Charm 45 ❀ Lost Princess

Start from the beginning
                                    

Naiiyak lamang ako sa mga naalala ko kaya naman lumabas muna ako saktong mayroon atang dumating. Tinungo ko ang pintuan at tama nga ako, nandoon sina Kyle. Agad ko silang pinapasok.

"San siya?" Walang buhay na tanong ni Bella. I looked at the way to my room, kaya pumunta siya doon, kasunod sina Kyle. I headed to the kitchen. Ang hirap pala na mawala agad siya. Bakit ganun? Sobrang sakit. Ngayon ko naramdaman na parang hindi ko kakayanin na wala siya. Ngayon ko na-realize kung gaano ko siya mahal na mahal.

Sana ako na lang iyong napahamak, sana ako na lamang iyong nawala. Hindi ko kasi kaya na siya itong kinuha sa akin. Nakakalokong buhay nga naman ito. Bullshit!

"Magiging masaya ba siya?" Napatingin ako noong may marinig akong boses. Nakita ko si Bella na kararating lamang ngayon dito sa kitchen.

"Anong ibig mong sabihin?" Naguguluhang tanong ko.

"Sa tingin mo magiging masaya si Ayisha habang nakikita kang miserable? Magiging masaya ba siya kung nakikita ka niyang ganiyan?" Natigilan ako panandalian dahil sa sinabi niya. Alam kong hindi siya magiging masaya. Pero, nawala iyong pangarap ko. Nawala iyong pangarap ko na makasama siya habang buhay. Tila nawalan na ng patutunguhan ang buhay ko ngayon.

"Hindi. Alam kong hindi." Madiing bigkas ko. "Pero masisisi mo ba ko kung ganito reaksyon ko? Bullshit Bella! Mahal na mahal ko iying pinatay nila. Mahal na mahal ko Bella!" Sigaw ko habang mayroong tumutulong luha. Kung kailan ko naramdaman na sobrang saya ko kapag nandyan siya, na mahal ko na siya, saka pa siya nawala.

"Louie---"

"Oo Bella, miserable ako sa pagkawala niya. Hindi mo ako masisisi, si Ryleen ang nagturo sa akin kung paano uli maging masaya, siya ang nagbigay ng direksyon sa buhay ko. Paano ko magagawang maging maayos kung wala na iyong dahilan ng mga pagbabago at ngiti ko ha?" Paglalabas ko ng sama ng loob sa kaniya.

"Ang sakit lang na makita iyong mahal mo habang nawawalan ng buhay sa harap mo, pero wala kang magawa. Parang guguho yung mundo ko habang yakap ko siya! Sana pinatay na lang din nila ko. Ang hirap mabuhay ngayon Bella. Oo nga't hindi siya magiging masaya kung makikita niya akong ganito. Ngunit, hindi ko pa kaya maging okay para sa kanya. Ikaw ba Bella, bakit hindi ka man lang umiiyak? Bakit para g hindi  ka man lang naghihinagpis? Kamamatay lang ng bestfriend mo subaliy wala kang pinapakitang emosyon, ni walang luhang lumalabas dyan sa mata mo. Kaibigan ka ba talaga---"

Hindi ko natapos ang sinasabi ko noong bigla na lamang akong sampalin ni Bella. Napasobra pala ako, dahil sa sakit na nararamdaman ko. Kailangan matigil ito. Hindi pupwedeng magtuloy tuloy ito, baka malaman na nila ng tuluyan ang tungkol sa mga mata kong isinumpa. Napaiwas na lamang ako ng tingin kay Bella dahil sa nangyari.

"Damn you, Louie! Iyong koneksyon namin sa isa't-isa walang ka pantay noon para saakin. Hindi porket hindi ako naiyak, wala akong paki-alam sa kaniya. Alam mo na mas doble iyong sakit ng pagkawala niya saakin. Ang tagal ko siyang nakasama, mas madaming alaala na mahirap kalimutan, mas madaming hinanakit ang nararamdaman ko. Mahal na mahal ko iyong bestfriend kong iyon! I would dare to risk my life to save her! Oo, hindi ako naiyak. Pero, hindi mo ba alam na kahit hindi ako naiyak, mas masakit ang dinadanas ko? She's the only family I have! Pagkatapos nawala pa. Kapatid na turing ko sa kaniya Louie, kaya huwag na huwag mong kukwestsunin kung kaibigan ba niya talaga ako. Kasi nakaka-bullshit lang. Tandaan mo masakit din sa akin ang lahat! Ayoko lang na makita niya akong mahina, dahil sigurado akong hindi niya iyon magugustuhan. Kahit naman papaano mas gusto ko naman na masusunod iyong gusto niya kahit wala na siya." Habang sinasabi sa akin ni Bella iyon, tuloy tuloy ang pagpatak ng hula sa mga mata niya.

Naramadaman ko iyong pagmamahal niya kay Ryleen. Ngayon ko lang siya nakitang ganoon kasama ang loob. Karaniwan napaka masiyahin niya. Masyado akong nadadala ng damdamin ko, dapat hindi ko siya sinabihan ng ganoon.

My Enchanted TaleWhere stories live. Discover now