Chapter 5

3.9K 203 85
                                    

It is a beautiful and sunny Saturday afternoon for Richard. Kararating niya lang sa Enchanted Kingdom. Nagyaya kasi ang mga kapatid niyang babae na sina Riza at Angel na makipag bonding na kasama siya. Simula nang maging CEO siya ng RoChard Furnitures ay madalang niya nalang makasama ang mga kapatid. Sa sobrang subsob niya sa trabaho ay madalas niyang nakakaligtaan na mag laan ng panahon para sa pamilya. Marahil ganun nga siguro talaga dahil workaholic siya. 

Sa totoo lang ay dapat nasa opisina siya ngayon. Kahit araw ng Sabado at half day lang ang pasok ng mga empleyado ay hindi sana 'yun dahilan para hindi siya magtrabaho. Marami siyang naiwang trabaho pero dahil matagal ng nakiusap ang mga kapatid niya ay hindi naman niya ma hindian ang mga ito. Nag desisyon nalang din siya na mag half day sa araw na ito. Kailangan niya din siguro ng konting oras para sa sarili niya. He needs to breathe. Gusto niya din na makasama ang mga kapatid niyang babae. 

Hindi maintindihan ni Richard kung bakit dito pa sa Enchanted Kingdom ang napili ng kapatid na si Riza. Pero alam niya na memorable sa kanilang magkakapatid ang lugar na ito. Madalas silang magpunta dito noong nabubuhay pa ang Mommy Rosario nila. Dito sila palaging namamasyal tuwing Weekends. Siguro nga namimiss ni Riza ang ina kaya dito niya naisipan na magpunta. 

Naalala niya din na minsan niyang naipasyal dito si Maine. Natatawa siya sa kanyang sarili. Lahat nalang yata ng mga lugar na napupuntahan niya recently ay naaalala niya ito. Hindi man niya sinasadya ay madalas ganun ang nangyayari. Siguro ito ang parusa sa kanya ng tadhana. Tila ba inuusig na siya ng kanyang konsensiya dahil sa pagiging duwag niya sa nakaraan. Pero wala na siyang magagawa. Kahit anong gawin niya ay hindi na niya maibabalik pa ang kahapon. Maya maya ay tumunog ang phone niya. Tumatawag si Riza. 

"Hello, Riza. Nasan na kayo?"

"Hello, Kuya RJ. We'll be there in 30 minutes."

"30 minutes? Ba't ang tagal naman?"

"Eh kasi nagbibihis pa si Angel. Ewan ko ba dito sa batang 'to. Hindi ko alam na choosy na pala 'to sa pagpili ng damit niya."

"O-okaaay. Bilisan niyo ha. Wag kayong magtatagal. Ingat ka sa pagda drive. Wag masyadong mabilis sa pagmamaneho. Kapag dumating sa inter---...."

"Kuya, kalma. I know how to drive. See you. Ba bye."

"Tsk, marunong daw siyang mag drive? Eh muntik na niyang maibangga 'yung kotse last time.", natawa nalang si Richard sa ugali ng kapatid. May natanggap siyang text mula sa sekretaryang si Mae. At dahil naka focus ang mata niya sa phone ay hindi niya napansin ang isang batang babae na tumatakbo papunta sa kinaroroonan niya. Nabangga ito ni Richard. Napa upo naman ang bata sa semento. Bigla siyang nag alala. Panigurado na iiyak ito. 

"Baby, okay ka lang? Sorry ha.", sabi niya dito habang inaalalayan ito sa pagtayo. Sa tantiya niya nasa limang taong gulang na ito. Nakasuot ng yellow na t-shirt at denim shorts. 

Tumayo ito pinagpag ang alikabok sa damit niya. "Okay lang po ako.", sagot nito sa kanya. 

Mahaba ang buhok ng bata. Hindi maipaliwanag ni Richard kung bakit may kakaiba siyang naramdaman nang makita niya ng malapitan ang mukha nito. Bigla siyang kinabahan. Pakiramdam niya ay tila dati pa niyang kilala ang bata. Pero alam niyang imposible dahil ngayon lang naman ito nakita. May mahabang pilikmata ang batang babae. Litaw din ang cheekbones nito. Napaka ganda ng bata. "Kamukha niya si Maine.", 'yun agad ang nasabi niya habang tinitingnan ito. Siguro nga, nababaliw na siya. Lahat nalang yata si Maine ang nakikita niya. Inaya niyang umupo sa kalapit na bench ang batang babae. 

"Baby, okay ka lang ba talaga? Sorry talaga. Hindi ko sinasadya.", sabi niya dito habang tinutulungan ito na umupo sa bench. 

"Okay lang po ako. Wag po ikaw mag worry."

My Last Night With YouOù les histoires vivent. Découvrez maintenant