2: Mall

880 66 56
                                    


Chapter 2: Mall

Ria's POV

Tulala pa rin ako dito sa loob ng court namin habang naka tingin sa hairpin ko na nasa palad ko.

Okay.. Alam na niya..

Alam na niya..

Alam na niya..

ALAM NA NIYA PUTANGINA ANO NG GAGAWIN KO?!

Bigla na lang ako nataranta. Shit naman ano ng gagawin ko?

Ayoko naman ma reject uli. Masakit yun. Mas masakit pa sa mapasok ka ng dose na lalaki.

De joke lang huehue. Virgin pa ako kahit ganito ako.

Pilit kong pinapakalma ang sarili ko sa pamamagitan ng pagpaypay ng kamay sa mukha ko.

Nang napakalma ko na ang sarili ko ay inayos ko na yung mga gamit na ginamit ko pang linis sa isang tabi dahil panigurado madami akong gagawin bukas.

Kinuha ko na ang bag ko na nasa isa sa mga bleachers at agad itong sinakbit sa aking balikat.

Kailangan ko mag isip kung ititigil ko na ba tong kahibangan ko sa kanya o itutuloy ko pa ba?

It's more like, manonood ba ako ng porn o hindi na muna?

Ang hirap pumili tangina.

"M-miss?" Napapitlag na lang ako ng bigla na lamang ako nakarinig ng isang mahinhin na boses mula sa tabi ko.

Tinignan ko siyang naka yuko.

Teka.. Kilala ko tong babaeng 'to eh. Siya yung na late din kanina doon sa klase ni Krillin.

"G-gusto ko lang magpasalamat." Kinakabahang saad niya.

"Magpasalamat saan?" Nagtatakang tanong ko sa kanya.

Nakita ko naman na inayos niya yung salamin niya sa mata. Nerd nga pala 'tong isang to.

"Yung sa classroom kanina. Thank you talaga." Saad niya at bahagya niyang inangat yung ulo niya kaya nagtama yung mata namin at ng mangyari yun ay agad siyang nag bow sa harapan ko.

"Ah okay." Yun na lang ang sinabi ko at agad siyang tinalikuran na parang wala lang nangyari.

Mukha namang nagulat siya sa inasta ko,

"W-wait! Teka lang po." Paghahabol niya sa akin at hinawakan niya yung balikat ko.

"Ano ba?"

"Yung ibig ko pong sabihin. Gusto po sana kita i-treat bilang pasasalamat."

Agad akong lumingon sa kanya at napa buntong hininga muna bago magsalita.

"Alam mo, tumutulong ako dahil gusto ko. Oo alam kong sa sarili ko na patay gutom ako pero hinding hindi ako tumatanggap ng kahit ano bilang pamalit sa pagtulong ko." Mahabang lintanya ko sa kanya.

Oh shet ang galing ko talaga. Nakapagsalita ako ng mahaba ng hindi nabubulol.

Mukha naman siyang nagulat sa inasta ko at napa yuko uli.

Unting unti na lang at babatukan ko na talaga 'tong babaeng 'to ng matuluyan na. Lagi na lang naka tingin sa sahig ganun na ba ako kaganda at nasisilaw na siya masyado doon?

Tinalikuran ko na siya. Pero habang naglalakad ako ay may narealize akong isang bagay.

Sayang yung libre anuba.

Binalikan ko uli siya na siya namang ikinagulat niya.

"Nagbabago na ang isip ko. Libre mo na ako." Saad ko sa kanya.

Ako nga pala ang forever mo | BTS SugaTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon