Porque, jeans at simpleng T-shirt lang ang suot ko? Porque, naka reading glass at naka ponytail lang basta ang buhok ko? Porque wala akong make up at kapirasong alahas, maliban sa hikaw ko? Mukha na akong Yaya ni Hidalgo?!

Kailan pa naging judgemental ang Nanay ko?

Sumilip akong muli sa bintana. Agad na ngumiti si Cali ng matanaw ako. He's just wearing a dark blue shirt and naka black jeans. Halos lahat naman sila ay simple lang ang pananamit, ngunit talagang halata mong nasa mataas na antas ng lipunan.

I'm falling even more in love with you

Letting go of all I've held on to

I'm standing here until you make me move

I'm hanging by a moment here with you

I'm living for the only thing I know

I'm running and not quite sure where to go

And I don't know what I'm diving into

Just hanging by a moment here with yo----

''---Ay putangina!"

Malakas akong natawa ng biglang bumuhos ang ulan, nagtatakbo sila papunta sa aming bakuran. Mabuti nalang at eksaktong papunta roon si Mama para buksan ang gate.
Gaya ng sinabi ni Mama, nagpalit na muna ako ng damit. Tutal nasa bahay naman ako ay nag shorts nalang ako at light pink na round neck shirt, saka gabi naman na. Matutulog narin ako mamaya-maya. Suot ang bugs bunny slippers ko ay lumabas na ako ng aking kwarto. Pakialam ko ba kung magmukha naman akong kung ano kapag itinabi ako sa kanya.

"Nakakainis! Nabasa na ako!" nagmamaktol na ani Trek. Nakanguso pa siya habang nagpupunas ng towel sa kanyang braso. "Kung bakit ba naman kasi, sumama pa ako sa katangahan ni Hidal--" Nag-angat siya ng tingin at mabilis na umayos ng upo. "Hi! Pres!" bilis mag shift ng mood ha? Kanina naiinis ngayon naman nakangiti. Nagsalubong ang kilay ko ng bumaba ang tingin niya sa aking hita.

"Wag mong titigan yung legs! Dudukutin ko iyang mata mo eh!" Agad itong siniko ni Cali, bago sinamaan ako ng tingin. Anong problema nya? Ng hindi siya magsalita ay pinaikot ko na lamang ang mga mata ko. Ewan ko sa iyo, Hidalgo. Naglakad ako papunta sa kusina at nilampasan sila.

"Bakit ka nakashorts?"

Napahawak ako sa sandalan ng dining chair namin. Punyetang Hidalgo 'to! Balak pa ata akong bigyan ng sakit sa puso! Matalim ko siyang tiningnan, ng nakahawak padin. Bakit kasi ang gwapo niya kapag malapitan. Ayoko lang sabihin at sigurado lalong magyayabang iyan eh. ''Pake mo? I'm on my own house, En, I can wear whatever I wanted to wear."

''Yeah, right. And those malilibogs are staring at your legs!'' pinandilatan niya ako after he hissed me.

"Look who's talking?" I gave him a mocking smile before I raised my brow. "Parang hindi ka ganon, ah?''

"Kung ganon ako, edi sana matagal ng nawasak iyang bataan mo."

Namilog ang mata ko at agad na tinampal ang bibig niya. Lumabas sa banyo si Mama at na lumapit sa lababo namin, saka naglagay ng hand sanitizer. Narinig kaya niya? Letse naman kasi ito si Cali! Walang preno minsan ang bunganga.

"Azula, tawagin mo na iyong boyfriend mo--Andyan na pala."Aniya ng malingunan kami ni Cali. "Tawagin mo na lang iyong mga kasama niya anak." Nginitian niya si Hidalgo, at pinaghatak ng bangko. "Halika dito Hijo, dito ka maupo."

"Yes, Tita." Nginisihan ako ni Hidalgo at nilampasan.

Napairap na lang ako sa inis. Dumiretso ako sa sala at tinawag na iyong ga Alipores niya, sumama iyong si Trek at Sven sa akin, ngunit nagpaalam na si Eiji. Susunduin pa daw niya si Korin. Pagdating namin sa kusina ay akala mo close na close na sina Mama at Hidalgo, na nag-uusap. Akma akong uupo sa harap niya ng harap-harapan niya talagang sabihin kay Mama, na doon ako maupo sa tabi niya.

Cali's Queen (Completed) EDITINGTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon