Once Mine, Always Mine -- Chapter 39

Começar do início
                                    

Nasa mga mata niya talaga ang determinasyon sumama at hanapin si Shana. Umiling lang ako. Pagsumama siya paano na lang kung mahanap ko nga si Shana ang kaso ay kung si Rebecca naman ang mawala sa paningin ko.

"Sumunod ka na muna sa akin ngayon, Rebecca, mauna n kayo. Ako na ang bahala."

"Si Shana, Denzel. Ayokong mawala si Shana."

Ako din Rebecca, ayaw kong mawala ang anak natin pero hindi ko kakayanin na madamay ka pa.

Hindi ko na siya nilingon ng tumalikod na ako. Kailangan kong gawin iyon para hindi ko makita ang pag-iyak niya. Kailangan kong lakasan ang loob ko para sa mag-iina ko.

"Shana, baby. Daddy's here. We're going home." Ilang beses ko ng sinasabi iyon at ilang beses na din akong natatapilok dahil sa geywang ng eroplanongito.

"Sir kailangan na po ninyong umalis, malapit na po bumagsak ang eroplano." Natatarantang sabi ng stewardess.

"Hinahanap ko pa ang anak ko."

"Pero Sir, kulang na po ang oras para hanapin pa ninyo ang anak niyo."

Gago ba 'to! Walang puso, hindi niya ba alam na may anak ako at pababayaan ko na lang. Hindi niya ba mailagay ang sitwasyon niya sa sitwasyon ko na kailangan na hanapin ko ang anak ko.

Umiling lang ko. Tumingin ako sa paligid at halos sila ay ready nang lisanin ang eroplano na ito.

Gusto kong sumigaw, magmura sa harap ng captain ngayon. Nagkaroon pa siya na tinatawag na lisensiya kung hindi naman kayang pangalagaan ang mga pasahero niya. Pero naisip ko din na lahat naman ng pilot ay hindi perpekto at hindi nila kasalanan iyon, base na din sa itsura niya/nila ay mukhang mga professional pilot naman.

Tumango na lang ako at kinuha ang nakaabot na life vest at sinuot.

Pumikot ako nang mariin at hinayaan kong lumandas ang mga luhang maypag-kainis, sakit at pagkayamot.. Malapit na nga itong bumagsak sa dagat kaya hindi hindi gaanong malakas ang impact ng tubig sa akin.

Hinanap ko kaagad si Rebecca at Sean. Lumangoy ako ng mabilis nang makita kong nasa life boat ang mga ito Marami na ring mga life boat sa paligid.

"Sir, umakyat na po ayo rito." Sigaw ng lalaki sa akin. Hindi ko ito pinansin at diretsong tingin lang sa mag-inako.

Once Mine, Always MineOnde histórias criam vida. Descubra agora