Wattpad Original
Ito na ang huling libreng parte

Chapter 7

94.5K 4.2K 2K
                                    

Chapter 7

"Sinabi nang hubarin mo iyan."

Napalunok ako kasi ngayon ko lang siya nakitang ganito ka-seryoso. Mas lalong lumalantad ang kagwapuhan niyang taglay.

Bakit ko ba kasi ginawa ang bagay na iyon? E 'di sana hindi na kami hahantong pa sa ganito!

"N-No way!"

Napansin kong papalapit siya sa 'kin kaya mas lalo akong kinabahan. Bakit ba kasi ang init dito?

Hindi pa sapat ang limang aircon sa banas na nararamdaman ko ngayon.

"Really? Fine! Kung ayaw mo, ako na ang gagawa."

Lumuhod siya sa harapan ko at inalis iyong kanina niya pang pinapaalis sa 'kin.

Napalunok ako nang maramdaman kong lumapat ang balat niya sa 'kin. Ang init ng balat niya at nakaramdam din ako ng kiliti sa aking tiyan.

Hindi ako umimik nang hawakan niya ang aking binti. Marahan niya pang pinisil iyon.

Ilang oras na ba kaming narito sa loob ng detention room? Dalawang oras lang naman, at ibig sabihin kailangan pa naming manatili ng dalawa pang oras dito. Kakayanin ko ba?

Nagwawala na rin ang mga bulate ko sa tiyan sa gutom. Nakakainis.

"A-Aray!" daing ko nang diniinan niya ang pagkakahawak sa 'kin.

Siya kaya ang nasa kalagayan ko ngayon! Ewan ko na lang kung hindi siya mapahiyaw sa sakit.

"Stay still, honey, mawawala rin ang sakit nito. Kumapit ka sa upuan."

Napapikit na lang ako sa halo-halong nararamdaman. Kumapit ako gilid ng upuan bilang suporta na huwag akong matumba.

"M-Masakit nga sabi, hindi uso ang magdahan-dahan?"

Ngumisi lang ang loko. "With me? Hindi uso ang salitang iyan sa isang tulad ko. Masarap ba?"

Namula ang mukha ko sa sinabi niya. Naiinis ako. Bakit ba kasi ang gwapo ng malanding adik sa kiss na lalaking ito?

"Uh...oh—y-yeah!" I moaned.

Napahawak ako sa kanyang balikat at kinagat ang pang-ibabang labi ko.

"Stop moaning, honey. Damn it!"

Nang dahil sa gulat ko sa sinabi niya, bigla ko na lang siyang nasipa sa tiyan.

"Manyak!"

Umupo na ako sa sahig at sinuot muli ang sapatos ko na kanina lang ay tinanggal niya habang siya naman ay hawak pa rin ang tiyan sa ginawa ko.

Sa katangahan ko nga naman kanina, napagbuntungan ko ng galit ang pintuan kaya sinipa ko ito nang sobrang lakas. Nanakit ang paa ko.

Mabuti na lang kahit papaano'y humupa na ang sakit dahil sa pagmasahe niya.

"Fuck."

I let out a heavy sigh. Lumapit ako sa kanya at hinaplos ang likuran niya.

"Don't worry, Mr. President, hindi malalaglag ang fetus sa sinapupunan mo. Kaunting pahinga lang ay mawawala rin ang sakit na nararamdaman mo." I smirked.

Konsensiya? Wala ako niyan. Nararapat lang iyan sa kanya. Malaki ang kasalanan ng lalaking ito sa 'kin.

Kasalanan niya kung bakit narito ako ngayon. Bakit kasi sobrang landi niya? Tapos ako naman itong hinahayaan siyang lapastanganin ang mga labi ko!

"What?" Nakakunot ang noo niya habang nakatingin sa 'kin.

"Nararamdaman ko po na nagbe-breakdance ang fetus sa tiyan mo. Ibig sabihin niyan, malusog ang bata..." I chuckled.

icon lock

Ipakita ang iyong suporta para kay isay, at magpatuloy sa pagbabasa ng kuwentong ito

ni isay
@MsKindGirl
When her younger sister dares Gianna to kiss notorious playboy Marcus...
I-unlock ang bagong parteng ito o ang buong kuwento. Anupaman, ang iyong Coins ay makatutulong sa mga manunulat na kumita mula sa mga paborito mong kuwento.

Ang kuwentong ito ay may 52 natitirang bahagi

Tingnan kung paano masusuportahan ng Coins ang iyong mga paboritong manunulat gaya ni @MsKindGirl.
Accidentally Kissed the PLAYBOYTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon