong ko

"Gusto ko ehh" sagot niya

"Kaya ka di naangat ehh"

"Masyado kang pakialamera"

"Nagaadvice lang ako"

"Hindi ko kailan ng advice mo"

"Nagcacare lang masama ba?!"

"Wala akong pakialam sa care mo"

"Edi ikaw ng walang pake!"

"Ako na talaga!"

"Kala mo kung sino ka, ikaw na nga tong tinutulungan"

"Hindi ko kailangan ng tulong mo"

"MR. RIVERA AND MS. GOMEZ! GET OUT OF MY ROOM NOW! SINO MAY SABING MAY KARAPATAN KAYONG MAGSIGAWAN SA LOOB NG KWARTONG TO NG NANDITO AKO??!" nagulat ako sa sigaw ni Mr. Jacobe

"Labas!" sigaw ulit nito habang turo ang pinto

Lumabas ako habang nakasunod sakin si Bakulaw

"Alam mo kasalanan mo to ehh" sigaw ko sa mukha niya

"Ohh bakit ako?" tanong nito

"Dapat kasi hindi ka na sumigaw!"

"Bakit sino bang may sabing pakialaman moko?!"

Ugggh! Takte! Asungooooot ka Avery

"Bahala ka na dyan, bwisit!" sabi ko at nagpadyak na paalis para mauna sakanya

Bwisit! Kabago bago ko dun napagalitan nanaman ako! Bwisit! Tagris naman ohh! Asungot ka talaga!



~~~~~~~~~~~~~~~~~
Goddess's Note: Ayaaaaan na! Ngayon lang ako nagkatime at nagkaidea para dito. Tambak ako ng gawain ehh, hirap ng buhay estudyante! Huhuhuhu. Baka bukas o next week ang update hindi ako sure, andami ko pang ihahabol na projects, may test pa, may reports pa, kaistreeeeeess!

Kay bespren IGOP HAHAHAHAHAHA thanks sa idea na shinare mo sakin, dontchaeworey ilalagay ko yun ditey! Lablab you bespren! Mwuuuuaaps!

Devils Academy [COMPLETED]Where stories live. Discover now