Chapter 22 "Elevator" (part 2)

413 34 1
                                    


Vernon's Pov


Si Jisoo.


Nakita ko siyang lumabas galing sa practice room na may bitbit na planggana at towel. Anong ginagawa niya?

"Hyung, magiging ok lang naman siguro ang lahat no?" tanong ni Dino sa akin.

Sabay kaming pumunta sa pledis building at kasalukuyang naglalakad papuntang practice room.

"Sana," maikli kong sagot sa kaniya.

"Bakit ba naging komplikado masyado ang mga bagay-bagay? Kasalanan to ni Seunggwan hyung. Hmmm, pero naniniwala ka ba na talagang si Miss K, este si Hyeri noona ang first kiss ni Seunggwan?"

"Hindi," maikli ko uling sagot sa kaniya.

"Eyy, tama! Hindi naman siguro no?! Sabi ko na nga ba, lasing lang si Seunggwan hyung e. Pero bakit niya kaya maiisip yung ganung ideya? Baka may gusto rin siya kay Hyeri, ano sa tingin mo Hansol hyung?"

"Malay natin," pangatlong maikli kong sagot. Hindi pa kasi ako nagbebreakfast kaya wala pa akong ganang magsalita.

"Hmmm, sa bagay. Kahit ako nga din, crush ko si Miss k. Ang cool niya kasi. Ang mga babaeng katulad ni Hyeri noona, sila yung mga babaeng madalas bumihag sa mga katulad ko."

Tinignan ko ng masama si Dino. Ano bang pinagsasasabi niya?

"Bakit Hansol hyung? May mali ba sa sinabi ko?" inosente niyang sagot.

Oo! Hindi maganda na magkaroon ng crush sa babaeng katulad ni Hyeri! It's so complicated e. But, why does it feel na tinatamaan ako sa sarili kong pagtutol?

We entered the practice room looking puzzled. Then, my eyes wide opened nang makita sa aming harapan ang babaeng nagpapagulo ng isipan namin.

O? Dito galing si Jisoo Hyung kanina. ibig sabihin, magkasama silang dalawa kanina!

"O! Noo...noon...noona! Andito ka pala!!!" gulat na gulat na sigaw ni Dino , "Hansol hyung, sa tingin mo, narinig kaya niya yung sinabi ko kanina na crush ko siya?" bulong niya. He look so frightened.

So I replied, "Hindi, don't worry," in a low tone.

Ano kayang pinag-usapan nila ni Jisoo?

"Dino, would you mind getting coffee for the three of us?" utos ko kay Maknae. Kaso...

"Ha?" mukhang hindi niya naintindihan. Ay oo nga pala, in-english ko kasi, my bad.

"Sabi ko, kumuha ka ng coffee para sa ating tatlo."

"A, coffee? E? Diba may coffee machine na tayo dito?" sabi niya habang itinuturo ang nasa likod namin.

A! oo nga no! Ano kayang gagawin kong ibang palusot?

"Mas gusto ko kasi yung nasa coffee vendo sa baba. Tsaka sa tingin ko, mas mabilis yun. Tutal, pareho naman tayong hindi marunong gumamit ng machine na yan."

"A, okay." Hay sa wakas pumayag na, "Noona, hintayin mo yung kape a." nakangiti pa niyang sambit kay Hyeri.

Tumakbo na siya papalabas, kaya kami nalang ni Hyeri ang naiwan. So, now what? Ano bang sasabihin ko?

"Goodmorning."

"Goodmorning" she replied.

"Anong ginagawa mo dito?"

"Dito ang workplace ko sa pledis, hindi naman siguro masama kung matagpuan mo ako rito diba."

Well, may point siya.

"Pretty U!"Where stories live. Discover now