"Huy, Dwight! Gising!" sigaw ko sa kanya habang papunta ako sa kitchen.

Para bang nagulat siya sa bigla kong pagsigaw pero agad din siyang tumayo at sumunod sa akin.

"G, can we start over? Sorry kung ano-ano 'yong nasabi ko sa 'yo no'ng nakaraan. Hindi ko dapat ginawa 'yon. Dapat hinayaan kitang magpaliwanag. Siguro, nasaktan lang talaga ako kasi nagtago ka na ng mga bagay sa akin."

"Dwight, there's a difference between keeping things as a secret and actually forgetting about those things. Gustong-gusto kong magkwento sa 'yo ng mga nangyayari sa akin sa opisina pero paano ko naman gagawin 'yon e hindi naman tayo magkasundo ngayon!" sigaw ko sa kanya pero parang bigla akong nagsisi sa sinabi ko.

Mali. Maling-mali na parang mas lalo ko lang siyang sinisisi sa nangyayari. But Dwight, being the good guy that he is, tumango lang siya bilang sagot sa akin. Ni hindi man lang niya ako sinabayan sa pagsigaw ko.

"G, alam mo namang hindi ko gustong gawing komplikado ang lahat para sa 'yo. Gustong-gusto na kitang kausapin pero hindi ko alam kung handa ka na bang makipag-usap. Napapagod na ako sa ganitong setup. G, ayusin na natin 'to, please."

"Yeah, right. Hindi mo gusto?" natatawa kong tanong sa kanya. "Kung nakinig ka lang sa akin no'ng simula pa lang, hindi sana tayo aabot sa ganito. Isa lang naman ang hiniling ko sa 'yo pero hindi mo pa maibigay sa akin. May limitasyon din naman ako. Kung ganito rin lang pala ang mangyayari pagkatapos ng pagpapakasal ko sa 'yo—You know what? Never mind. Hindi ko nga alam kung bakit nakipag-uusap pa ako sa 'yo ngayon, e," sabi ko sa kanya at ginawa ko na ang isang bagay na expert na expert na akong gawin—ang mag-walk out.

Pero bago pa man ako makalayo, hinablot na ako ni Dwight sa braso ko at sinubukan niya akong yakapin nang pagkahigpit-higpit.

"You know that I'm sorry, right? Sinusubukan ko namang ayusin 'to, e. Sabihin mo sa akin. Ano bang dapat kong gawin para mapatawad mo ako?" tanong ni Dwight habang sinusubukan kong makawala mula sa pagkakayakap niya.

"Ewan ko . . . Siguro kung dito na lang tayo at hindi na tayo aalis?" sagot ko sa kanya at narinig ko ang pagbuntonghininga niya.

"Hindi ba natin pwedeng subukan kahit ilang araw lang? Kung pagkatapos no'n, ayaw mo pa rin talaga roon, saka tayo bumalik dito."

"Dwight naman. Parang hindi mo kilala 'yang nanay mo. Once na pumasok na tayo roon, wala na tayong kawala. Para na tayong mga presong hindi man lang makapagpipiyansa para makalaya."

"You're exaggerating this, G. Hindi pa nga natin nasusubukan."

"Sige na. Sabihin mo sa akin. Ano nga ulit 'yong rason kung bakit ka umalis sa bahay n'yo dati? Nakalimutan mo na ba 'yon, Dwight? Kino-control ka niya pati na rin ang buhay mo! Gusto mo ba talagang bumalik sa pagiging puppet niya, ha?"

Hindi na nakasagot si Dwight sa sinabi ko and I took that as my cue to leave. Imbis tuloy na maghanda ng almusal, dumeretso na lang ako sa balcony para magpalamig ng ulo.

Option B

"G, pwede ba akong pumasok?" tanong ni Dwight pagkatapos niyang kumatok sa pinto ng kwarto ko.

"Yeah sure, I guess," sagot ko sa kanya.

