Chapter 17: It's Love

745 16 0
                                    


Cyrene's POV

"Patulong naman.. Itayp niyo naman 'to please.. Antok na antok na talaga ako eh..", sabi ko pa kay Chelsea at Dianne na enjoy na enjoy namang nanonood ng TV.

"Magdusa ka! Sasama-sama ka doon sa seminar na 'yun.. Meron ka pa palang gagawin na final exam..", sabi ni Dianne.

"Wala akong nakinig.. Yang! Ice cream tayo.. Gusto mo? Bibili muna ako sa labas..", sabi naman ni Chelsea.

"Ako? Hindi niyo ba ako aalukin?"

"Sasama na ako sa'yo.."

"Grabe! Parang walang nakikinig.. Hay nako! Ewan ko sa inyong dalawa.. Hindi ko kayo mapakiusapan.. Grrr!", dabog ko pa.

"Para namang may magagawa 'yang arte mong 'yan.. Hindi ka bagay mag-artista Cy.. Tara na sa labas, Puti.. Baka mag-'beast mode' si Ahjumma.. Hahaha!", asar pa ni Dianne.

"SINONG AHJUMMA?! WAG KAYONG BABALIK DITO HA.. SUSUNUGIN KONG MGA GAMIT NIYO EH..", sigaw ko.

"Cyrene! Ang ingay mo.. Natutulog na ako 'nak.. Pati 'yung kapitbahay natin nabubulabog mo..", sabi ni Nanay na nagising pala dahil sa ingay ko.

"'Yung dalawa kasi 'Nay eh.."

"Nagsumbong si Ahjumma.. Hahaha! Bye Ahjumma..", asar pa ulit ni Dianne.

"'Nay kayo po? Ano pong gusto niyong ipabili?", tanong pa ni Chelsea.

"Ibili niyo ako ng tulog.. Gabi na eh ang iingay niyo pa.. Lumakad na kayong dalawa.."

"Yes Mother..", sagot nila.

Napansin ko na lang na nagri-ring ang phone ko.

"Oh bakit?", sagot ko ng tawag.

"Wala pa nga akong sinasabi, galit ka na agad?", sabi ni Niño.

"Oh dali.. Ano ba 'yun? Gagawin ko pa 'yung exams ng mga bata para bukas eh.."

"Wow! Busy! Kasi nga ganito nga 'yun.. Sasabihin ko lang sa'yo na bibinyagan 'yung bunso ko next week.. Kukunin ko sana kayong Ninong at Ninang ni Sir Pare.."

"Nagkamali ka yata ng tinawagan.. Wrong number ka 'tol.. Ay sige.. At least may tatakasan ako sa Pasko.. Para makabawi naman ako sa mga pang-aalaska at pang-aasar mo.. Hahaha!"

"Walang ganun Pangs.. Grabe ka.. Blessing 'yan.. Wag mo namang taguan.."

"Alam ko naman.. Sige na.. Sagot na ni Ninang ang isang cake..", sabi ko pa.

"Naku.. Wag na.. May ipon na din ako para doon eh.."

"Itabi mo na lang 'yan 'tol.. Mas mabuti 'yung may tabi kang pera.. Para kapag nangailangan kayo, lalo na ang mga chikiting mo eh meron kang magagamit.."

"Thank you Ninang Pangs.. Good night.."

"Nang-asar pa talaga eh.. Sige.. sige.." Bumalik naman ako sa desk ko para ituloy ang ginagawa ko.

❤❤❤

Shin Bi's POV

"Hello po.. PDEA po ito..", biro ko pa kay Cyrene.

"Anong PDEA? Sira!", sagot pa niya.

"Hello.. Hello.. Where's my Professor Bunny? Is she there?", tanong ko pa ulit.

"I'm still busy Daddy Bear.. Call ka na lang ulit mamaya", sabi pa niya.

"Sige na nga..", at pinutol ko na ang tawag. After 10 minutes ay tumawag ulit ako sa kanya.

My Lovable Girl [Taglish] (Complete)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon