Chapter 11

38 2 3
                                        

Gavin Brayden's POV

Nang matapos ang first subject namin ay dumating na agad ang next subject namin, at nagtuloy tuloy na ang lesson hanggang sa magrecess na.

Nang makarating kami ng mokong na to sa canteen nung recess na ay agad na kaming bumili ng kakainin namin, naupo na kami sa pwesto namin kahapon o madalad na pwesto naming dalawa ni Brent at kumain. Si mokong ay kumakain ng Burger, na kung ano ano ang laman, may fries, may burger patties, may tomatoes etc. habang ang iniinom naman nya ay milktea na Choco Oreo Takaw talaga ng mokong, ako naman ay kumakain lang ng pepperoni pizza, umiinom naman ako ng milktea na Choco Oreo din ang flavor, wala e paborito naming dalawa ni Brent e.

Habang kumakain ay tahimik lang kami, ako ay naglalaro ng mobile legends at si Brent din ay naglalaro. Bakit ba! Nagpa shareit ako para hindi naman ako OP at mabored. Maya-maya lang ay biglang naglikot sa upuan ang loko at biglang napangiti, bugok talaga.

"Brent ano ba yan?! May kiti kiti ka ba sa pwet at napakalikot mo?!" Naasimangot na sabi ko.

"E kasi naman! Dumaan yung nililigawan ko! Ang ganda talagaaa!" Sabi ni Brent na animo'y kinikilig.

"Kabaklaan mo, mag-tigil ka nga dyan! Tatadyakan pa kita dyan e!" Nabubwisit na sabi ko.

"Teka! Sino ba yang nililigawan mo? Maganda ba talaga? Kailan pa? Hindi ka nagsasabi ah! Kilala ko ba?" Sunod-sunod na tanong ko sa kanya.

"Ang OA, mas bakla pa 'to sa akin e." Pabulong na sabi ni Brent pero narinig ko.

"Ano kamo?" Nakasimangot na tanong ko, kunyari nagbibingibingihan.

"Ahh hehe, ayun oh! Si Liahny! Well, last month lang. Ang ganda nya talaga!" Kinikilig na sabi sa akin ni Brent. Tsh Bakla talaga amp, maihi sana 'to sa pants.

"Tss! Hindi mo parin sinasabi sa akin ang dahilan kung bakit di mo sa akin sinabi kaya wala akong alam." Seryosong sabi ko. Paano ba naman e ngayon lang sa akin nagsikreto ang loko.

"Syempre, ayokong sabihin, tsaka kahit sabihin ko hindi mo naman kilala." Sagot pa nito.

"Kahit na! Dapat nagsasabi ka parin!" Sabi ko.

"HAHAHHAA sorry na!" Sabi pa nito.

"Samahan mo 'ko!." Dagdag pa ng loko.

"Saan?" nakasimangot na tanong ko.

"Dun oh! Sa tabi nila Liahny!" Sabi nya habang tinuturo ng nguso niya kung nasaan, tapyasin ko nguso nito e. -___-

"Edi ikaw! Ikaw ang manliligaw hindi ako, kaya ikaw nalang." Pagtanggi ko sa kanya.

"Aish. Halika na kasi!" Pagaaya parin sakin ng mokong.

"A.YO.KO. Ayoko!" Pagtanggi ko parin.

"Sige, bahala ka dyan ha? Wag mo kong kakausapin. Tsh." Nakasimangot na sabi ni Brent.

"Oo na nga! Bwisit!" Naiinis na sabi ko.

"Yeheeey! Ayon oh!" Sabi ng loko, ngingiti din pala tsh. Tinignan ko ang direksyon na tinuro nya, may kasama yung Liahny na babaeng nakatalikod, at ng humarap,

"Y-yun b-ba? Bat k-kasama ni V-versie?" Shet, bat ba ko nauutal?

"Ahh oo! HAHAHAHAA yun oh! Wag kiligin ang tumbong!" Ani Brent sabay kindat, yaaaaaak!

"Shut the fvck up Brent! Tigilan mo nga kong mokong ka! Di ka nakakatuwa!" Nakasimangot na sabi ko. Baliw ba? Alam kong di naman ako inlove dyan! Sama sama ng ugali! Ni hindi nagsorry! Naattract lang ako kasi maganda sya! Kelan pa ba nainlove ang mata?! Kelan pa tumibok ang mata?!

Yung mga sinabi ko kagabi? Nako! Wala yun! Dala lang yun ng kapaguran!

"Opo, titigil na po." Nakangiting sabi ng mokong.

"Tss." Naisagot ko na lamang.

Naglakad na kami papunta sa upuan nila nung Liahny, ubos na ang pagkain namin at tanging milktea nalang ang hawak namin.

Nang makalapit kami ay agad na tinawag ni Brent yung Liahny. Hmmmm, maganda nga.

━━━━━━━━━━━

Hi guysuee~
Do you enjoyed reading this Chapter? If you enjoyed, well then, kamsa! I appreciate your effort reading my story.

Super Thank You po sa pagsuporta ninyo, hindi lang sa story kung hindi maging sa'kin.
God bless us all!

DON'T FORGET TO VOTE, COMMENT AND SHARE! ILY ALL!

FIND ME:

— fb ; Amethyst Bly
— ig ; _amethystwp
— tap ; fallenanathema
— picsart ; amethystbly
— youtube ; Amethyst Bly
— twitter ; yeosinra

Once again, kamsahamnida~

Started With a Collide (Aragon Series #1)Nơi câu chuyện tồn tại. Hãy khám phá bây giờ