Nakahiga lang ako sa kama at nakatulala sa kawalan nang pumasok siya sa kwarto. Umupo siya sa tabi ko at sa totoo lang, umasa akong hihiga agad siya sa tabi ko pero hindi niya naman ginawa. Naiintindihan ko naman siya. Hindi pa rin naman kasi kami nagkakasundo at medyo awkward nga naman kung bigla kaming magyayakapan na para bang wala kaming problema.

"May tsansa bang . . ."

"Kung itatanong mo na naman ang tungkol sa paglipat sa bahay ng nanay mo, ganoon pa rin ang sagot ko. Ayaw ko pa rin. Mas willing pa akong gumawa ng oras para sa 'yo at sa relasyon nating dalawa pero parang hindi ko talaga kakayaning tumira sa iisang bahay kasama ang nanay mo."

"Ano bang pwede kong gawin para magbago ang isip mo?" tanong ni Dwight sa akin na sinundan ng buntonghininga.

Doon ko lang na-realize na nahihirapan na talaga siya sa sitwasyon namin ngayon. Para nga namang kasing pinapipili ko sa siya sa pagitan namin ng nanay niya.

"Ewan ko. Pero sDwight, sa tingin ko, kailangan muna nating ayusin 'yong problema nating dalawa bago tayo sumabak sa isa pang giyera."

"Ganyan ba talaga ang tingin mo sa proposal ni Mommy?"

"Dwight, come to think of it. Ikaw naman talaga kasi ang may kasalanan sa lahat ng problema natin ngayon. Ikaw ang nagsabi sa kanya na buntis ako kahit na alam nating pareho na hindi. Ayaw na nga niya sa akin noon, paano pa kaya ngayon kapag nalaman niya ang totoo? Sa tingin mo ba, tama pa ring tumira tayo kasama siya kung may ganito tayong problema?"

"We can cross the bridge when we get there. Malay mo, mabuntis din kita agad! Pwede naman nating ulit-ulitin hanggang sa maging totoo na. Sabi naman nila 'try and try until you succeed', 'di ba?" sagot niya sa akin.

Hindi ko na napigilan ang sarili ko at binatukan ko na siya nang pagkalakas-lakas.

"Ow! What was that for?"

"Dwight, seryoso ako rito! Ni hindi ko nga alam kung okay na ba tayo ngayon o hindi, e."

"Seryoso rin naman ako, ah! Kung 'yon lang ang paraan para mapapayag kita, kahit gawin pa natin 'yon maya't maya, oras-oras, o kahit araw-araw pa."

Sa mga oras na 'yon, iniwas ko ang tingin ko kay Dwight. Pakiramdam ko kasi, para akong matutunaw sa paraan ng pagtingin niya. Hindi ko siya magawang tingnan na ganoon ang itsura niya. May kakaibang aura na nagmumula sa kanya at kinikilabutan ako dahil doon.

Hindi na ako sumagot sa kanya at hinayaan kong lamunin kami ng katahimikan. Humiga siya sa tabi ko at napansing kong bumibigat na ang paghinga niya. Dahan-dahan niyang hinawakan ang kamay ko pero pinipilit ko ring hablutin ito mula sa kanya. Alam kong naiinis na siya sa kaartehan ko pero wala akong pakialam.

"G . . ." pagsisimula niya.

"Dwight, no! Not right now when we are in the middle of a crisis."

"Pero, baka ito na ang lulutas sa problema natin," bulong niya sa may tainga ko pagkatapos ay niyakap na niya ako nang mahigpit. Naramdaman ko ang hininga niya sa may leeg ko at kinalabutan na naman ako dahil doon.

"Dwight, nako. Sinasabi ko sa 'yo. Tigil-tigilan mo ako!" singhal ko sa kanya habang pilit na lumalayo sa kanya. Kaso kahit na anong gawin ko, bumabalik at bumabalik pa rin ako sa pagkakakulong ng mga braso niya.

"G, please?" bulong ulit niya at nang magsimula siyang halikan ako sa leeg papunta sa aking tainga, alam kong wala na akong kawala. Damn it.

Moving Into the Monster's HouseWhere stories live. Discover now