I really liked him. Kahit noong una ko pa lang itong nakita, kung pwede lang manligaw ay nagawa ko na.

"You better stop your feelings towards him. He's still in love with his ex-girlfriend."

Umiiling pa siya na para bang ipinapahiwatig na back off na lang ako kasi wala akong pag-asa kay Josh.

"I don't care."

Ano ba ang karapatan niya na sabihan ako na itigil ko ang pagka-crush ko kay Josh?!

Siya na nga lang ang inspirasyon ko tapos hihinto pa ako sa paghanga sa kanya. No way!

Hindi na siya umimik pa. Tiningnan niya ang oras at malakas na napabuntonghininga.

"I heard na never ka pang nagpahalik, pero bakit ano—" I bit my lower lip.

"Are you stalking me?"

"Hindi 'no! Ang kapal mo naman! Mayro'n akong mga tainga at sa tuwing pumapasok ako'y ikaw ang hot topic nila."

"Gwapo kasi ako."

Napaawang na lang ang aking bibig sa sinabi niya. Napakahangin niya talaga.

Kung hindi lang boring sa loob ng silid na ito'y hindi ako magta-tiyaga na kausapin siya.

"So ano nga?"

"Yes, you're right. I don't kiss anyone except you."

I think I was blushing.

"Why?"

"Next question," pagbabago niya kaya hindi ko na siya kinulit pa sa topic na iyon.

Safe naman pala ang mga labi ko kasi never pa siyang humalik sa iba maliban sa 'kin.

Totoo ba ang sinasabi niya? Baka naman kapag nasa labas na ng Cross Sign, makita ko na lang siya na nakikipag-torrid sa kanto.

"By any chance, nakapunta ka na ba sa Banahis? Doon sa rati kong school?"

"Maybe?" he answered, unsure.

"May kilala ka bang Laira?"

"Maybe?"

Ang ganda ng sagot, ha! Mamaya ay maybebengutan ko na talaga siya!

"Bakit hindi mo alam?!"

Feeling ko talaga na siya iyong tinutukoy ng kaibigan ko na naging boyfriend niya na ubod daw ng landi pero hindi nagpapahalik.

"Because..." He smirked.

"Because?"

"...Of the gravity impact of the earth," dugtong niya na ikinainis ko.

Because of the gravity impact of the earth? Seriously?!

"Pwede bang seryosohin mo naman ako?!"

Bigla akong natigilan sa sinabi ko. I bit my lower lip. Napayuko na lang ako kasi hindi ko kayang salubungin ang mukha niya na ngayon ay ang lapad ng ngisi sa sinabi ko.

"I'm dead serious with you, honey..."

Pakiramdam ko'y namula na naman ang mukha ko. No! Hindi pwede! Kailangan kong pigilan ito!

"A-Ano—virgin ka pa ba?" pag-iiba ko.

Bigla kong natakpan ang aking bibig sa salitang binitiwan ko.

Bakit sa raming tanong, iyon pa ang lumabas sa bibig ko?!

Pwede namang kung ano ang brand ng brief niya, 'di ba? Pwede rin na kung may gubat ba siya sa kili-kili niya?

Kung ilang inches ang ano niya, ang ano—daliri niya, 'di ba? Bakit iyon pa ang lumabas na tanong sa makasalanan kong mga labi?

"Now you're asking me if I am still a virgin."

Halos mapunit na ang mga labi niya sa kakangisi. Tinakpan ko na lang ang mukha ko ng mahaba kong buhok sa kahihiyan.

Shemay shemey shemiy shemoy shemuy talaga.

"N-No need to answer."

"No, I will answer your question honestly. The answer is no!"

Kinagat ko ang pang-ibabang labi ko at nagdadasal na sana'y mahati na ang lupa at lamunin ako.

I gulped. Sobrang nahihiya na talaga ako. Bakit kasi hindi ko mapigilan ang sarili ko?

"Ah, ganoon ba?"

Nag-iwas ako ng tingin.

"Now, my turn. Are you still a virgin?"

Mas lalong namula ang mukha ko sa tanong niya.

Bakit ba kasi napunta kami sa topic na iyon? Kasalanan ko ito!

Malamang virgin pa ako, haler! Bata pa ako at never been kissed nga, 'di ba?! NBSB pa, pero ngayon ay nalapastangan na ang mga labi ko.

"No need to answer," he said.

Nakahinga ako nang maluwag kasi hindi na siya muling umimik pa. Dahil nakapikit ito, malaya ko siyang napagmasdan. Gwapo nga pero ubod naman ng manyak.

"Marunong kang lumangoy?"

Wala na akong maisip pa na maitanong sa kanya. Hindi ko naman magawang manahimik kasi nabibingi na ako sa katahimikan.

"Hindi ako marunong lumangoy pero..."

Nakita ko na biglang sumeryoso ang kanyang mukha at napansin ko rin ang emosyon sa mga mata niya.

I saw the pain in his eyes...? Loneliness? In love? Brokenhearted?

"Malalim akong magmahal," aniya habang nakatitig sa mga mata ko.

Napako ang tingin ko sa mga mata niya. Nakikita ko ang lungkot at sakit sa paraan ng titig niya.

Please lang, huwag kang pa-fall. Masasaktan lang ako.

icon lock

Show your support for isay, and continue reading this story

by isay
@MsKindGirl
When her younger sister dares Gianna to kiss notorious playboy Marcus...
Unlock a new story part or the entire story. Either way, your Coins help writers earn money for the stories you love.

This story has 52 remaining parts

See how Coins support your favorite writers like @MsKindGirl.
Accidentally Kissed the PLAYBOYWhere stories live. Discover now