PROLOGUE

18.1K 287 33
                                    


Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.



PROLOGUE

"KAILANGAN nang magkaroon ng susunod na tagapagmana ang palasyong ito." Marahang napayuko ang reyna pagkarinig na pagkarinig pa lang sa salitang 'yon. Ni hindi nito matingnan ang mga opisyales ng palasyo na matagal na ring naghihintay ng maaring pumalit sa trono ng hari.

"Hindi niyo kailangang mabahala tungkol sa bagay na 'yan. Ginagawa naman namin ang lahat para magkaroon na ng bagong tagapagmana ang palasyong ito." Dinig naman nitong sambit ng hari sa kanyang tabi.

"Ngunit kamahalan, mahinig tatlong taon na ang lumipas matapos ang inyong kasal. Hindi ba't tila masyadong mahaba ang paghihintay na 'yon para sa palasyo." Pansamantalang nanahimik ang buong kapaligiran. Sinulyapan niya ang ministrong nagsasalita ngayon sa kanilang harapan. Hindi naman 'yon katandaan, maayos at tuwid pa naman itong nakakatayo. Hindi niya rin alam kung ano ba ang dapat na maging reaksyon matapos marinig ang sinabi nito. sa kabilang banda, hindi niya maiwasang kabahan.

"Bakit hindi nating ipatingin sa doktor ang mahal na reyna? Maari itong makatulong sa kanya." dahan-dahan niyang nilingon ang katabing hari sa kanyang kinauupuan. At tulad niya, lumingon din ito sa kanya. Nangungusap ang kanilang mga mata, makahulugan ang mga tingin. Subalit ilang sandali lang ay binawi niya ang tingin mula rito.

"Ipatawag niyo ang doktor." Pag-uutos niya. Lingin sa kaalaman ng lahat, palihim na kumuyom ang mga kamay ng Reyna. Hindi nito maiwasang kabahan. Nakita nitong yumuko ang ministro at tumalikod sa kanila. Kanya-kanya rin namang lakad ang mga taga-silbi hanggang sa manumbalik ang lahat sa kani-kanilang trabaho.

Tatlong taon na ang lumipas nang maikasal siya sa hari. Ibang beses na rin silang nagsiping subalit hindi pa rin sila mabiyayaan ng tagapagmana. Bagay na labis niyang ikinababahala. Ilang oras ang lumipas ay dumating ang ipinatawag nilang doktor. Nagtungo silang dalawa sa pribadong silid upang doon siya nito matingnan ng maayos. Habang naglalakad ay 'di niya maiwasang kabahan. Napakaraming tanong ay sumasagi sa kanyang isipan. Papaano kung may mali sa katawan niya? Papaano kung mayroon siyang karamdaman? Napakaraming 'papaano' sa kanyang isipan.

Napakaraming taong naghihintay sa kanilang susunod na tagapagmana. Sa magiging hari sa hinaharap –kung lalaki nga ang kanilang magiging anak—at mamumuno sa buong nasasakupan. Ilang oras siyang nakahiga sa malambot na kama habang pinagmamasdan ang makukulay at detalyadong disenyo sa kisame. Bawat minutong nagdaraan ay nadaragdagan ang kabang kanyang naramdaman. Hindi siya sigurado kung bakit niya iyon nararamdaman. Marahil paranoid dahil na rin sa kanyang edad ay 'di pa rin siya nagkakaanak.

"Kamusta ang resulta?" tanong niya nang matapos ang pag-eeksamina nito sa kanya. Tila ba may pag-aalangan nang doktor sa kanyang harapan. Hindi siya sigurado kung tama ba ang kanyang nakita o hindi dahil umiwas ito ng tingin sa kanya at itunuon ang atensyon sa pagliligpit ng gamit. "Tinatanong kita!" tumaas ang kanyang boses. Napatigil naman sa pagsasalansan ang doktor at nakayukong humarap sa kanya.

Rewind ✅Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon