i

6.8K 138 4
                                    


*****

'The rain falls because sky can no longer handle its heaviness. Just like tears, it falls because heart can no longer handle its pain.'

*****

Nag-echo ang tunog ng sampal na ibinigay ni Rolando Asuncion sa kanyang anak na si Chloe. "Diba ang sabi ko, huwag mong gagalawin ang mga gamit ko?! Pakialamera ka talagang basura ka!" Nanggagalaiti nitong sigaw habang nagngingitngit.

Pakiramdam ni Chloe ay bumakat yata ang kamay ng ama sa kanyang pisngi at sigurado siyang kinabukasan ay magkakaroon na naman iyon ng pasa.

Kung siguro'y ilalagay natin ang ating sarili sa pwesto ng dalaga ay maiisip nating tayo'y umiiyak sa parehong sakit dahil sa sampal at sakit dahil sa mga binitawang salita ng ama, at pagtawag pa sa kanya ng basura nito.

Ngunit nagkakamali kayo.

Bahagyang hinimas ni Chloe ang pisnging nasampal. Pero nanatili itong nakatayo at hinaharangan ang nakababatang kapatid na takot na takot na nagsusumiksik sa kanyang likuran.

Hindi nagbago ang itsura ng kanyang mukha kahit isang porsyento. Nanatili itong blanko.

Hungkag.

Matapos mailabas ng ama ang galit sa anak ay umalis ito sa harap ng dalaga. Nang tuluyan na itong makalayo ay unti-unti ring lumabas mula sa kanyang likuran ang batang lalake na nasa apat na taong gulang pa lamang. Agad lumuhod ang babae upang pantayan ang bata.

"Don't cry na. Wala na yung monster, napaalis na ni ate," malambot na sambit ni Chloe sa kapatid bago punasan ang luha nito gamit ang kanyang hinlalaki.

"You're hurt," sagot ng batang lalake pagkatapos ay inilagay ang maliit nitong kamay sa namamagang pisngi ng dalaga at hinimas ito ng maingat. Wari'y ayaw nitong masaktan ang babae. "and it's because of me." Mahinang bulong ng bata na malungkot na yumuko.

"Oh, no, no! It's not your fault that ate's hurt. The monster hurt me, not you. Don't blame yourself, okay?" Agad na sagot ni Chloe at niyakap ang bata. "Basta 'wag mo na lang ulit gagalawin 'yung mga gamit nung monster, ah?" Tumango lang ang bata bilang sagot.

Doon lang. Doon lang nagsimulang tumulo ang mga luha sa mga mata niyang walang buhay.

*****

I love the pain. It gives me strength.

And right now she loved it even more. "C-Chloe--let me explain!" Sigaw ng lalaking tanging underwear lamang ang saplot. Ang babae na nakahiga sa kanyang kama ay natatarantang tinatakpan ang hubo't-hubad nitong katawan gamit ang comforter niya.

Kung anong taranta nila ay siya namang pagkablanko ng mukha ni Chloe. Pinagmamasdan lang nito ang dalawa habang cool na pinapaikot-ikot ang susi sa hintuturo niya. Nakasandal pa siya sa pinto ng condo niya.

"Then explain," flat nitong saad na patuloy pa ring pinapaikot ang susi sa daliri.

"W-well... um, Chloe, it's just..." kakamot-kamot sa batok ang makisig na lalaki at halatang sobrang kabado ito. Pakiramdam niya ay nawala yata lahat ng pinag-aralan niya. "it's not what you think! There's nothing going on between us! Believe m-me Chloe..."

"Oh, c'mon, Esguerra! Tell me, what should I think? That you're just playing a game called sex? Huh?" Ibinato ni Chloe nang malakas ang susi sa sahig.

"C-C-Chloe..." utal na lang na tawag ng lalaki.

"Get out! I'm enough of your lies, Esguerra." Pagtataboy ni Chloe sa boyfriend--or ex-boyfriend niya, rather. Doon lang lumabas ang disappointment, galit ang puro negatibong emosyon sa boses niya.

I Love The Pain जहाँ कहानियाँ रहती हैं। अभी खोजें