Trigger 35 - Sudden outburst

7.4K 104 4
                                    

[Edited Ver.]


Sudden outburst



Selene's PoV :

Pareho kaming tahimik ni Kyoko hanggang sa makarating sa SU. Nagtanguan lang kami noong nagpaalam tapos naglakad na ako papasok sa loob. Nakasalubong ko agad si Ambia na may malaking ngiti na pambungad sa akin kaya napangiti na rin ako kahit papaano. 

Nakaka-miss rin pala ang gagang ito.

Ambia: "Good morning, bff!"

Selene: "haha! Nakalanghap ka yata ng kakaibang hangin, Ambs."

Ambia: "Nakalanghap ako ng simoy ng pag-ibig. Yehet~ yehet~"

Tiningnan ko lang siya ng mataman tapos ay naglakad na ako, alam ko namang sumunod na siya dahil nararamdaman ko iyon sa likuran ko. Maya-maya ay pumunta siya sa gilid ko at ipinulupot ang braso niya sa akin kaya sabay na ulit kaming naglakad.

Ambia: "Alam mo na ba ang good news? Si Belle at si Joseph na! I'm so happy for Belle!"

I rolled my eyes at her. She looks too happy while i'm not. Why? Kasi hindi talaga ako makapaniwala sa nangyari habang MIA ako sa buhay ni Belle. Akalain ko ba namang si Belle na at si Joseph? Sinong hindi magugulat?

And Therbie didn't even bother to call me! May contact naman kami. At alam ko ang plano niya noong death anniversary ni Tito Johanne dahil sa akin pa nga siya nagpa-tulong, kasama namin si Kyoko at Nicolet pati ang mga ibang agents na lalaki. Sobrang effort ang ginawa ni Therbs para lang sa pagtatanong ng 'pwede bang manligaw?' thing, tapos nauwi lahat iyon sa wala? Grabe.

Alam kong may dahilan si Belle, naniniwala ako doon. Pero sa puntong ito, medyo inis ako sa kanya. Naaawa ako kay Therbie dahil alam ko kung gaano siya nasaktan nito. 

He doesn't deserve to be hurt. 

Nalaman ko kasi sa mga agents kung gaano na katagal na unrequited ang pag-ibig ni Therbie kay Belle, at talaga namang kinilig pa ako sa nalamang iyon. Pero wala na iyon ngayon. Parang bagyong yolanda talaga ang dumaan sa puso ni Therbie.

Ambia: "Earth to Selene? Hello?"

Selene: "Huh? Bakit?"

Ambia: "Wala naman. Natahimik ka kasi bigla e. Nandito na tayo sa tapat ng room tapos parang gusto mo pang maglakad.

Selene: "Oh."

Naglakad na lang kami papasok sa room at hindi nagtagal ay nag-simula na rin ang klase. Kakatapos lang ng midterm exams namin kaya panibagong aralin na naman para sa finals naman. Puro naman discussion ang mga Prof namin kaya parang nakakawalang ganang makinig. Kung hindi pa nga ako kinalbit ni Ambia, hindi ko mamamalayang lunch break na pala.

Ambia: "Sa HQ tayo nila Xander."

Selene: "Sus! Ang lande. Gusto mo lang dalawin si pag-ibig e."

Ambia: "Bakit ikaw hindi mo ba gustong makita si kras?"

Selene: "Siyempre gusto. Kaya tara na."

Pagkarating namin sa harap ng pinto ng HQ, medyo nakabukas ito kaya papasok na sana kami pero narinig kong nag-uusap si Kuya Pete at si Joseph.

Ambia: "Bakit hindi pa tayo pumasok?"

Selene: "Shh! Be quiet."

Ambia: (bulong) "Bakit nga?!"

Selene: (bulong) "Basta! Makinig ka nalang rin."

Codename: Princess Trigger (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon