51: The past behind them

208 32 91
                                    

Chapter 51: The past behind them

Ria's POV

Napangiti na lang ako ng mapait habang nakahawak sa kamay ni Louis at nginitian niya na lang din ako pabalik at mas lalo niyang hinawakan ng mahigpit yung kamay ko.

"The wedding is already settled. Here take a look of the invitations." Napatingin ako sa mga invitation cards na nasa harapan ko at agad kong kinuha yung isa dito.

Huminga na lang ako ng malalim para pigilan yung pagbabadyang pagbagsak ng mga luha ko ng bahagya akong mapatingin kay Arjin na nasa harapan ko.

"What do you think of it anak?" Rinig kong nakangiting tanong sa akin ni mama.

Napatango na lang ako ng malumanay, "Okay naman po. Pwede po bang umakyat na ako? Masakit po kasi yung ulo ko." Saad ko na lang.

"Ah ganun ba, sige magpahinga ka na lang muna." Saad sa akin ni mama kaya naman nag excuse na lang ako at tumayo na sa sofa namin.

"Samahan ko na lang po siya." Rinig kong saad ni Louis at sinamahan ako.

Bago ako umakyat ay bahagya akong sumulyap kay Arjin na kanina pa tahimik at nakayuko. Hindi ko tuloy maiwasan ang malungkot ng maalala ko yung sa singsing.

Pero napa iling na lang ako at umakyat na lamang sa kwarto namin ni Louis.

Nakaupo lang kami si Louis sa kama namin at parehas lang kaming tahimik hanggang sa nagsalita siya. Siguro na awkwardan na siya sa sitwasyon namin.

"Gusto mo ba ng gatas? Titimplahan kita." Tanong niya sa akin. Napatingin naman ako sa kanya at tumango na lang ako kaya naman iniwan niya na ulit ako sa kwarto.

Pero sa totoo lang ayoko talaga ng gatas, gusto ko lang talaga mapag-isa ngayon.

Napahilamos na lang ako ng mukha ko at bumuntong hininga.

Tama na Ria, wag mo ng isipin pa si Arjin. Tigilan mo na siya kasi ikakasal ka na.

Napabuntong hininga na lang ulit ako at hindi ko na naiwasan pa ang mapatingin sa daliri ko na may singsing na bahagyang kuminikinag dahil sa ilaw mula sa lampshade.

Tama ba talaga yung desisyon ko?

"Ria.."

Napa angat ako ng tingin ko at nagulat na lang ako ng may nakita akong isang tao na naka hoodie sa harapan ko. Sa sobrang dilim ng paligid ay hindi ko naaaninag yung mukha niya pero masasabi kong babae siya dahil sa boses at pigura ng katawan niya.

"T-Teka sino ka? Pano ka nakapasok dito?" Nauutal na tanong ko sa kanya. Shit sino siya?

Kahit anong pilit kong tignan siya ay hindi ko pa rin makita yung mukha niya dahil sa dilim. Napatingin naman ako sa pintuan at nakita kong naka lock na ito. Tangina.

"Ria, Ria, Ria. Hays, nagustuhan mo ba yung regalo ko?" Saad niya pa at kahit hindi ko nakikita yung mukha niya ay alam kong nakangisi na siya.

Humakbang siya papunta sa direksyon ko kaya naman napahakbang ako paatras.

"W-Wag kang lumapit!" Nauutal na sigaw ko pero wala, humahakbang pa din siya palapit sa akin at naramdaman ko na lang ang malakas na kabog ng dibdib ko.

Naginginig yung mga daliri ko. Di ko din alam kung bakit ganito yung nararamdaman ko. Sobra akong natatakot sa presensya niya.

Kahit pilit kong maging matapang ay hindi ko talaga mapigilan ang matakot. Tangina Ria.

Ako nga pala ang forever mo | BTS SugaTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon