"Pero hindi pwede dito ang mga lobo isang panganib yan para sa mga Zodian people" tinignan ko naman siya dahil sa sinabi niya.

"Iba naman si Sky sakanila" ako.

Bigla namang may inamoy si Sky sa hangin.

"Is there something wrong?" tanong ko kay Sky na parang nagagalit pa at biglang tumakbo palayo.

"Sky!" ako.

Bigla na ding akong napatakbo para sundan siya nung makita ko si Sky ay tumigil ako bigla naman akong nanghina sa nakita ko.

"Zandra wooo teka lang-- SHIT ANONG NANGYARI!" kakarating lang ni Kiesha habang hinihingal pa.

Nilapitan ko ito atsaka napatingin sa wrist niya yung simbolo ng Zodiac Killer ang nakatatak napalingon naman ako sa mukha niya kaya mas lalo naman akong nanghina.

I-Isang bangkay, bangkay ni Ariana Dale bigla namang tumulo ang mga luha ko hindi pwede bakit? Kakakita ko lang sakanya kanina! Paano nangyari to?

Bigla namang tumakbo ulit si Sky kahit na ayaw kong iwan si Ariana dahil nanghihina ako ay sinundan ko siya.

Naalarma naman ako nung sumigaw si Sky.

"GROOWL!"

Nagulat ako nung may nakita akong nalutang na nilalang na may pulang mga matang nakatitig sakin.

Nagulat naman ako sa biglaang bilis na paglapit nito sakin.

"H-h-e-i-r sahshhasha" paulit ulit na sabi nito na parang bumubulong.

Onti onti akong napaatras hindi malaman kung anong gagawin kinakabahan ako sasaktan ba ko nito?

Bigla namang bumuka ang bibig nito na parang may hinihigop bigla tuloy akong nahilo at napaluhod.

"Ahhh!" parang pinipiga ang ulo ko.

Tumakbo naman sa harapan ko si Sky hinarang niya ang sarili niya nung malapit na ito sakin bigla namang lumiwanag ng sobra nagulat ako nung hindi ako nasisilaw o baka masakit lang talaga ang ulo ko.

Bigla naman akong nakaramdam ng kumportable na pakiramdam sa liwanag napakawarm nito at napakapamilyar.

Napasigaw naman ang nilalang hanggang sa nawala na ito sa paningin ko.

"S-Shit Zandra! Ano yon?!" kakadating lang ulit ni Kiesha.

Pinilit kong tumayo at hinarap naman ako ni Sky.

"T-Thank y-you" ako.

Bigla nalamang dumilim.

"Zandra!"

**

"Bakit nawala sa paningin niyo si Zandra? Ang sabi ko ay bantayan niyo siya!"

"Pasensya na po Head ako po ang kasama ni Zandra kanina at nabigla ako sa mga pangyayari kaya hindi ko po siya agad naabutan"

"Pacific pakihanap si Ms. Alyanna"

"Masusunod"

"Paano nangyari ito?!"

"Katulad ng sinabi ko sayo kanina ay hindi ko pa rin alam Dale, Hinahanap pa namin ang dahilan nito hihintayin din nating magising si Zandra"

"Wala ng kwenta ang paaralang ito hindi bantay sarado ang mga facilities!"

"Kumalma ka Dale!"

HEIR OF ZONADIA [COMPLETED]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon