Chapter 11

360 16 12
                                    

"Mama, carry mo po ako please!" Nakataas pa ang mga kamay ni Chelsea habang panay ang pa-cute sa akin.

Kinarga ko naman siya kaagad. "Of course, baby! Kaw pa ba!" Sabi ko sabay halik sa pisngi niyang kaysarap panggigilan.

Nakapag desisyon na ako na dito na ulit manirahan sa Bulacan, for good. Ang bahay at lupa namin sa Bukidnon ay iniwan ko sa pangangalaga ng isang isang katiwala na matagal na din na nagtatrabaho sa akin. Pupunta-puntahan nalang namin 'yon at ituturing na isang bahay-bakasyonan.

Nakabili ako ng isang 'di kalakihang bahay para aming dalawa na malapit lang din naman sa mismong bahay ng mga magulang ko. Gusto sana nila na 'don nalang kami tumira sa bahay pero gusto ko kasi na magkaroon din kami ng anak ko ng sarili naming bahay. Sa ngayon, bukod sa kinikita ng pineapple plantation namin sa Bukidnon, ay ruma-raket din ako bilang Homebase Online English Teacher for Korean and Chinese students.

Hindi ganoon kalaki ang kita pero pwede na rin, since dalawa lang naman kami ng anak ko. Nakakaraos din naman sa pang araw araw na gastusin. Minsan, palihim akong binibigyan ng panggastos ng mga kapatid ko at madalas hindi ko tinatanggap ang mga 'yon. May mga panahon na napipilitan nalang ako na tanggapin ang pera nila dahil ayoko na naman na magtampo sila sa akin.

At dahil eight years old na si Chelsea ay pina-enroll ko na siya sa isang SPED School na malapit lang din sa bahay namin. Nasa unang baitang na siya sa elementarya ngayon. Sa totoo lang ay medyo nag-alala ako na baka umiyak siya noong first day of school kagaya ng ibang mga bata, pero walang iyakan na nangyari. Siya pa nga ang nagsabi na okay lang daw na iwan ko siya.

The funny thing is...siya pa ang nagpatahan sa mga classmates niyang halos maglupasay na sa sa sahig dahil ayaw magpaiwan sa loob ng classroom.

She even comforted and told me that she will be fine, and she understands that I can't be there for her all the time because of my work. Nagkabaliktad yata kami ng naging reaction ng anak ko. Kasi imbes na siya ang dapat sana na ayaw magpaiwan, ay ako ang halos ayaw siyang iwanan.

But, I'm thankful na lumaki si Chelsea na isang mabait, matulungin, malambing, maunawain at magalang na bata. May taglay din naman siyang kakulitan paminsan-minsan. She has grown into a beautiful little lady. The color and shape of her eyes reminds me of his father.

When I tried looking deeply into her eyes, I can see his face.

That handsome-annoying-piece-of, whatever!

Subalit kahit pa laging sinasabi sa akin ni Chelsea na masaya siya na ako lang ang kasama niya sa buhay ay nararamdaman ko bilang ina niya, na may kulang sa kanyang pagkatao. At alam ko na ang ama niya ang tanging nawawalang piraso na matagal na niyang inaasam na makita.

She did knew him already, tho.

Hindi ko pa kayang aminin sa anak ko at sa aking pamilya na ang CEO ng RoChard Furnitures ang ama ng anak ko. I'm scared of the possibilities na pwedeng mangyari. Ayoko na kunin niya sa akin si Chelsea at gamitin ang yaman ng pamilya nila upang tanggalin sa akin ang karapatan ko bilang ina. Kapag naiisip ko ang mga eksenang 'yon ay hindi ko mapigilan ang sarili na huwag matakot.

Chelsea is all that I have. She is my everything.

"How's school, baby?" Tanong ko sa kanya habang palabas kami ng gate ng school niya.

"Okay lang po. Put me down na po, Mama." Bulong nito sa akin at ibinababa ko na din siya agad. Kinuha ko ang kanyang maliit na backpack upang maisabit ko ito sa aking kanang balikat. Hawak ko naman siya sa kanang kamay ko.

"You want to ride a tricycle, baby?"

"No na po, Mama. Mag walk nalang po tayo. Malapit lang naman po ang house natin, 'di po ba?"

My Last Night With YouWhere stories live. Discover now