- Chapter Seventeen -

Start from the beginning
                                    

"Hindi tayo sigurado" sabi nito

"Stop this shit Avery! Para kang namamaalam ehh!" sigaw ko at naramdaman kong nangingilid na ang mga luha ko

"Shh, don't cry baby" sabi nito sabay yakap sakin

***

Nagising ako na katabi ko si Avery. Pinagmasdan ko ang mukha niya, yung mga kilay, hubog ng mata,ilong,bibig lahat, perpekto napaka gwapo niya. Hindi ko lubos maisip na mamahalin ko ang isang katulad niya at mamahalin niya ang isang tulad ko. Yinakap ko ng mahigpit si Avery, tila naramdan naman ako nito at yinakap rin ako pabalik

"Baby" bulong niya sa tenga ko

"I love you Baby" sabi ko

"Louder please Baby" malambing nitong sabi

"I love you Baby, I love you Avery Rivera!" sabi ko ng mas malakas

"I love you too so much Baby, Sabrina Gomez" sabi nito at hinalikan ako sa noo

Napabangon nalang kami ng nakarinig kami ng sunod sunod na pagputok ng baril

"Shit baby, get some guns now!" utos saakin ni Avery na agad ko rin namang sinunod

Nang makabalik ako sa pwesto kung asan si Avery ay yinakap niya ako

"We can do this Sabrina" sabi nito, tumango naman ako. Oo alam ko, kaya naman ito, walang mawawala saamin

Hinalikan niya muna ako sa noo bago hinawakan ang kamay ko at hinatak palabas

Paglabas namin ay nakasalubong agad namin si Jhet na hinihingal

"Andito na sila" sabi nito at muling tumakbo palayo

Tumakbo na rin kami ni Avery ng magkahawak ang kamay

Napahinto kami ng humarang sa daan namin si Hailey

"Hailey" tawag ni Avery sa pangalan niya, ngunit nagsmirk lang ito saamin. Mukhang ginagawa na niya ang plano

"Hi Rivera, Hi Sab" bati nito habang nilalaro ang baril niya. Kung hindi ko lang siguro alam na scripted to ehh tatakbo na ako ng mabilis, nakakatakot si Hailey

"Get out of our way Jones" sabi ni Avery

"Nu-uh" sabi nito ng nakangiti samin. Ngunit nagulat ako ng tinutok niya ang baril samin. Alam ko wala to sa plano ahh?! Kami ba ang tinraydor ni Hailey??!

"Nakakagulat ba anak?" lumabas si Daddy mula sa likod ni Hailey

"Dad" sabi ko

"Nakakagulat ba na ang pinagkakatiwalaan mo ehh tatraydorin ka?" sabi nito "Ganyan yung ginawa mo sa akin" galit niyang wika

"Ayoko Dad, hindi ko sila kayang patayin" pagamin ko

Nakakarinig ako ng mga putok ng baril. Mukhang napasabak sila Winter, Joshua, Sander at Jhet. Sana walang mapahamak sa kanila

"Wag kang gumaya kay Amy,Sabrina!" sigaw ni Daddy

"Pero iba ako kay Amy, Dad!" sigaw ko

"Wala kayong pinagkaiba kung magpapakatanga ka sa pagibig" sabi nito

"Mahal ko si Avery at mahal niya ako!" sigaw ko sakanya

"Ginagamit ka lang niya anak" sabi ni Daddy

"No! Wag mong lasunin ang utak ni Sabrina!" sabat din ni Avery

"Wag kang makialam dito" sabi ni Daddy

Humigpit ang hawak ko sa kamay ni Avery

"Dad please stop this shit" pakiusap ko

"Kailangan mong patayin si Avery para matigil na to" seryoso nitong saad

Devils Academy [COMPLETED]Where stories live. Discover now