Chapter 21 "Solution?"

363 34 1
                                    


Third Person's Pov

"Meron na ako! Meron! Ang first ko ay si...si Miss K!" ang huling hirit ni Seungkwan bago napadukdok at nawalan ng malay.

Ano ang naging reaksyon ng mga nakarinig sa sinabi niya? All of them are wide-eyed! Sino ba naman kasing mag-aakalang sasabihin ni Seungkwan sa madla na ang first kiss niya ay si Hyeri?

Lahat ay napako ang tingin kay Hyeri, waring naghahanap ng paliwanag. Ngunit napatulala lang si Hyeri at hindi makapaniwala. Hindi naman kasi totoo ang sinabi ni Seungkwan. Indirect kiss ang nangyari! Aksidente lang nagtama ang mga labi nila habang naka-faced-mask si Boo Seungkwan! Kaya anong ipapaliwanag niya.

"Ha-Ha-Ha-Ha!" pekeng tawa ni Hoshi na nakakuha ng pansin. "Naniniwala kayo kay Boo? E dakilang sinungaling 'to! Ha-Ha!" Sabay binatukan ng malakas ang walang malay na si Boo.

"Sinungaling? E parang totoo ang sinabi niya," dagdag ni Danica na siyang nagtanong kay Boo kung wala pa itong first kiss. "Totoo ba iyon ate?" tanong nito kay Hyeri.

Muli, bumalik na naman ang tingin ng lahat kay Hyeri. Hyeri breathe in and out, hindi parin siya makasagot ni hindi makatingin kahit kanino.

"K-Kasi ganito 'yan!" sigaw ni Hoshi na pilit na iniiba ang usapan. "Si Boo kasi, may lihim na pagtingin dati kay Hyeri, diba Seokmin?!" hinampas niya si Seokmin para tumugon ito.

Kahit gulong-gulo ay napatango nalang si Seokmin at sumang-ayon, "A, oo! Oo! Oo! Loko loko 'to e!" sabay binatukan din nito si Seungkwan ng malakas.

"Uhmmm," ungol ni Boo na nasaktan pero hindi naman nagising.

"Nag-iilusyon lang siya, ha-ha-ha-ha!" Hoshi added.

Bigla bigla ay tumayo si Hyeri at nalaglag ang jacket na binigay ng kaniyang kuya Seungcheol. Kaya naman lumantad na naman ang mala-jasmine costume na suot niya. Everyone looked at her and naghintay ng sasabihin nito. Lahat nga ba ay tumingin sa kaniya? Hindi. May dalawang lalaki anng hindi nakatingin sa kaniya - Si Jisoo at Seungcheol na mukhang apektado sa narinig.

"Isipin niyo ang gusto niyong isipin. Pero hindi totoo ang sinabi ni Seungkwan," Hyeri said before she walked out.

Nagkaroon ng panandaliang katahimikan. Hanggang sa tumayo na ang nangangamoy alak na si S.coups at sumunod sa kapatid.

...

Hyeri's Pov

Pinagtitinginan ako ng sinumang makakita sa akin habang papalabas ako sa maingay na bar kung saan ginanap ang Company party. Hindi ko na nagawang mahiya sa mala- Princess Jasmine na costume ko habang naglalakad sa hallway. Ang gusto ko lang naman mangyari ngayon, makauwi agad.

Kiss? Ako? Kay Seungkwan? Nasisiraan na ba siya?! Walang kiss na--

"Hoy," isang tinig na narinig ko mula sa aking likuran. Kahit hindi ako lumingon, alam kong si kuya Seungcheol ang tumatawag. Kaya naman binilisan ko ang lakad at nagkunwaring hindi ko siya narinig.

Ayoko siyang makausap, ayoko. Bakit? Dahil natatakot ako. Natatakot ako na totoo ang iniisip ko tungkol kay kuya. Sinubukan kong makatakas, pero, nakalayo nga ako sa maraming tao ngunit nandito naman na ngayon sa aking harapan si kuya.

Walang ibang tao sa paligid, ako at tanging si kuya lamang. Nakaramdam ako ng kaba, at halos mapahakbang pa ako ng isa dahil rito.

"Iniiwasan mo ba ako?" tanong ni kuya na halos labasan ng kidlat ang matalim nitong titig. Oo nga pala't nakainom siya. His face is so red at amoy na amoy ko ang masangsang na amoy ng alak.

"Pretty U!"Where stories live. Discover now