Chapter 12 "My Sister"

429 41 5
                                    

Hoshi’s Pov

Ang gulo.

Sobrang gulo!

Nakasabunot ako sa buhok ko habang patuloy na pinagtutugma-tugma ang pangyayari.

“Okay,” pakikipag-usap ko sa sarili, “ So ganito, si Miss K, ay walang iba kundi si Choi Hyeri. Si Hyeri ay kapatid ni Seungcheol hyung. Tapos, crush ni Jun si Hyeri.  Idol naman ni Woozi si Miss K. Then, si Jisoo hyung ay ex-boyfriend ni Hyeri. So...? Waaaaaaaah! Nagugulo ang utak ko!”

“Ex-boyfriend ni Hyeri si Jisoo hyung?”

O? Hala! May nakarinig ata sa akin habang mag-isa akong nagsasalita rito sa balcony ng pledis building!

Agad akong lumingon sa likod, at nakitang nanlalaki ang mga mata ni...

“Seokmin!?”

“May relasyon dati si Hyeri at si Jisoo?” ang gulat na gulat na tanong sa akin ni Dk.

Gosh! Ang tanga tanga ko kasi.

“Narinig mo ba lahat ng sinabi ko Seokmin?”

“Uhmmm,” he mumbled, “ Narinig ko lahat. Kanina pa kita pinagmamasdan habang sinasabunutan mo ang buhok mo hyung.”

Patay!

So dahil wala na akong nagawa, ay kinuwento ko na kay Seokmin ang buo kong nakita, at ang lahat ng nalalaman ko tungkol  kay Miss k.

“Ayun! Dun ko nalaman kung anong meron sa kanilang dalawa. Huh, kaya pala, takang-taka ako kung bakit hindi kinausap ni Miss K si Jisoo yung nung unang evaluation,” ang pang-ending ng kwento ko.

Seokmin really likes ‘Chizmis’. Pagdating sa mga usapin, magkasundong-magkasundo kaming dalawa. so kapag may mga sikreto akong nalalaman, sa kaniya ko unang sinasabi. Well, yung tungkol kay Hyeri, wala naman akong planong sabihin sa kaniya ang tungkol sa issue nila ni Jisoo hyung. Malaking intriga kasi iyon. Kaso, aksidente niyang nalaman dahil sa kadaldalan ko.

But, may weird kay Seokmin.

After telling the whole stories na nalalaman ko, he just looks down , na parang ang bigat bigat ng dinadala niya. Seriously?! Hindi naman siya si seungcheol hyung para mamroblema ng ganito? Well, sabagay, ako nga halos mabaliw na kakaisip tungkol sa bagay na iyon. Pero weird talaga reaksyon ni Dk! Parang namatayan e.

“Hoy Dk, bakit ganiyan ang reaksyon mo? kulang nalang ‘ata. Umiyak ka a,”

Hindi niya ako sinagot. Sa halip, nagtanong lang siya sa malungkot na tono ng, “Sa tingin mo, bakit kaya sila nag-break ni Jisoo hyung?”

Bakit nga kaya? Hindi ko naisip ang tanong na iyon. Hmmmm?

“Mas maganda siguro,”

O? Kaninong boses ang sumagot?!

Napatingin kami ni Dk sa lalaking lumapit sa amin, galing sa likod ng halamanan. Waaaaaaaaaaaaaaah! Si Wonwoo!

“Wo...wonwoo?! kailan ka pa nandiyan?!” natataranta kong tanong.

“Mas maganda kung hindi niyo na alamin ang tungkol sa nakaraan nila,” ang seryosong sambit ni Wonwoo sa akin.

Ibig sabihin, narinig rin niya lahat! Ano ba yan?!

...

Jeonghan’s Pov

Nagsisimula na kaya silang magpractice?

Kasalukuyan akong naglalakad papunta sa practice room. Ngunit, napahinto ako sa paglakad nang makita mula sa malayo si Miss k na atras-abante sa harap ng pinto ng practice room namin. Anong problema niya?

"Pretty U!"Where stories live. Discover now