1st meeting in Physics

74 5 4
                                    

Ynna's POV

Pagkatapos ng klase ko, na sobrang late na ko dahil nga sa mga, uhm, di  inaasahang pangyayari, lumabas na ko sa room. Malamang alangan namang magstay ako? Hindi nga pumasok yung mayabang na yun eh, yung bag niya andun pa rin sa room. Pero wala namang gumagalaw sa bag niya. Parang kala mo nga takot sila dun eh, o baka idol lang nila masyado.

"So ano nga bang next class ko?"

Chineck ko yung schedule ko at.. "Physics? Bakit ba may physics pa ko? Hayy..kainis.."

Pumunta agad ako sa east wing room C201, lecture kami ngayon ayon sa sched ko. Tuesday is lecture nad Thursday is laboratory.\

"Beh!"

"Ui, Nicole! Dito rin ba banda ang next class mo?"

"Yep! C201."

"Waah! Talaga? Ibig sabihin classmates tayo!"

"Weh? Hayy salamat naman kala ko forever alone nanaman ako sa klaseng to eh!"

Tumawa nalang ako at sabay na kaming pumasok sa room. Pagpasok sa room napansin agad namin na para bang magkakagalit ang mga tao dito. Pano ba naman walang magkakatabi. Magkakahiwalay sila!

"Ano nanaman bang pakana ng prof to?"

Napatingin ako kay Nicole at nakitang nakatingin siya sa may harapan kaya sinundan ko ang tingin niya. Sa whiteboard may malaking nakasulat na: Alternate sitting arrangement (boy-girl-boy)

"Ano tayo highschool??" Nagshrug nalang si Nicole.

"Come on let's just sit on the front. One sit apart lang naman eh diba? We could still talk."

Nginitian niya ako kaya sumunod nalang din si ako, tutal may point naman siya. Umupo na kami and thankfully wala pa masyadong tao sa harap kaya pwede pa kaming makapagusap.

"So may nagugustuhan ka na bang lalake, Ynna?" Angiba ang tono ng boses ni Nicole na para bang nanunukso.

"Wala."

"weh? Yung totoo na kasi! Secret lang naman eh!" Parang bata na siya nun.

"WALA."

"Promise?"

"May papromise promise ka pang nalalaman. Oo nga kasi, promise na!"

"Hahah! Hm teka diba kilala mo si Steve Note? Classmate mo ata yun eh."

Tumaas namana ang kilay ko sa sinabi niya. Bakit biglang nasama sa usapan yung mayabang na yun? Bigla tuloy sumakit yung tiyan ko, naalala ko yung suntok niya kanina. T^T "U-Uhm.. Oo, kilala ko siya."

"Wui! Nautal siya, crush mo yun no? Yieeeeee!!" Pinaghahampas naman niya ako sa kakiligan na hindi ko naman nararamdaman. Kung may nararamdaman ako ngayon yun ay..

"Yuck! Kadiri! Ano ka ba naman? Hinding hindi ko magugustuhan yung lalakeng yon!"

"Sinong hindi mo magugustuhan?"

Eep. Oh my.. Slow motion pa ang paglingon ko sa kanya. Boses palang alam na alam ko na eh, pati kasi boses mayabang.

"Ah.."

Bigla naman siyang umupo sa katabi kong upuan, yung sa bandang right. Natauhan ako bigla. Ayoko na siyang makatabi no! Hanggang physics ba naman?!

"Hoy! Anong sa tingin mong ginagawa mo ha?!"

Tinaasan lang niya ako ng kilay. "Umuupo."

"Pilosopo!"

"Ang ganda ng tanong mo eh, sinagot ko lang."

You've reached the end of published parts.

⏰ Last updated: Jan 23, 2014 ⏰

Add this story to your Library to get notified about new parts!

My Seatmates in Physics ClassWhere stories live. Discover now