Chapter 8

332 16 16
                                    

MAINE

"So what now, Mr. Faulkerson?" Sarkastikong tanong ko sa kanya. Hindi ako makapaniwala na nakaupo ako sa harap niya, after almost eight years.

Nakatitig lang siya sa akin at hindi ko masabi ang nasa isip niya. Sabagay, ang tagal na panahon na ang nakalipas, at sa ngayon ay hindi ko alam ang mga salitang gusto kong sabihin sa kanya.

"Kumusta, Maine?" Sa wakas ay nagtanong siya pagkatapos ng sandaling katahimikan.

Nasa loob kami ng isang cafe. Mabuti na lang at nasa malapit si Coleen. Pinakiusapan ko muna siya na saglit na sunduin si Chelsea para ihatid sa bahay namin. Hiniling ni Chelsea na wag muna umuwi pero nagpumilit ako. Buti na lang, pumayag din siya sa huli.

"Anong gusto mo?" Tanong niya. "My treat." Tinignan niya kung ano ang nasa menu.

"Nothing. I'm fine. Hindi mo na kailangang mag-abala pa." Sagot ko at pilit na umiwas ng tingin.

"Ah, I remember. Iced coffee, right? You loved it. Yung kape na madaming yelo, kahit mawalan na ng lasa. Hindi ba?" Sinubukan niyang ngumiti para lang mabawasan ang awkwardness sa pagitan namin.

Napabuntong hininga ako. "Bahala ka. Whatever." Sabi ko at sinubukang ipahayag na hindi ako interesado sa mga sinasabi niya.

Habang naghihintay ng aming inumin, ay nagkaroon ng mahabang katahimikan sa pagitan namin. Yung kahit wala naman kaming pinag-uusapan pero pakiramdam ko ay napakalakas ng tension sa pagitan naming dalawa. Alinman sa amin ay maaaring maghulog ng bomba ng emosyon anumang minuto mula ngayon.

"Where have you been?" Tanong niya. "You disappeared after that night when-"

Pinigilan ko siyang magsalita. "Wala ka na don. What's the point of this conversation, Mr. Faulkerson? Bakit kita kinakausap?" Sinusubukan kong kontrolin ang aking emosyon. Nanginginig ang mga kamay ko.

"Mr. Faulkerson? Did you just call me, Mr. Faulkerson? You used to call me, RJ back then. Bakit biglang nagbago?" Ngumisi siya.

After few minutes, dumating na yung drinks namin. Sa totoo lang, kanina pa ako nagugutom. Gusto ko nang umuwi pero ayokong umalis ng ganun ganun nalang.

Ang dami kong gustong sabihin at isumbat sa kanya pero hindi ko magawa. Tila ba may kung anong bagay na nakabara sa lalamunan ko.

"Si Chelsea? Ilang taon na siya?" Tanong niya habang humihigop ng inumin niya.

"She's seven years old. Mag e-eight na." Wala sa sarili kong sagot sa kanya.

"Oh, really. Hmmm?" Napahawak siya sa chin na tila nag-iisip.

"Bakit?" Pilit kong kinakalma ang sarili.

Biglang nagbago ang ekspresyon ng mukha niya. Mula sa isang ngisi ay naging seryoso ito. Hindi naalis sa akin ang kanyang mga mata.

"Tell me honestly, Maine. Anak ko ba si Chelsea?"

Natigilan ako dahil sa tanong niya. "Huh? What makes you say that?" I tried being sarcastic towards him.

"I mean, it's possible, right? After all, it's been 8 years since that night when we made-"

"Are you trying to say na nabuntis agad ako after that night?" Nasabi ko nalang at tinawanan siya.

"Why? Do you think it's not possible? Sa pagkaka alala ko, I didn't used any protection that night. You know what I mean..." Nagtaas ito ng kilay. Halatang gusto akong e-provoke. Gusto niya yata na e-flashback ang lahat nang nangyari sa amin ng gabing yun.

My Last Night With YouWhere stories live. Discover now