Gusto ko pa sanang magpantasya sa kanya pero binuksan na niya ang pintuan ng principal's office. Wala na akong nagawa kundi ang pumasok sa loob.

Nakaramdam ako ng kaba habang nililibot ang tingin ko sa loob ng office. Ano ba kasi ang kasalanan ko at pinatawag ako rito?

Hindi kaya dahil sa pagsira ko sa halaman na kagagawan ng lalaking iyon? Kung iyon nga, talagang malalagot siya sa 'kin.

"G-Good morning po!"

Sobrang bilis ng kabog ng puso ko kasi seryoso ang tingin nito sa 'kin.

"Have a seat."

Umupo na ako habang nakapatong ang dalawa kong palad sa magkabilang tuhod ko. Hindi ko alam kung bakit kinakabahan ako. Wala talaga akong ideya kung anong ginawa ko.

"B-Bakit n'yo po ako pinatawag?"

Relax Gianna, mukha lang siyang leon pero tao siya. Hindi ka niya lalapain nang buhay. Relax!

"Hindi na ako magpapaligoy-ligoy pa. Pinatawag kita dahil may ginawa kang malaking kasalanan, Ms. Arellano."

My eyes widened. Inayos naman nito ang salamin niya.

"S-Sorry po..." paumanhin ko kahit na wala akong ideya kung ano ang nagawa ko. Ang malala pa'y malaking kasalanan—as in big mistake.

"Sorry? The damage has been done, Ms. Arellano. Walang magagawa ang sorry mo."

Wala talaga akong ideya kung anong ginawa ko! Nananahimik kaya ako.

"A-Ano po ba ang ginawa kong kasalanan?"

"First, kissing is not allowed inside the school."

Tumaas pa ang isang kilay niya.

Namula ang pisngi ko sa narinig. Ano ba ang tinutukoy niya? Noong nasa hallway kami, sa locker, o roon sa may bakanteng silid?

Nanlaki ang aking mata sa naisip ko. Ibig sabihin ay tatlong beses na kaming naghalikan ni Mask?!

"Second, nabalitaan ko na sinuntok mo sa mukha ang ating SSG president..."

Nanlaki ang mga mata ko kasi pati iyon ay alam niya. Sino ang walanghiyang nagsumbong sa principal na ito?

Wait—SSG?

"SSG PRESIDENT?!"

Napahawak ito sa dibdib sa gulat sa hiyaw ko.

"Yes, Ms. Arellano, SSG President ng Cross Sign ang binangga mo. I know that Mr. Samaniego is a playboy, pero wala sa bukabularyo niya ang makipaghalikan dito sa loob ng school. Pero bigla ka na lang gumawa ng eksena at dinamay mo pa ito."

What the hell?! Pwede na ba akong lamunin ng lupa sa nalaman ko. President? Ang playboy na iyon ay isang SSG PRESIDENT?!

"Third, you kicked him in his balls. Paano kung hindi na siya makabuo kapag may asawa na siya? Anong gagawin mo?"

Pati ba naman iyon ay alam niya? Lahat na lang yata! Chismosa lang?

"P-Papalitan ko po ang itlog niya," tugon ko at huli na nang ma-realize ko ang sinabi ko.

"Ms. Arellano!"

Hinampas niya ang lamesa habang namumula na ang mukha sa galit.

"Auntie!"

Narinig kong may nagsalita at nang makilala ko kung sino iyon, gusto ko siyang dambahin at sakalin sa inis na nararamdaman ko ngayon.

Auntie? Mag-auntie sila?! Hindi na ako magtataka kung siya ang nagsabi ng lahat nang iyon kaya narito ako ngayon kaharap ang principal.

Accidentally Kissed the PLAYBOYWhere stories live. Discover now