Four.1

5.4K 137 12
                                    

HINDI mainthidihan ni France si Gian. Sa kanilang dalawa kasi ay parang siya lang ang naiilang at naapektuhan, "Siguro kinalimutan niya na yung nangyari. Sabagay, dalawang araw na rin naman kasi simula nang mangyari iyon. Tama, kailangan ko na rin kalimutan iyon. Ilalagay ko na lang sa isip ko na walang nangyari. Wala naman talaga---Wala!"

Inutusan siya ni Gian na bumili ng snacks niya. Kahit masakit pa rin ang buo niyang katawan sa hindi malamang dahilan ay sinunod niya pa rin ito. Well, puwede niya naman kasi tanggihan iyon kaya lang ayaw niya na isipin ng binata na umiiwas siya.

Nag-aabang na si France ng taxi pabalik sa mansiyon nang may lalaking lumapit at yumakap sa kanya. Medyo madilim sa lugar na pinag-aabangan niya kaya hindi niya mamukhaan ang lalaki.

Itinulak niya ito, "Bitawan mo nga ko!"

Pero hindi bumitaw ang lalaki. "I think I like you," bulong nito.

Wait, Ren?

"Gusto na ata kita France."

Ano na naman ba 'to?

"K-Kahapon lang pinandidirian mo ko, ngayon biglang gusto mo na ko? Ano bang kalokohan to, Ren?" sarcastic na tanong ni France.

Umalis sa pagkakayakap si Ren. "Kung alam ko lang France... kung alam ko lang!" sigaw nito. Natulala lang si France.

"Alam mo ba kung gaano kalaking insulto sa pagkatao ko na nagkakagusto ko sa kapwa lalaki ko?! Sh*t!" dagdag pa ni Ren bago ito sumakay ng kanyang motor, pinaharurot niya iyon ng takbo.

R-Ren...

"Hanggang kailan ka ba magpapanggap?"

Si Jed naman ang biglang nagpakita kay France.

"Jed?"

"Tigilan mo na ang pagpapanggap mo." May galit sa mga tingin ni Jed.

"H-Hindi kita maintindihan," dahan dahang sabi ni France.

Bakit ba kayo sulpot ng sulpot? Tanong ni France sa isipan.

"Hindi mo talaga maiintindihan dahil duwag ka!" napalakas ang boses ni Jed. "Gusto mo si Ren, pero niloloko mo siya. Tama ako, diba? Gusto mo na rin siya o siguro mahal mo na siya?"

Hindi na maunawaan ni France ang mga nangyayari."Wala kang alam," sagot niya kay Jed at saka tinalikuran ito.

"Kung tumalab ang pangloloko mo sa iba, pwes hindi sa akin, babae."

Napaharap si France sa huling sinabi ni Jed, bumalik na sa pagiging maamo ang mukha nito na kanina lang ay nag-aapoy sa galit.

"A-Anong ibig mong sabihin?"

"Simula pa lang alam ko naman na babae ka talaga. Hindi ko alam kung paano, siguro hindi ganoong ka-effective ang acting skills mo," sabi ni Jed.

H-Hindi... Naisip ni France na itanggi, pero ano pa bang use niyon kung alam na talaga ni Jed?

"B-Bakit hindi mo sinabi sa kanila? Bakit hindi mo sinabi kay Ren kung alam mo naman pala?"

"Wala ko sa posisyon para sabihin iyon. Gusto ka ni Ren. Pakiusap, puntahan mo na siya at aminin mo na ang lahat sa kanya."

"Imposible, kailan pa lang ako nakilala ni Ren."

Diretso pa rin si Jed na nakatitig kay France, "Kilala ko si Ren, sa mga kilos niya alam ko na hindi siya nagsisinungaling. Huwag mo na sana siyang pahirapan."

Pagkasabi ni Jed ng mga iyon ay umalis na rin ito.

Napaisip naman si France sa mga iniwang salita ni Jed.

Better Than SexTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon