Chapter 7: Love, Come To Me

658 13 0
                                    



Cyrene's POV

Dala ni Ahjussi ang bag at ang mga folders na kinuha ko galing pa sa office sa Manila gamit ang kanang kamay niya habang ang isang kamay naman niya ay nakahawak sa kamay ko. 

"Ahjussi.. Paano mo po nalaman na nandito ako?", sabi ko sa kanya habang papunta kami sa kanyang kotse. 

"Nakita ko kasi 'yung exclusive news sa TV kanina kaya dali-dali na akong umalis.. Pakiramdam ko kasi nandito ka.. At siyempre nag-aalala ako sa'yo hindi lang bilang boss mo kundi bilang si Ahjussi.. Mabuti na lang at hindi ka doon sa bus na iyon nakasakay..", paliwanag pa niya. 

"Doon nga dapat po ako sasakay.. Eh kaso napuno na nung lima na lang kami sa linya ng pila.. Kaya 'yung kasunod po na bus ang nasakyan ko..", sabi ko pa. 

"Yah! Wag kang magbibiro ng ganyan.. Halos mangatal na nga ako sa sobrang takot at pag-aalala sa'yo kanina eh..", pagalit pa niyang sabi. 

"Ahjussi mianhe..(Sorry Ahjussi..)", ngumiti na lang ako sa kanya. 

Nang makasakay na kami, napansin ko parang kamukha ni Steve 'yung naglalakad. Binalewala ko na lang dahil imposible naman na pumunta siya dito. 

Matagal akong nanahimik sa loob ng kotse dahil sa tagal ng pag-aayos sa kalsada. Hanggang sa nakatulog na ako dahil sa sobrang pagod sa biyahe.

❤ ❤ ❤ 

Shin Bi's POV

Inihatid ko muna si Cyrene sa kanila at bumalik ako sa opisina pagkatapos. 

"Ah.. Eh.. Sir.. Nakita niyo po ba si Sir Steve?", tanong sa akin ng isang staff. 

"I'm sorry.. Hindi eh? Bakit mo siya hinahanap?", sagot ko naman. 

"Eh Sir.. Umalis po kasi siya kanina gamit 'yung motor niya.. Susunduin yata po si Ms. Hernandez.. Hindi ko na nga lang po alam kung anong nangyari sa kanya.. May mga naiwan pa po kasi siyang gawain sa desk niya eh..", sabi pa ng staff. 

"Ok.. Thank you for that.." 

At tinawagan ko kaagad ang phone ni Mr. Tuazon pero kahit ilang beses ko ito tawagan ay hindi ito sumasagot. Wala na akong naisip kundi umuwi ng bahay at magpahinga dahil sa stress at pagod.

❤ ❤ ❤ 

Steve's POV

Nasa isang ospital ako dito sa Sta. Rosa, Laguna kasi naaksidente ako sa dinadala kong motor. Halos wasak na at tingin ko ay ilang piyesa na lang ang pwedeng pakinabangan. 

Sobrang bilis na akong nagpatakbo at ang nasabi ko na lang, "Bahala na..". Akala ko pa nga kanina, mamamatay na ako eh. Mabuti na lang at kaunting galos at bali sa kaliwang braso ko lang ang nangyari sa akin. 

Hindi ko na rin kasi alam ang gagawin ko nang malaman ko na hindi pa nakakabalik ang crush at first love ko noong high school – si Cyrene. Iba na rin kasi ang pag-aalala ko na para bang may nangyaring hindi maganda sa kanya. 

Pero sa huli naabutan ko namang ligtas siya. 'Yun nga lang, Hindi ako ang naunang nakasaklolo sa kanya kundi ang taong masasabi kong kaagaw o karibal sa puso niya – si Director Park, ang boss ko. 

Tinawagan ko si Cyrene pagkatapos gamutin ang mga sugat ko. 

"Oh ano?" 

"Anung ano?", sagot pa niya. 

"Inaalam ko lang kung nakauwi ka na.." 

"Oo.. Nakauwi na ako kani-kanina lang.." 

"Hay! Mabuti naman.. Ang daya mo.. Sabi mo dadaan ka sa office di ba? Tapos ililibre mo ako.." 

My Lovable Girl [Taglish] (Complete)Where stories live. Discover now