One

6.8K 149 8
                                    

Maine's POV




"Ano?! Hihilata ka na lang ba dyan?! Aba anong oras na. Wala pa akong malamon dito! Samantalang ikaw ay patulog tulog lang dyan!" Naalimpungatan ako sa sigaw na yun ng Nanay-nanayan ko. Si Nanay Connie.



Ano pa nga bang bago? E lagi naman ganito ang eksena namin sa bawat araw na lumilipas. Napatingin ako sa orasan at pasado alas sais pa lang ng umaga. Alas tres na ako nakauwi dahil madaming tao sa bar.



Ako nga pala si Nicomaine Dei Mendoza. 21 years old. Nakatapos ako ng highschool at nakatungtong din naman ako ng college kahit dalawang taon lang. Hindi ko na din natapos dahil namatay na ang ama-amahan ko. Ang nag iisang nagmamahal sa akin ng totoo.



Noon naman ay maayos ang pakikitungo sa akin ni Nanay Connie. Nandoon pa din yung pagsusungit niya pero hindi katulad nito. Hindi niya ako magawang bulyawan sa harapan ng Tatay Leo ko. Sadyang mabigat ang loob niya sa akin noon pa lang at hindi naman yun lingid sa kaalaman ko.



Nung mamatay si Tatay Leo ay dun na lumabas ang tunay na ugali ni Nanay Connie. Hindi ko din alam kung saan ako nang galing. Gusto ko man itanong pero parang naiwas naman si Tatay. Ang sabi naman sa akin ni Nanay Connie ay iniwan lang daw ako sa tapat ng bahay nila. Anuman ang pinang galingan ko, hindi ko na din inalam pa. Sigurado naman kasi ako na wala akong babalikan.




Kinabukasan matapos ang libing ni Tatay Leo ay kulang na lang ay sipain na ako ni Nanay Connie palabas ng bahay para maghanap ng trabaho. Wala na daw kasing bubuhay sa kanila. Mayroon silang tunay na anak. Si Ingrid. Labing anim na taong gulang na siya at nasa 4th year high school na.




Kakamot kamot ang ulong tumayo ako dahil pakiramdam ko ay babagsak ako sa sobrang antok ko. Hindi ko nga magawang matulog ng walong oras kada araw. Swerte na ako kung makaabot ng limang oras ang tulog ko. Madalas ay tatlo lang.



"Ano? Nasaan ang pera? Aba't wala ka na ngang dalang pagkain para sa almusal ah! Tapos hindi ka muna mag intrega sa akin!" Sigaw niya pa sa akin. Nakayuko lang ako habang inaayos ang pinag higaan ko. Sa sala ako natutulog. Ang isang kwarto daw kasi ay para kay Ingrid lang. Tapos yung isa ay sa kanila ni Tatay Leo.




"Ate. Ako na lang bibili." Napaangat ang tingin ko kay Ingrid. Katulad ni Tatay, siya lang din ang nagmamalasakit sa akin. Kaya kahit gusto ko ng layasan si Nanay Connie ay hindi ko naman magawa dahil na din kay Ingrid. Masyado kasi siyang malapit sa akin.



"Ako na lang. Mag asikaso ka na para makapasok ka na." Pilit ang ngiting sagot ko sa kanya at napatango na lang siya.




"Nasaan na?!" Inip na inip na si Nanay Connie na mahawakan ang pera. Alam ko naman na dadalhin niya lang ito sa sugalan e. Wala naman siyang ginawa maghapon kundi ang magsugal. Kung minsan nga ay magugulat na lang ako dahil may biglang maniningil sa akin sa daan.





Labag man sa kalooban ko, wala naman akong lakas ng loob magsalita dahil siguradong yayanig na naman ang mukha ko sa sampal niya kapag nagreklamo ako. Pikit mata kong ibinigay ang kinita ko mula sa mg tip na natanggap ko sa bar kagabi. Waitress kasi ako dun.





"Bakit eto lang?! Hindi ako naniniwala na eto lang ang kinita mo!" Bulyaw niya sa akin na kulang na lang ay iduldol na sa mukha ko yung hintuturo niya. Halos lumabas na din ang litid niya sa leeg habang nandidilat ang mga mata dala na din ng galit niya sa akin.




"Nay, wala po kasing masyadong tao kagabi e." Nakayukong sagot ko. Kinakabahan kasi ako na baka masampal niya ako. Kahit na may pag galang ang sagot ko basta't hindi niya trip yun ay bigla na lang niya akong pagbubuhatan ng kamay.




"Paanong mawawalan ng tao dun?! Aba wag mo nga ako niloloko! Ano nagtatago ka na sa akin ngayon ng pera?! E kung palayasin kaya kita dito!" Pananakot pa niya sa akin. Kung ako lang matagal ko ng gustong umalis pero si Ingrid ang iniisip ko. Naaawa ako sa kapatid ko. Pangarap ko kasing mapagtapos siya ng pag aaral niya. Gusto kong maabot niya yung hindi ko naabot. Gusto kong maitaguyod siya para hindi maging ganito ang buhay niya.





Para hindi na lang humaba ang usapan ay dinagdagan ko na lang ang inabot ko sa kanya. Pero nagtira din naman ako ng sapat na pera para sa ipon ko. Mahirap na. Sumilay ang ngiti sa mga labi niya matapos kong iabot sa kanya ang perang gusto niya.




"Ayan. Kung ganyan ka ba naman ng ganyan e. Siya! Bumili ka na ng almusal at magluto ka na. Gutom na ako. Pagkatapos mo magluto ay labhan mo ang mga damit. Wala na akong isusuot. Bigyan mo na din ng baon yang kapatid mo." Parang amo siya na nag utos sa alila niya.




Ni minsan nga ay hindi ko siya naringgan ng kinakamusta ako. Lagi na lang siyang galit sa akin at parang isa akong malaking kalat na nakaharang sa daan niya dahil makita niya pa lang ako ay bigla ng nakulo ang dugo niya sa galit sa akin.




"Ate Maine. May natira pa naman akong pera. Ayun na lang ang baon ko. Pasensya ka na kay Nanay. Hayaan mo ate pagkatapos ko ng high school ay hindi na muna ako mag aaral. Tutulungan kita magtrabaho. Tara na. Kumain na tayo." Gusto kong maiyak sa sinabing yun ng kapatid ko. Inakbayan ko siya.





"Ingrid. Wag mo akong isipin. Kaya ko naman. Kaya ko nga to ginagawa para sayo e. Ang gusto ko lang naman mag aral ka. Magtapos ka. Yun lang ang kapalit ng lahat. Kaya ng Ate to. Basta ipangako mo sa akin na magtatapos ka ng pag aaral mo. Okay?" Nasakit na ang panga ko kakapigil ng luha na gustong kumawala sa mata ko.




Mapait siyang ngumiti at tsaka nagpauna ng lumakad papunta sa kusina. Napabuntong hininga na lang ako at lihim na nagdasal na sana dumating ang araw na magbago na ang lahat.



----

A/N: And so I'm back. Namiss ko kayo babies! Please bear with me sa slow updates. Pero salamat pa din sa mga magbabasa. Comment please. Para malaman ko lang kung itutuloy ko pa to. Salamat! -Ate Jen

She's Mine (MaiDen) SLOW UPDATETahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon