"Really, ha?"

Napansin kong palipat-lipat ang tingin niya sa mga mata ko at sa aking dibdib. Oh gosh.

Nagising na ba ang hindi dapat magising?

"Yes..."

Hahakbang pa sana ako palayo sa kanya nang bigla niyang hawakan ang braso ko para pigilan.

"So, kailangan kong mag-push up, Dr. Arellano?" He smirked.

Oh gosh! Bakit ba napakalandi ng lalaking ito? Hindi ko na kinakaya pa.

"M-Maybe?" I bit my lower lip.

"Habang nasa ibabaw mo ako?" dugtong niya na ikinapula ng mukha ko.

"Gago!"

Akmang sisipain ko ulit siya nang hilahin niya ang kamay ko kaya napaupo ako sa kanyang tabi. Bigla niyang sinandal ang ulo niya sa balikat ko.

Para tuloy siyang isang bata na naglalambing.

"Just kidding, pero kung gusto mo nam—"

Tinakpan ko ang kanyang bibig. "Manahimik ka!"

Sa tingin ko'y sobrang pula na talaga ng mukha ko. No way! This couldn't be, hindi pwedeng magkagusto ako sa isang playboy na katulad niya.

Dahil bukod sa paasa sila, mayro'n din silang kailangan sa isang babae, at kapag nakuha na nila iyon, mawawala na lang sila na parang bula.

Hindi pa kami lubos na magkakilala pero naghalikan na kaming dalawa. Kasalanan ito ng kapatid ko. Kung hindi lang dahil sa isang dare na iyon, hindi na sana mangyayari pa ito.

"Tatahimik lang ako kapag hinalikan mo 'ko..."

Mas lalo pa siyang dumikit sa 'kin habang pigil naman ang bawat paghinga ko. Hanggang ngayon ay nakapatong pa rin ang ulo niya sa balikat ko.

Hindi ko alam kung bakit hinahayaan ko lang siya. Naiinis na ako!

"Bakit ba ang landi mo?"

Pilit ko siyang nilalayo sa 'kin pero nagmatigas siya.

"Kasi gwapo ako."

I rolled my eyes. Ang yabang talaga.

"Tinatanong kita nang maayos kaya dapat lang na sagutin mo rin ako nang maayos, okay?!"

Hindi niya ako sinagot. Sa tingin ko naman ay maayos na niya akong sasagutin. Hindi talaga halata na president siya sa ugaling ipinapakita niya sa 'kin.

"Ganito. Bakit ka naging SSG president ng Cross Sign kung para kang tambay sa kanto? Hindi ko nga agad nalaman na ikaw pala ang president dito."

"What the hell?! Sa gwapo kong ito'y mukha akong tambay sa kanto? Seriously, Ms. Arellano? Alam kong gago ako pero magaling akong mag-handle ang lahat ng batas at kailangang ipatupad sa paaralang ito. Fine! Mahilig akong makipag-landian sa maraming babae pero pagdating sa pagiging presidente ng Cross Sign, seryoso ako."

Umawang ang bibig ko sa sinabi niya. Inalis na niya ang pagkakapatong ng ulo niya sa balikat ko kaya nilingon ko siya. Seryoso na ngayon ang kanyang mukha.

Hindi na siya muling umimik pa at pumikit na lang habang nakasandal ang kanyang likuran sa dingding.

Patay! Nagalit ko yata!

"Si Josh, since when kayo naging magkaibigan?"

Iminulat na niya ang kanyang mga mata at tumingin sa 'kin. Kumunot ang noo niya nang mapansin na namumula ang mukha ko. "Since kinder."

Ibig sabihin ay kilala na nila ang isa't isa noon pa man? Paano kaya kung humingi ako sa kanya ng tulong para mapalapit ako kay Josh?

Tapos magiging close kami ni Josh at mahuhulog siya sa 'kin kaya liligawan niya ako. Kinikilig na agad ako!

icon lock

Show your support for isay, and continue reading this story

by isay
@MsKindGirl
When her younger sister dares Gianna to kiss notorious playboy Marcus...
Unlock a new story part or the entire story. Either way, your Coins help writers earn money for the stories you love.

This story has 52 remaining parts

See how Coins support your favorite writers like @MsKindGirl.
Accidentally Kissed the PLAYBOYWhere stories live. Discover now