Chapter 8: Morning of Canon

599 13 0
                                    

Cyrene's POV

"Do do do.. Down dooby doo down down.. Comma, comma, down dooby doo down down.. Comma, comma, down dooby doo down down.. Breaking up is hard to do..

Don't take your love away from me.. Don't you leave my heart in misery.. If you go then I'll be blue.. Cause breaking up is hard to do..

Remember when you held me tight.. And you kissed me all through the night.. Think of all that we've been through.. And breaking up is hard to do.."

Breakin' up is hard to do ni Neil Sedaka. Ito ang song na pinatutugtog ni Tatay sa loob ng bahay ngayong mga oras na ito. Sakto naman at Linggo ngayon.

Hindi na muna ako pinapasok ni Tatay sa trabaho dahil nga sa nangyari kagabi at dahil na rin sa paalis na siya bukas pabalik ng Dubai para magtrabaho ulit doon.

Hindi naman tumanggi ang boss ko dahil siya mismo ang sumagip sa akin kagabi. Hay! Sana ok lang siya.

Hanggang sa naalala ko ang ginawa ko kagabi – yung paghalik ko sa labi ni Ahjussi. "Cyrene bakit mo naman ginawa 'yun? Hindi ka ba nahiya sa ginawa mo?" hanggang sa namula ang mukha ko at nagmamadali akong pumasok sa kwarto. Pero hinarangan ako ni Tatay.

"Cyrene 'nak.. Tapatin mo nga ako.. May gusto ka ba sa boss mo?", tanong pa ni Tatay.

"Nakuuu.. 'Tay.. Wala po.. Masyado lang kayong napapraning..", sagot ko naman sa kanya.

"Wala namang masama kung aaminin mo.. Hindi naman kita pipigilan sa mga desisyon mo eh.. At saka nasa tamang edad ka na.. Wala namang masama kung ikukwento mo sa akin ang totoo eh.. Di ba wala tayong lihiman sa pamilyang ito? At saka Tatay mo naman ako eh.. Sige ka wala ka nang mapapagkwentuhan pag nasa Dubai na ako..", sabi naman ni Tatay.

Hinawakan ko ang braso ni Tatay at naupo kami sa salas.

"Alam niyo 'Tay.. Gusto ko pong ikuwento sa inyo ang lahat.. Pero tingin ko po ay hindi sasapat ang isang araw lang.. At hindi na po ako pwedeng magsinungaling sa inyo.. Crush na crush ko nga po ang boss ko eh.. Kaso nga lang.."

"Kaso nga lang ano?", tanong ni Tatay.

"Tatay, hindi po ba may age gap kami? Ok lang po ba sa inyo?"

"Alam mo anak.. Walang pinipiling edad ang pag-ibig.. Walang perpektong relasyon.. Walang pinipiling panahon.. At lalo't higit nawawala ito kung hindi mo aalagaan ng maayos..", paliwanag pa ni Tatay.

"Wow! 'Tay! Grabe kayong humugot ha?", tatawa-tawang sabi ko pa sa kanya. "Aba! Tingnan mo itong batang ito.. Nagsasabi ako ng totoo.. Eh bakit hindi mo gawing example 'yung sa amin ng Nanay mo?", sabi pa ulit ni Tatay.

"Naniniwala naman po ako.. Pero payag po ba kayo?", tanong ko pa ulit kay Tatay.

"Ako na ang nagsasabi.. Walang magiging problema sa amin ng Nanay mo..", paliwanag pa ni Tatay.

"At saka wala akong nakikitang mali kay Shin 'nak.. Ni hindi ko pa nakikita 'yung ibang ugali ng taong iyon.. Mas madalas mo siyang kasama sa trabaho, kaya alam ko na mas kilala mo siya kesa sa akin.. At hindi ko rin pwede siyang husgahan.. Ang sa tingin ko lang talaga 'nak, malaki ang tyansa na gusto ka rin niya.. Eh biruin mo, hatid-sundo ka dito sa bahay.. Tapos kapag naman may nangyayari sa'yo siya 'yung naghahanap sa'yo.. Kung wala siyang pakialam sa'yo, hindi ka niya pahahalagahan.."

"Amen 'Tay.. Ang haba ng sermon ng Tatay ko eh.. Dinaig pa ang pari sa simbahan..", sabi ko pa.

"Plano ko nga rin 'yun ngayon.. Tatawagan ko mamaya ang boss mo na samahan tayong magsimba mamayang hapon.. Ok ba 'yun Cyrene 'nak?"

My Lovable Girl [Taglish] (Complete)Where stories live. Discover now