Wattpad Original
Mayroong 2 pang mga libreng parte

Chapter 5

80.3K 3.9K 2.8K
                                    

Chapter 5

"A-Ano ba?!"

Hindi nila ako pinansin kasi patuloy pa rin sila sa paghila sa 'kin hanggang sa makarating kami sa storage room. Wala akong ideya kung bakit bigla na lang nila ako hinila.

"Oh, God!"

Nagulat ako nang bigla nila akong itulak ng malakas kaya halos masubsob na ako sa sahig.

Mabuti na lang sa may karton ako sumubsob, kasi kung wala, makikita talaga nila ang impyerno. Ayoko ngang masugatan.

Natatandaan ko na ang mga mukha nila. Sila iyong tatlo naming kaklase na patay na patay kay Marcus, lalong-lalo na iyong nasa gitna na mukhang clown.

Actually, lahat sila'y mukhang clown sa kapal ng kanilang mga makeup. Ba't narito ang mga ito? Dapat nasa children's party sila para nagpapasaya.

"I'm Sophia, ang reyna ng tubig," pakilala niyong nasa gitna.

Kumunot ang noo ko—kasi ano raw? Reyna ng tubig? Hindi nga? Baka reyna ng mga shokoy!

Pwede namang pangalan na lamang ang ipakilala nila. May sayad yata ang tatlong ito.

"Ako naman si Shaira, ang reyna ng apoy," pakilala naman niyong nasa kanan.

Reyna naman ng apoy? Baka reyna ng impyerno!

"And me? I'm Miranda, ang reyna ng kidlat." Nasa kaliwa naman ang umimik.

"Hindi kidlat bes, nyebe!" sabat niyong reyna raw ng apoy? Laughtrip ang tatlong ito!

"Fine! Whatever!" She rolled her eyes.

"In short, dyosa kaming tatlo!"

Hindi ko na napigilan pa na humalakhak sa kanila. Mayroon yata talaga silang sayad sa utak.

"Huwag kang tumawa!" Dinuro pa ako niyong nasa gitna.

"Pasensiya na, ang gaganda n'yo kasi." Pinipigilan kong matawa sa sinabi ko.

Ang plastic ko naman yata? Hindi naman sila maganda, sobrang kapal lang talaga ng makeup nila. Mukha na talaga silang clown.

"Hindi na kami magpapaligoy-ligoy pa."

Umayos ako ng upo at humalumbaba sa harapan nila. Naiinip na ako sa gagawin nila. Bakit ba kasi ang dami pang satsat?

Kung bubuhusan nila ako ng tubig, e 'di go! Iyon naman palagi ang ginagawa ng mga echuserang palaka, 'di ba? Nang dahil sa lalaking iyon, narito ako ngayon sa kalagayan na ito.

"Bakit mo hinalikan si Marcus namin?" mataray na tanong niyong nasa gitna.

Gusto kong mapairap, kasi hanggang ngayon ba naman, hindi pa rin nila nakakalimutan ang bagay na iyon? Halos isumpa ko na kasi naiinis talaga ako.

"Bakit mo sinuntok si Marcus kanina? Alam mo bang ikaw lang ang babaeng gumawa niyon sa kanya!" Dinuro pa ako niyong nasa gitna.

"So I'm lucky?!" Pumalakpak pa ako sa kasiyahan.

"Anong sinabi mo?"

Natigilan ako nang sumeryoso na ang kanilang mukha at napansin ko na may kinukuha iyong nasa kaliwa sa bag nito.

"Scissors!"

Nanlaki ang mga mata ko nang inilabas nito ang sobrang habang gunting. Huwag nilang sabihin na balak nilang gupitin ang mahaba kong buhok?

No fucking way!

"A-Anong gagawin n'yo?"

Humakbang ako palayo sa kanila habang naglalakad naman sila papalapit sa 'kin. Hindi ko sila hahayaang gupitin ang buhok ko!

Accidentally Kissed the PLAYBOYTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon