bloody Nightmare

1 0 0
                                    


Pano ako lalaban kung hindi ko alam kung sinong kalaban?

Pano ako makakaligtas sa nakaraan kong pilit akong pinapatay.

Sinong pagkakatiwalaan ko?

Pano ako makakaahon kung lunod na ako sa mga sikreto?

Pano ko matutuklasan ang katotohanan kung lahat ng nasa paligid ko may lihim na tinatago saken?

Lalaban akong magisa pero pano?
Pano ko puputulin ang lahat ng to kung Ako mismo ay walang maalala tungkol sa nakaraan ko.. Hindi ko alam kung sino talaga ako. Hindi ko alam kung anong nangyari saken at nabalot ako ng bangungot. Isang bangungot na hindi matapos tapos. Isang bangungot na patuloy akong hinahabol.

_____________

" Arghh! "

Isang malakas na sigaw ng babae ang bumasag sa buong silid.

Madilim at magulo, ang kamang punit punit na puno ng dugo. Mga basag na salamin, mga bubog na nagkalat patay sinding ilaw na mistulang naghihingalo. Marami rin bote ng alak ang nagkalat. Mga litratong may bahid ng dugo at may maliit na kutsilyo ang nakatusok dito.

Isang babaeng wala na sa tamang pagiisip. Ang gulo ng mahaba nyang buhok ay unti unti nyang ginugupit. Wala syang kasuotang umiiyak sa sulok. Ang kanyang katawan na puno ng pasa at galos mga bahid ng dugo sa kanyang pisngi

" Papatayin ko kayong lahat! "

Sabay tawa. Malademonyong tawa

You've reached the end of published parts.

⏰ Last updated: Jan 30, 2017 ⏰

Add this story to your Library to get notified about new parts!

Kill Your NightmareWhere stories live. Discover now