Chapter 7

437 24 12
                                    

Nasa loob ngayon ng studio ng Unang Hirit sina Maine at ang anak niyang si Chelsea. Magkakaroon kasi ng guesting ang anak niya dahil sa biglaan nitong pagsikat sa social media dahil sa mga nakakaaliw na mga dubsmash videos.

Natutuwa siya sapagkat marami na din ang gustong magpa picture sa anak. Pero deep inside, may kakaunti siyang takot at pag aalinlangan na nararamdaman. Natatakot siya sa magiging resulta ng lahat ng ito. Ayaw ni Maine na maging celebrity ang anak pero hindi naman niya ito pwedeng pag bawalan kung ito talaga ang pangarap ng bata.

Pinapanood niya si Chelsea sa monitor habang ini- interview ng mga hosts na sina Susan Enriquez at Connie Sison. Tuwang tuwa ang mga hosts habang pinapa- sample nila si Chelsea habang nagda-dubsmash ito. Ayaw man niyang aminin sa sarili ay para sa kanya, magaling naman talaga ang kanyang anak. Napaka confident din ng bata na sumagot sa mga tanong ng mga hosts.

"Wow, ang galing mo naman Chelsea. Sino nagturo sa'yo mag dubsmash?", tanong ni Miss Susan.

"Ako lang po. Nanonood lang po ako ng videos sa you tube po.", sagot ng bata habang nakakuyakoy ang mga paa sa upuan.

"Wow talaga? Ang cute cute mo naman. Alam niyo mga Kapuso, naaaliw talaga ako na panoorin siya eh.", saad naman ni Miss Connie.

"Eh 'di happy ka na marami ang nanonood sa'yo? Mahigit na 1 million views na sa Facebook, 'di ba? Alam mo ba na sobrang dami 'non?", tanong sa kanya ni Miss Susan.

"Uhm, opo. Happy po ako pero...", natigilan ito sa pagsagot. Yumuko si Chelsea ng bahagya na parang nahihiya at naiiyak.

Nagkatinginan ang mga hosts pati ang mga staff ng programa. Mabuti nalang at hindi sila naka live at pwede nila itong e-edit.

Kinakabahan si Maine. Gusto niyang tumakbo papunta sa anak pero nawala ang kaba niya nang muli itong magsalita. Lumingon ito at tumingin sa kanya at parang humihingi ng saklolo. Ngumiti siya as a sign of encouragement for her daughter.

"You can do it, Chelsea. Kaya mo 'yan, baby. Andito lang si Mama."

Ngumiti ito at muling humarap camera at sa mga host. She sighed. Muntik na 'yun ah, she said.

Nagpatuloy ito sa kanyang gustong sabihin, "May wish po kasi ako eh."

"Ano 'yun, Chelsea?", magkasabay na tanong ng mga hosts.

"Ang wish ko po na sana napanood ni Papa ko 'yung mga videos ko po.", she said innocently.

Nagulat si Maine sa sinabi ng anak. Hindi niya akalain na magagawa nitong sabihin ang tungkol sa Papa niya. Wala naman siyang sinabi na bawal pag usapan ang Papa niya ngunit natatakot lang siya na sa pamamagitan ng guesting na ito ay lumaki ang chance na magkalapit sila ng kanyang Papa. May tila kurot siyang naramdaman sa puso niya. Kung ganoon lang sana kadal ang lahat. Pero, hindi. Hindi ito magiging madali para sa kanya. 

Mabuti na lamang at mabilis ang naging tugon ng mga hosts at mabilis nilang naiba ang usapan, "Naku, sigurado ako na napanood ni Papa mo ang mga videos mo, Chelsea. Ikaw pa ba? Ang galing galing mo kaya."

Bahagyang tumingin sa kanya si Miss Susan at parang nakuha nito ang ibig niyang sabihin. "Thank you po.", she said to her. Tumango naman ito bilang tugon sa pasasalamat niya. She saved them from that awkward situation awhile ago.

Natapos na ang recording ng interview at nasa labas lang sila ng studio. Kasalukuyang inaayos ni Maine ang buhok ng anak.

"Mama, pwede po ba ako mag play doon?", tanong nito sabay turo sa mini play house para sa mga bata.

"Uhm. Pero uuwi na tayo baby."

"Sige na po please. Sandali lang naman po ako mag play. Please, Mama.", pakiusap nito sa kanya na puno ng paglalambing.

My Last Night With YouWhere stories live. Discover now