4

1.9K 72 4
                                        

Roxanne

Tahimik akong naka upo sa Principal's office kasama si Alek habang kausap nung principal yung mga tao sa hospital sa phone. Tumingin ako kay Alek at nakita ko na nanlilisik ang mga mata niya sa akin. What's he so mad about? Kasalanan ko ba na nauna sila? Tinatapos ko lang naman inumpisahan nila. Sila ang nauna mamisikal, himdi ako.

"Maraming salamat." Sabi ng principal bago ibinaba ang tawag. Tiningnan niya ako bago napa hinga ng malalim bago siya umupo sa kanyang upuan. "Miss Park, you've only been inside this building for less than thirty minutes, and yet you've made damages that can cost you a very long time of detention." Minasahe niya ang gilid ng kanyang noo. "Pasalamat ka at mayroong proweba na sila ang nauna kaya nabawasanbang sintensya mo, but you will still have to be monitored, have detention everyday for the next three months at mas madami ang ihahabol mo sa subjects mo." Seryoso niyang sabi.

I scoffed. "Excuse me? Bakit kasama ako sa paparusahan? Sila nga ang nauna manakit!" Sigaw ko sa lalake.

Umiling siya. "That is the case, but you still attacked them, and even worse!" His voice a little higher than his usual. Huminga siya ng malalim at tumngin kay Alek. "Take her to your class, late na kayo."

Tumungo yung kumag at sumunod na ako palabas ng office. So yeah, the principal caught me beating up those girls. Nakaka inis kasama pa ako sa mapaparusahan eh nauna sila. That was self defense! Sayang naka takas pa yung mga yun.

Suddenly the boy stopped snd turned to faced me. "Stop whining. Kaya ka paparusahan dahil hindi lang self defense you ginawa mo. Kahit sila nga ang nauna at napatunayan yun through the cctv, you also had fun busting their faces. It was not self defense." He hissed. "Nakita mo na ba sarili mo? Hindi maikukumpara ang itsura ng limang yun sa iyo dahil wala ka naman masyadong galos, samatala sila halos masira ang muka." Imis niyang sabi.

Napa tigil ako sa pag lalakad at tiningnan ko siya ng maagi. Paano niya nalaman ang mga iniisip ko? What is this some kind of sick trick?

Umirap si Alek at tiningnan ako ng masama. Wala na yung mayabang niyang ngiti. "You were thinking out loud, you still are." Pag point out niya.

Agad kong itinikom ang bibig ko na naka buka. Talaga ba? Parang hindi naman base sa na aalala ko. Pero kung gamun paano niya ako narinig? Baka naman totoo sinasabi nito. Fuck nakakahiya.

Huminga siya ng malalim at nag umpisa ulit mag lakad. "Lets grab your books and go to class. Kanina pa nag ring yung bell." Sabi niya. "Nakaka inis. First late ko 'to sa buong buhay ko. Nakaka hiya." Bulong nkya sa sarili niya.

Tumigil ako sa pag lalakad. Parang nag pantig na ewan ang pandinig ko ng sabihin niya yun. Ang ayaw ko sa lahat eh yung ipinaparamdam sa akin na pabigat ako. It reminds me of the time when I was weak. Yung batang walang magawa kung hindi umiyak ng umiyak.

"Uy, bat ka tumigil?" Tanong nung kumag ng mapansin niya na hindi na ako naka sunod sa kanya.

I gave him a sarcastic smile. "That's none of your concern, now is it?"

Namula ang muka niya sa inis. "Ano ba yan Roxanne, late na tayo tas ganyan ka pa!" Pasigaw na sabi nung kumag.

"Edi mauna ka na." I answer back just as loudly. "I don't care kung malate ako. I'll do what I want." I hissed.

Lumaki ang mga mata nung kumag. "Fine! Bahala ka dyan. Mauun na talaga ako." Tiningnan niya ako ng masama na para siyang nag pipigil na patayin ako. "Masyadong mataas yang pride mo, akala mo may mararating ka pag ganyan ka? Hah. Good luck nalang sayo." He starts to walk away, but stopped before giving me a last look. "At wag mo akong matawag-tawag na kumag, dahil mas bagay sayo ang titulonna yun."

BiteWhere stories live. Discover now