Note
Okay...Ang tagal kong hindi nakapag-edit. Sorry! Nag-iloveyougoodbye na kasi ang mahiwaga kong cellphone. Eh dun ako naguupdate. Huhu. So, surreh! Gamit ko tablet kaso ang tumal minsan ng ibang apps dito. Ang bagal pa ng internet sa Pilipinas!
Oh here. Enjoy na po.
● ● ●
20
Gelo's POV
Lumilindol parin. Grabe ano na bang nangyayari?!
"Guys, kailangan muna natin ng safe place. Hindi tayo pwede magtatakbo ng ganito kalakas ang lindol!" sigaw ko dahil tumatakbo nalang kami ng tumatakbo. Hindi na tama to. Baka mapano pa kami sa pagtatakbo namin.
"Wala namang safe sa lugar na to! At mas nasa panganib na tayo!" Sagot sa akin ni Jay.
Tama naman siya. Sarado lahat ng mga pintuan at parang wala ng way para buksan sila. Tsaka, nakakatakot. Baka kasi kung ano nalang lumabas bigla sa mga pintuang yan.
Unsafe. May paraan pa kaya para makalabas kami dito? Gaano ba kami tatagal sa lugar na to? Impyerno tong lugar na 'to!
Pero teka...Safe. Tama! Naalala ko na! Yung lugar kanina. Yung lugar kung saan kami hinatak ni Earl nung hinahabol kami ni Tr. Mhai.
"Alam ko na! Tara sumunod kayo sakin." Nagkatinginan lang sila at nauna na ako. Kaya naman sumunod na sila.
Topher's POV
Naglalakad na kami. Siguro mga sampung minuto narin. Nawala na yung lindol, which is good.
"So...here. Dito iyon." Sabay tigil ni Gelo sa tapat ng isang pintuan. Parang wala namang laman yung loob. Binuksan na niya ang pinto at sunud-sunod na kaming pumasok dito.
"Anong klaseng kwarto 'to?" Pagtatanong ni Jay habang inililibot ang paningin sa loob.
"Siguro, ito yung kwarto na nasa kwento ni Earl."
Simpleng kwarto lang. Parang office. Maraming libro. Karamihan sa mga ito ay malalaki at makakapal na libro. Pero kakaiba. Iba yung ambiance dito. Iba yung pakiramdam. Para akong nakalutang. Ewan ko ba. Nakakapagtaka rin na parang hindi nilindol dito. Maayos lahat. Malinis.
Sa di-kalayuan, may napansin ako pulang usok. At isang tao?
Nanlaki ang mga mata ko sa nakikita ko. Teka, totoo ba 'to?
Ngumiti siya at lumakad papalapit sa amin. "Sige. Tuloy kayo."
"Sir. Albert?" Sabay-sabay naming tanong.
Tumango lang siya at nagsalita. "Oo, ako nga. May mga importanteng bagay akong sasabihin sainyo." Nagsimula na itong maglakad at sumunod naman kami sakanya.
Dinala niya kami sa isang mesa na paikot. Sinenyasan niya kami kaya naman umupo na kaming lahat. Umupo narin sa Sir. Albert kaya naman naging seryoso na ang lahat.
"Unang-una sa lahat, gusto kong humingi ng tawad sa inyo. Hindi na sana kayo nadamay pa." Malungkot ang ekspresyon niya. Bakit siya nagso-sorry? Wala naman siyang kasalanan sa lahat ng 'to.
Napabuntong-hininga siya at tumingin sa amin isa-isa. "Nung una, may kutob na akong may gagawing hindi maganda si Earl, pero hindi ako sigurado kung ano iyon. Hindi ko alam. Kung sana...sana may nagawa pa ako para hindi na kayo nadamay pa."
"Lumindol. Nawalan tayo ng malay. Pagkagising ko, hindi ko inasahan. Alam kong nakabalik na ako sa paaralan ko. Pero mali. Hindi ito yung inaasahan kong mabalikan. Nandito nga ako pero yung oras...hindi tama."
Tumayo siya at naglakad paikot sa amin. "Alam kong hindi kapani-paniwala lahat ng to, pero gusto kong sabihin sainyo na gising kayo. Totoo lahat ng 'to. At ikinalulungkot ko ring sabihin na lahat ng namatay dito, ay dito narin habang buhay..."
Agad namang napatayo si Jay sa upuan niya at nilapitan si Sir. Albert. Naiintindihan ko naman siya. Alam kong masakit bilang kuya ang mawalan ng kapatid. "Yung kapatid ko Sir! Si Clarence! Wala na nga siya, habang buhay pa siya maghihirap dito? SABIHIN MO SAMIN ANG PARAAN!" Hinawakan niya si Sir. Albert sa dalawang braso nito kaso tumagos lang ang kamay niya rito.
Nagulat naman kaming lahat at nagkatinginan.
Napatingin kaming lahat kay Sir. Albert. Tumango siya at ngumiti ng malungkot. "Pinatay ako ng sarili kong anak..." Umiling-iling siya at pinilit huwag mapaiyak. Instead, tinapangan nito ang mukha niya. "Humanap na kayo ng daan palabas. Kayanin niyo. Para sa amin. Bilisan niyo. Kaunting oras nalang."
"Pero Sir...Paano...po?" Ngumiti lang ito samin atsaka naglaho.
Katahimikan.
Paano ba kami lalabas? Bakit ba hindi sinabi ni Sir. Albert?
Nawawalan na ako ng pag-asa...
Katahimikan. Nagpapakiramdaman.
Bumuntung-hininga si Jay at biglang humarap sa amin. "Mukha inaasahan niya na tayo mismo ang sumagot sa misteryong 'to. Naniniwala siya na kaya natin." Napangiti naman ako. Tama! Parang sa mga group activity ni Sir! Ngingiti lang siya sa amin kapag kaya namin sagutin yung mga tanong niya. Tumango ako kay Jay biglang pagsang-ayon. Ganun din ang iba. "Kaya, tara na! Hindi dapat tayo magsayang ng oras. Para sakanila 'to. Para sa kapatid ko..."
Lalabas kami dito. Kakayanin namin 'to.
Matatapos din 'tong ilusyon nato.
The game is not yet over.
