"Sorry huh? Sorry for being loser sa harap mo Mr. Ang Dami-Daming Alam! Sorry din kasi wala akong kaibigan sa personal huh? Sorry din kasi hanggang Facebook lang social life. Sorry huh? SORRY!" inis na sabi ko saka padabog na tumayo at iniwan syang mag-isa sa loob ng clinic.

          Maling-mali talaga ako sa kanya. Akala ko pa naman medyo nagiging okay na sya dahil sa ginawa nyang pagtatanggol sa akin mula kanila Margaret. Hindi pala. Psh!

          'Bahala sya dyan! Bwisit sya!'

Kaizer's P.O.V

          Inis akong napasabunot sa buhok ko saka pasalampak na naupo doon sa kama na inupuan ni baliw kanina.

          Hindi naman ganoon dapat yung usapan namin eh! Dapat nga makikipagbati na ako sa kanya. Kaya lang kasi...argh! Yung ugali nya! Yung ugali nya ang di ko maintindihan!

          'Tanga ka dre? Inungkat mo pa kasi yung tungkol sa picture nyo. Malamang magagalit yun!' sermon nung konsensya ko.

          "Eh sya naman talaga may kasalanan ah! Ano bang pinaglalaban nya?! Totoo naman na kaya sya nabugbog dahil doon sa ginawa nya!"

          'Baliw! Sinabi nya ngang hindi sya yung gumawa di ba? Bakit di ka marunong umintindi?'

          "SHUT UP!"

          "O...kay..."

          Nagulat ako nung may biglang nagsalita. Napatingin ako sa may pintuan at nakita ko si Miss Annie—yung resident nurse sa school.

          "Sinong kinakausap mo Kaizer?" sabi nya saka napatingin-tingin sa paligid nung clinic. "Wala namang ibang tao dito ah?"

          Inis kong binaling yung ulo ko sa ibang direksyon para itago pagkainis at pagkahiya ko.

          'Bwisit na konsenya ka! Mas malala ka pa kay Mobi ah! Ayan tuloy! Napahiya tuloy ako sa nurse!'

          'Sira! Kanino bang utak 'to? Akin ba? Akin?! Umayos ka hoy! May gagantihan ka pa di ba?'

          Nung naalala ko ang tungkol sa bagay na yun bigla akong napatayo saka lumaabs na ng nurse clinic.

          Pinatunog ko yung mga daliri ko habang naglalakad ako sa may pasilyo ng school.

          Hindi na ako papasok sa klase ko. Aayos ko muna yung ginawa nila kay Sitti.

Sitti's P.O.V

          "Kabwiset kang lalaki ka!" inis na sabi ko saka pinagsisipa yung damo sa may field ng school. "Mamatay ka na! Demonyo ka! Bwiset ka! Impakto ka! Mayabang! Mahangin! Makapal ang mukha!"

          "May LQ pa din kayo ni Kaizer?"

          Nagulat ako nung may makita akong paa na nakatayo sa harapan ko. At nung inagat ko yung ulo ko, nakita ko si MM. Si Marhsmallow Monster...kumakain na naman at may dalang isang malaking bag ng marshmallow.

          "Umalis ka nga!" inis na taboy ko sa kanya saka pasalampak na umupo sa damuhan na naka-Indian sit sabay bumubunot ng mga damo dahil naiinis pa din ako sa mayabang na yun!

          "Ang lala ng away nyo huh? Hala ka! Sige ka! Baka maghiwalay na kayo nyan!"

          Nagulat ko nung bigla syang naupo sa harapan ko ng naka-Indian sit din saka ako tinitigan sa mukha habang kumakain ng marshmallows.

My Tag Boyfriend (Season 1)Where stories live. Discover now