Chapter 50

61.8K 866 99
                                    



Chapter 50
😶😶😶

"Wala pa akong regalo!" Taranta kong sabi kay Kara

"Regaluhan mo na lang ng mind blowing sex" pilyong sagot niya

"Baliw!" Inirapan ko siya

Hindi ako nagkaroon ng pagkakataon para pumunta ng Laoag at bumili ng regalo. Pati kay Denisse wala pa akong regalo sa kanya.

"Halika dito" tinapik ni Kara 'yong tabi niya.

Nakaupo siya doon sa kama. Nakalapag ang laptop niya sa kandungan niya. Noong umupo ako doon ay may plinay siyang video.

Hindi ko pa 'yon maintindihan noong una, pero nang marealize ko kung ano 'yon ay agad akong napatayo at hinampas ang braso niya! Walang hiya 'tong babaeng 'to! Kung ano-ano ang pinapakita sa akin.

"Ito naman! Sakit nun ah!" Reklamo niya habang hinihimas ang kanyang braso "Ikaw na nga 'tong tinutulungan!"

"Bakit kasi yan?" Kumunot ang noo ko

"Hoy! Alalala! Pa virgin ang peg! Parang hindi niyo 'to ginawa ni Dylan."

Nagawa na namin, pero iba 'yon kaysa sa pinapanood. Ang awkward kaya manood ng video ng ibang tao na nagse sex.

May kumatok sa pintuan bago ito bumukas. Sina Angie at Enna, bihis na bihis sila.

"Pupunta kami sa Laoag mag la last minute shopping kami. Gusto niyong sumama? O baka may gusto kayong ipabili?" Aniya

Napangiti ako! Sakto! Buti na lang at pupunta sila.

Sinabi ko sa kanila na wala pa akong regalo sa kambal at hindi ko alam kung ano ang ibibigay sa kanila.

Nanatili kami sa loob ng kwarto namin ni Kara at nag-isip. Ilang minuto pa ay nagka ideya na ako.

"May sasabihin ako sa inyo, pero secret lang natin to ah? Alam niyo naman na hindi pa kami legal kay mama" panimula ko

Tumango naman sila at biglang sumeryoso ang mga mukha nila. Parang handa silang makinig sa ano mang sasabihin ko.

"Hmmm" nangalumbaba ako para mapansin nila 'yong singsing ko

"Ano na?" Inip na tanong ni Enna

Mas pinarada ko pa 'yong singsing  sa paningin nila. Kumunot pa ang noo nila, pero si Kara, nang marealize niya kung ano 'yong pinapahiwatig ko ay namilog ang mga mata at labi niya

"OH MY GOD!" Eksaheradang sigaw ni Kara "Engaged na kayo?"

"WHAT!" Angie exclaimed

Agad nilang kinuha 'yong kamay ko para tignan 'yong singsing.

"Ang ganda!" Puri ni Angie

"Ang laki ng bato!" Kumento ni Kara

"Sangla na natin!" Biro ni Enna

Tumingin kami sa kanya ng masama. Never! Hinding-hindi ko 'to isasangla kahit na maghirap ako. Iingatan ko 'to. Kanina nga parang natatakot akong isuot dahil sa unang tingin pa lang ay mukhang mahal talaga ang binayad ni Dylan dito.

"Kailan pa?" Tanong ni Angie

"Kagabi lang. Sinagot ko siya noong eksaktong twelve o'clock" ngiti ko

Nagkwentuhan pa kami tungkol sa nangyari kagabi. Kwinento ko sa kanila 'yong tungkol sa video at 'yong pagkanta niya. Sabi nila ay maganda daw talaga ang boses ni Dylan.

Fall AgainWhere stories live. Discover now