Chapter 9

359 18 13
                                    

Richard's POV

"So, that's a deal Mr. Dela Cruz?!" Paninigurado kong tanong sa kausap.

"Yes, yes! Of course Richard!" Tugon niya sa akin na nakatawa.

Katatapos lang ng meeting namin ni Mr. Vincent Dela Cruz. Siya ang nagmamay ari ng isa sa pinakamalaking beach resort dito sa Batangas. Sa edad na animnapu't dalawa ay malakas pa rin ito at mahilig magbiro.

"Thank you, Mr. Dela Cruz for renewing your contract with RoChard Furnitures!" Nagpasalamat ako.

Siya ang itinuturing namin na isa sa  pinaka malaking kliyente ng kompanya. We were doing business with him for more than 10 years already. Kaya, may tiwala na siya sa amin. And also, matalik na kaibigan siya ni Dad.

"Hay naku, Richard! Paano ba naman ako makakatanggi sa'yo. Aba! Lalong tumatagal ay mas lalong gumagaling ang marketing skills mo ha!" Puri niya sa akin.

Natawa nalang ako sa sinabi niya. "Hindi naman po. I just learned it from Dad, siguro." I said trying to be humble.

"I'm telling you. To be honest, mas magaling ka pa sa Daddy mo. Oo! Maniwala ka sa 'kin." Aniya.

"Thank you po, Tito!" I said.

"Pero, Richard. I know magaling ka naman sa marketing and all...pero...kumusta naman 'yung pagpapalaganap ng lahi mo? Ano na?" He smirked and smiled sheepishly.

"P-po? A-no p-po-?" Hindi ako sure kung ano ang ibig niyang sabihin.

"Sus! Ikaw talaga! Kunyari ka pa eh! Ang gusto kong malaman, eh kelan ka ba mag-aasawa? I'm not pressuring you. But you're not getting any younger. You need someone na makakasama mo habang buhay." Paliwanag niya sa akin.

Lumabas na kami ng office niya at nakaharap sa dalampasigan. Napakaganda ng pagkakaayos ng resort ni Tito. Kaya hindi nakakapagtaka na maraming tao ang dumadayo dito. 'Yung iba nga ay nanggaling pa sa malalayong lugar.

Nililimitahan kasi nila ang guests na pinapapasok para hindi masyadong crowded at mapanatili ang kalinisan at kaayusan ng resort. At para na rin huwag masyadong ma stress ang mga staff sa dami ng trabaho. He aims for a quality service, not the quantity of guests. 'Yun ang prinsipyo ni Tito at ng resort niya.

"RJ, tingnan mo sila." Ang tinutukoy niya ay ang mga guests na nasa dalampasigan.

Napatingin ako sa dereksiyon na tinutukoy niya. Nakita namin ang mga guests na masayang naghahabulan, lumalangoy, nagtatawanan at nagsi-selfie.

Parang walang problema. Magkakasama ang bawat pamilya, magkakaibigan, and including lovers.

Nakaramdam ako ng lungkot sa puso ko. I couldn't remember when was the last time na nag bonding kami ng family ko.

Dad is busy traveling. My sisters Riza and Angel are busy with their studies. Both I and Kuya RD are handling the company.

Pero, at least si Kuya may panahon para asikasuhin ang lovelife niya. While ako naman...unfortunately, still stucked with my past. Or it's just my choice.

"You know why I chose this spot para sa office ko?" Tanong niya.

"Why Tito? Curious din po ako. You could've chose a place na medyo tahimik. Like the private villa 'don sa bandang likuran. Away from here na maraming tao." Paliwanag ko.

My Last Night With YouWhere stories live. Discover now