Chapter 2 "Jihoon's Game"

844 50 21
                                    


Third person’s Pov

Dahil sa kalokohan ng tatlo ay hindi sinasadyang Naiuwe ni Seungcheol ang kapatid na si Hyeri sa Seventeen’s dorm.

“Woah! Se...Seungcheol Hyung! Kapatid mo siya?! Woah! Daebak daebak! Isa siyang diyosa!” sigaw ni Seunggwan na halos mawarak na ang bibig sa pagngiti.

Si Seokmin (Dk) naman ay parang makahiya na kusang tumiklop at nag-astang mahiyain ng makita si Hyeri.

“He...hello Hyeri, ako nga pala si Soonyoung, or Hoshi. Nice to meet you.” nahihiyang pag-iintroduce ni Hoshi habang nakalahad ang kamay niya sa dalaga. Mas lalo pang lumiit ang mga mata nito sa harap ng napakagandang dilag.

Sino ba kasing lalaki ang hindi tatamaan sa kagandahan ng kapatid ni Seungcheol? Malamang na kahit ang mga katulad nilang binatang tinitingala ng kababaihan, ay posible ring mamangha sa kagandahan ng sinuman. Appreciating the arts of beauty ika-nga.

Kaya itong si Wonwoo ay panandaliang natulala sa presensiya ng babaeng kaniyang natatanaw. Sakto kasi na ang huli niyang nabasa mula sa librong hawak niya ay ang mga pananalitang –‘at dumating ang napakagandang babae na bumihag sa kaniyang puso. Ang babaeng magbibigay kulay sa boring niyang buhay’

Ang galing! Sakto nga ang mga sinabi sa libro na may darating na magandang babae. Pero, magkakatotoo kaya kay Wonwoo ang sinabi sa libro?

“Wow,” ang tanging reaksyon naman ni Mingyu na kasalukyang may bitbit na isang plato ng spaghetti. Mukhang nabighani rin ang number 1 housewife ng grupo. “Aching!” bahing nito sabay takip ng kamay. Pagkatapos ay inosenteng ipinahid ang mga palad sa likod ng tulalang Wonwoo.

Ang dalawang chinese member naman na sina Jun at The8 ay nanonod lang habang nagsisikap na makasabay sa nangyayari.

Agad namang tumayo at lumapit si Jeonghan upang magpakilala, “Ow, ikaw pala ang kapatid ni Seungcheol,” bati nito sa dalaga.

“A, ikaw naman ang girlfriend ni kuya?” biglaang tanong ni Hyeri kay Jeonghan.

“Ha?” takang-takang reaksyon ni Jeonghan sa joke ni Hyeri.

“Joke lang, nice to meet you.” pagbibiro ni Hyeri sabay nakipagshakehands kay Jeonghan.

Pinaghiwalay agad ni Seungcheol ang kamay ng dalawa at naiiritang sinabi na, “Oo siya ang kapatid ko! Aalis na din siya ngayon! Ok? So tara na,” he grabs her hand at pinilit na ilayo sa mga kalalakihan.

Oo, ayaw niyang dalhin sa Dorm ang kapatid niya dahil isa siyang magandang babae. At hindi maikakaila sa mga reaksyon ng kaniyang member na isa lamang din silang hot-blooded young men. Pero hindi lang iyon ang ikinatatakot, o inaalala ni Seungcheol. Ang isa pang problema ay...

“Bakit hindi mo na muna siya pakainin dito? Tutal marami naman naihandang pagkain.” Biglang hirit ni Woozi.

Napahinto sa paglakad si Seungcheol, at ng lumingon siya pabalik ay nakita niyang nakangiti ng nakakaloko ang maliit, pero bully na si Jihoon.

“Wala naman kaming ibang planong gawin sa kapatid mo s.coups. kaya don’t worry, aalagaan namin ang pinakamamahal mong kapatid,” jihoon continued. Naglakad ito papalapit sa magkapatid at nakangiting binati si Hyeri ng, “finally, nameet din kita. Matagal ko rin inisip kung anong klase ng babae ang kapatid ni Seungcheol. Now i know, nice to meet you.” nilahad niya ang kanan niyang kamay while still making those weird smile on his face.

Lahat ng mga members ay natahimik at nagulat sa ikinilos ni Jihoon. Bakit?! Dahil si jihoon ay isang tipo ng lalaki na hinding-hindi magpapakilala ng basta basta sa sinumang babae at their first meeting. He hates girls! He never had a girlfriend. Ni kaibigan nga na babae ay wala siya. So, parang himala ang nasaksihan ng lahat. Lalo’t pang, hindi rin nila lubos maisip na magiging mabait ang pakikipag-usap nito sa sinumang may kaugnayan kay Seungcheol.

"Pretty U!"Where stories live. Discover now