Chapter 5 "Miss K"

704 49 5
                                    


Mingyu’s Pov

Ano ba yan?! Bakit hindi ako makatulog?!

Tumingin ako sa bandang kanan, nakita kong tulog na tulog na si Vernon. Tumingin sa bandang ibaba at nakitang tulog na tulog  narin si Wonwoo habang nakatalukbong.

Bakit kaya tanging ako lang ang hindi makatulog ngayong gabi?

Siguro, dahil may babae sa loob ng kuwarto namin kaya ako nagkakaganito. Kamusta na kaya si Seungcheol hyung? Nakatulog kaya siya ng mahimbing katabi yung kapatid niya?

Dahan-dahan akong sumilip, mula sa taas ng double bed, sa kinalalagyan nila hyung. Medyo madilim na ang paligid, because the lights were off, so imposibleng mapansin ako ni hyung na nakatingin sa kaniya. Nang tignan ko ang kalagayan ni hyung ay nakita ko itong mulat na mulat ang mata. Para rin siyang bangkay na nakahiga ng tuwid na tuwid.

Eh? Ang weird.

Yung kapatid naman niya ay mahimbing ng natutulog. Then, bigla nalang yumakap kay hyung yung kapatid niya. Ang sweet naman na magkuya?! Namimiss ko tuloy yung little sis ko.

O? Pero bakit ganun yung reaksyon ni Hyung? Nakanganga siya na parang naghahabol ng hininga nung niyakap siya ng sis niya. Napapikit pa ito ng mariin at buulong bulong na parang may ipinapanalanging seremonya.

Hanggang sa, bumangon na ito sa higaan at tumayo!

Pumikit ako bigla at nagkumot. Baka kasi mahuli niya akong nanonood. Binuksan ko ang isa kong mata para mapagpatuloy ang panonood sa kakaibang ginagawa ni hyung. When i secretly openedmy eyes ay nakita ko si hyung na hingal na hingal.

Naglakad na si hyung ng dalawang steps papaalis. But he stopped walking. Then, bumalik siyang muli sa kinatatayuan niya kanina. ano ba talagang ginagawa nito?!

Umusog ako ng kaunti para makita ko ng detelyado ang ginagawa ni hyung. This time, nakita ko siyang lumuhod sa sahig sa tapat ng kama na hinihigaan ng kapatid niya. Then, he smiled while looking at his sleeping sister. Yung...yung ngiti  na iyon, may kakaiba. May kakaiba akong naramdaman sa ngiti ni hyung. Hindi diya ordinaryong ngiti na madalas kong nakikita mula sa kaniya.

Kahit na kumakabog ang dibdib ko ay pinagpatuloy ko ang pasikretong panonood sa kaniya. I thought, yung smile lang niya ang kakaiba niyang gagawin. Pero laking gulat ko nang makitang hinawakan ni hyung ang pisngi ni Hyeri! My goodness! What is that?!

Ano ‘tong masamang kutob na dumadaloy sa buong cell organ ko?!

Ang  creepy, at the same time, nakakawala ng hininga. Yung nararamdaman ko ngayon, daig pa nung emosyon na naramdaman ko habang nanonood ng pinakanakakakilig na scene sa Descendants of the sun!

After a few minutes, na nakanganga lang ako sa gulat ay bigla naring tumayo si Seungcheol hyung. Pumikit muli ako at nagtulog-tulugan. Ano na naman kaya ang gagawin ni seungcheol?

Bumabase lang ako ngayon sa naririnig ko para malaman ang sumusunod na pangyayari. I heard something na kumakalinsing. Then, naramdaman ko na medyo umaalog yung double bed. Anong ginagawa ni hyung?

Ilang minuto pa ay naramdaman kong bumukas ang pinto at may lumabas mula sa kuwarto namin. When the door closed, ay idinilat ko na ang mga mata ko.

Muli akong sumilip sa ibaba at nakitang nakatago ng isang malaking kumot ang kapatid ni hyung. Nakathumb-tucks pa ang kumot sa paligid ng kama ko. Hala! Ginawang prinsesa ng mga indiano ata si Hyeri!

Dahan-dahan akong bumaba mula sa taas nng double bed. I walk carefully papunta sa tapat ng pinto. Unti-unti ko itong binuksan para hindi makagawa ng anumang ingay. And then, i saw hyung. Nakahiga siya sa sofa habang namamalipit sa lamig. Nagkakamot pa nga ito at nagpapatay ng lamok.

"Pretty U!"Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon