ii

3.9K 128 16
                                    


*****

'I need someone who will love me when I'm good, but especially when I'm bad.'

*****

Lumipas ang mga araw at tumigil na ang usapan tungkol sa pagpapahiya kay Laurence at pagsampal ni Chloe kay Jamie. Simula rin nung interaction ni Chloe at Jamie sa garden ay hindi na muli silang nag-usap kahit pa pareho na sila ng pinapasukang classroom.

At ngayon nga, hanggang tingin na lang si Chloe mula sa upuan niya. Ngunit hinihintay niya lang na mangyari ang gusto niyang mangyari. Siyempre, bilang isang reyna at may-ari ng Claude Rolando High, ang lahat ng nasa teritoryo niya ay kanya.

Pumasok ang prof nila at bumati sa kanila. At base nga sa kanyang plano, ay kinuha ng prof ang atensyon ng lahat at sinabing, "Magkakaroon kayo ng seating arrangement," simpleng mga salita ngunit nagawa nitong mag-create ng sari-saring komento; karamihan ay mga reklamo. Kesyo ayaw na nilang malipat, gusto nilang katabi friends nila, etc.

"Quiet! Ginagawa ko lang ang ipinag-uutos sakin so please. Hindi naman kayo ililipat ng section kaya 'wag kayong O.A.!" Pagsaway ng kanilang professor na nagpatahimik sa kanila. Malamang sa isip nila ay wala na rin naman silang magagawa.

"Table #1, Clara Medluca and Zach Denver," nagsimulang magtawag ng mga pangalan ang prof.

"Table #2, Leila Guevarra and Bree Arquiza."

"Table #3, Alyanna Manuel and Louis Legazpi." Napa-tsk naman si Louis dahil hindi na niya makakatabi si Jamie. Na siya namang ikinangisi ni Chloe dahil isa iyon sa inaantay niya, ang makitang matalo si Louis.

Nagpatuloy ang seating arrangement at ang mga sari-saring reaksyon ang namutawi sa bawat isa dahil sa mga bago nilang seatmate. May mga nasiyahan, nainis, at wala lang...

Hanggang sa dalawang pangalan na lamang ang hindi natatawag.

"Table #9, Chloe Reine Asuncion and... Jamie Lou Dizon." Pagtatapos ng prof.

Um-acting naman si Chloe na parang nagulat sa naging outcome ng seating arrangement. Kahit ang totoo'y iyon naman talaga ang kanyang plano dahil hindi na niya ma-take na makitang magkatabi si Jamie at Louis sa iisang table araw-araw.

Kunwari ay umirap at bumubulong-bulong siya habang kinukuha ang gamit niya. Si Jamie naman ay nakatungo lamang na nauna nang umupo sa itinalagang pwesto nila; sa tabi ng bintana sa kanang parte ng silid. Sa isip ng babae ay buti na lamang at kumportable ang pwestong napunta sa kanya, pwera nga lang sa makakatabi niya.

Nahigit na lamang ni Jamie ang sariling hininga ng tumabi sa kanya ang reyna. Naiinis siya dahil sa dinami-dami ng mga kaklase niya ay si Chloe pa talaga ang makakatabi niya. Ang hindi niya alam, ay sinadya ito ng reyna upang maging malapit sila.

Sa isang iglap ay nag-iba na ang atmosphere sa loob ng kanilang classroom. Naninibago ang lahat lalo na at nasanay na sila na sila ang pumipili ng ninanais nilang pwesto. Pero, wala na silang magagawa.

Kanina pa hindi mapakali sa kanyang pwesto si Jamie dahil kanina pa niya nararamdaman ang nagbabagang titig ni Chloe. Naisip tuloy ng babae na baka may lihim itong galit sa kanya at may pinaplanong kasamaan laban sa kanya.

Nagulat ang babae ng magsalita ang reyna, "Hey, give me your hand." Sabay lahad ni Chloe sakanyang kanang kamay at hinintay na gawin ni Jamie ang ipinag-uutos niya.

Napatingin kay Chloe ang babae at bakas sa kanyang mukha ang pagtataka dahil na rin sa munting kunot sa noo nito. Ngunit hindi siya gumalaw.

At dahil alam nating maigsi ang pasensya ni Chloe ay inulit niya ito, ngayon ay may halo nang inis ang boses. "Hey, are you deaf? I said give me your hand!" Sabay dabog ng nakakuyom na kamao sa lamesa dahilan upang mapunta sa kanila ang lahat ng atensyon. Maging si Jamie ay nagulat sa biglaang outburst ng reyna.

I Love The Pain Where stories live. Discover now