Chapter 37

53.4K 817 77
                                    



Chapter 37

"Ana" tawag niya ulit sa pangalan ko

Anim na buwan ng hindi ko siya nakita at dalawang buwan na noong huli ko siyang nakausap. And I don't miss a single thing about him. Not even his voice. Right now, his presence and the sound of his voice makes me feel irky.

Napapikit ako. Galit ako sa kanya, pero hindi kasing tindi noon. I have to admit, I feel irritated that he's here. Bakit siya nandito? Anong kailangan niya sa akin? Tototohanin ba niya yung sinabi niya sa akin noon na guguluhin niya kami?

Kung nandito man siya para gawin 'yon, mabubuhay na naman ang matinding galit na nararamdaman ko para sa kanya. Handa na nga akong patawarin siya. Because I realized that being mad at him won't bring me anywhere. There's so many reasons to be happy, and I wont let my anger hover over that happiness.

Not every relationship has a happy ever after. Some relationships are also bound to end. One of those unsuccessful relationships are Joaquin and I, our relationship, is one of those relationships that are not meant for each other.

Kaya kahit na anong gawin niya, hinding-hindi na ako babalik sa kanya. Mas mahihirapan lang kami because it takes two to build a successful relationship. Kung magkakabalikan kami, siya lang ang may gusto, siya lang ang gagawa ng paraan para maging maayos ang relasyon na gusto niyang ibalik.

I'm okay. I'm fine. Even though I have a lot of problems, I'm still happy. Kayang-kaya kong maging masaya na wala siya sa tabi ko. Maybe some people won't find their happiness even after a long time heartbreak because their heart still belong to the person who broke it. But that's not my case because after our break up I still managed to be happy. Yes, I admit, I kept a grudge against him and Cathy that's because I was hurt, I was betrayed, but now I'm ready to forgive.

Dapat kasi tinuloy na lang nila 'yong relasyon nila para wala ng gulo. Para masaya kaming lahat. Okay lang naman sa akin kung magiging sila. Walang kaso sa akin iyon. Magiging masaya pa nga ako para sa kanilang dalawa.

Si Cathy. Nandito din kaya siya? Magkasama kaya silang dalawa? Natawa ako sa isipang 'yon. Kukumbinsihin niya akong makipagbalikan sa kanya, pero kasama naman niya si Cathy. Pero gaya nga ng sabi ko, okay lang kung magkasama sila dahil wala akong balak na makipagbalikan sa kanya.

"Ana, please" narinig ko ang boses niya mula sa likuran ko

Unti-unti akong humarap sa kanya. And there he is, alive and breathing. Nakasuot siya ng trunks at basa ang buo niyang katawan. Ganoon pa rin, wala masyadong nagbago sa kanya. Matangkad, medyo mahaba na ang buhok niya, medyo maskulado, at halata ang tumutubo niyang balbas.

"Bakit ka nandito?" Diretso kong tanong

"Kasama ko 'yong mga kaibigan ko. Bakasyon" kalmado niyang sagot "And of course I want to take you back, baby. I told you that a hundred times and I meant it."

"Para saan pa?" Kumunot ang noo ko "Nag-aaksaya ka lang ng panahon. Wala kang makukuha sa akin. And I told you a hundred times as well, I. Don't. Want. You. Back. Masaya na ako, kaya hayaan mo na ako. Lubayan mo na ako"

"I'm sorry, but I can't promise that. Mahal na mahal kita. Hindi ko kayang mawala ka sa akin" he took a step forward

"Diyan ka lang" pagtigil ko sa kanya "Alam mo, kahit siguro hindi mo 'yon ginawa, matatapos at matatapos pa rin ang relasyon natin. Napaaga lang dahil sa ginawa mo. At ayoko ng masakal pa sa relasyong hindi ako napapasaya."

"So, hindi na kita napapasaya? Bakit? Huh?" Ginulo niya ang kanyang basang buhok "Dahil may iba ng nagpapasaya sayo?

"Hindi ko pa nakilala si Dylan, hindi na ako masaya sa relasyon natin. I was just trying kasi iniisip ko baka makarecover pa tayo at muntik na, muntik na tayong makarecover pero niloko mo ko."

Fall AgainDonde viven las historias. Descúbrelo ahora