Wattpad Original
Mayroong 1 pang libreng parte

Chapter 6

79.4K 3.6K 1.6K
                                    

Chapter 6

Malapad ang ngiti ko habang naglalakad papuntang school. Siyempre kailangan kong magdiwang kasi nagantihan ko na si Gennica. Itinago ko lang naman ang sapatos niya.

Alam ko sa oras na ito'y umuusok na ang ilong niya sa inis. Dapat lang na gantihan ko siya dahil siya ang may dahilan kung bakit ayaw na akong tantanan ni malanding adik sa kiss.

Simula ngayon, iyan na ang tawag ko sa lalaking iyon. In short, Mask na ang itatawag ko sa kanya. Naiinis talaga ako kapag lumalapit siya sa 'kin para lang landiin ako.

Sinayang ko lang ang first kiss ko sa isang tulad niya. Sino ba naman ang gustong maging first kiss ang playboy na tulad niyon? Kung siya ang magiging first kiss mo, papayag ka ba? Pwes! Ibahin n'yo ako. Nandidiri ako!

Ilang beses na niyang nilapastangan ang kawawa kong mga labi. Pwe!

"Nariyan na naman ang malanding iyan."

Kinalma ko ang sarili ko kasi baka hindi ko mapigilang hilahin ang mga buhok nila at gabutan.

Ayaw ko talaga sa lahat na pinag-uusapan ako. Saka sino ba sila para husgahan ako kung gayong hindi pa naman nila ako kilala?

Hindi pa ako artista pero sikat na agad ako. Wow lang, ha! As in WOW! Ang ganda ko naman yata para pag-usapan.

"Good morning, Gianna."

Nabigla ako nang biglang sumulpot sa harapan ko si Josh. Pinipigilan ko naman ang sarili ko na huwag pamulahan ng mukha.

Bakit kasi napakagwapo ng nilalang na ito, lalo na ngayon na nakangiti siya na halos makalaglag panty? Kung ganito lang palagi ang sasalubong sa 'kin, sisipagin talaga ako na pumasok araw-araw.

Pakasalan mo lang ako Josh, ako na ang bahala sa magandang lahi natin.

Shut up Gianna, huwag kang magpapahalata na kinikilig ka sa kanya.

"G-Good morning, Josh..." ng buhay ko.

Hindi ko mapigilan na mautal kasi kinikilig talaga ako. Naamoy ko rin ang pabango niya na humahalimuyak sa ilong ko.

"Follow me."

Naglakad na siya paalis kaya sumunod ako sa kanya kahit na wala naman akong ideya kung saan kami pupunta.

Baka pupunta kami patungong forever! Kinikilig ako!

Gusto kong irapan lahat ang mga babaeng halos gabutan na ako sa paningin nila. Inggit lang sila dahil kinakausap ako ni Josh.

Nalaman ko rin sa kapatid kong chismosa na mabait si Josh pero masungit. Hindi siya madaldal at magsasalita lang siya kapag may tinatanong ka sa kanya.

"Where are we going?" Napansin ko kasing ibang direksyon na ang tinutungo namin.

"Pinapatawag ka ng principal."

I was shocked. "What?!"

Napahiyaw na lang ako sa gulat sa sinabi niya. Bakit naman ako ipapatawag ng principal? May ginawa ba ako na ipinagbabawal sa paaralang ito? Ipinagbabawal na ba ang pagiging maganda?

"Pumasok ka na sa loob, kanina ka pa hinihintay. Don't worry, sinabi niya sa 'kin na kakausapin ka lang niya."

"Close kayo?"

"I am the SSG vice president," he answered. Pinakita niya sa akin ang kanyang ID at namula ang pisngi ko nang makita iyon. Wow! So handsome naman this boy.

Full package rin ang crush kong ito. Gwapo na, matalino pa. Mas lalo tuloy akong humahanga sa kanya.

"Good luck!"

Accidentally Kissed the PLAYBOYTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon