Hallway Incidences

90 4 7
                                    

3: 

Chapter3: 3rd class

Steve's POV

Nakakainis. Nakakairita. Asar. ASAR!! Hayy kay aga aga ganito mood ko. Kawawa kakausap sakin ngayun. Siguro nagtataka kayo kung bakit ganito mood ko ngayon? Well yung magaling ko lang namang tatay may gusto nanamang ipakilala at iarrange na babae saken. Nakailang ulit ko ng sinabi na ayoko nga ng arranged! Malugi man ang company wala akong pakialam. Problema nila yun. Tsk. Tska pa masyado ng common sa istorya naming mga mayayaman at gwapo ang maiarrange. Iba naman pwede?!

"Excuse me!"

Napatingin naman ako sa likod ko at nakita ko yung babaeng katabi ko kahapon na nabuhusan ko rin ng tubig sa kwarto nya. Ano bang gusto nito at nasigaw?

"Kanina pa kasi ako nageexcuse dito pero lutang ka pa rin dyan! Pwede po padaan??"

Huh? Ano daw? Tska ko lang narealize na nakaharang pala ako dito sa pintuan ng classroom namin. So kanina pako nakatanga dito? Hanep. Buti nalang maaga pa at wala pang ibang tao.

"Oh, daan." Tumabi nako ng kaunti para makadaan sya. Kumagat naman sya at dadaan nga. Heheh *smirk*. Inextend ko ng kaunti ang paa ko habang dumadaan sya sa harap ko, na syang ikinapatid nya. HAHAH--aaAH!

*BOOG*

"Aray.." Hawak hawak ko ang likod ng ulo ko. Pano ba naman nung natapilok sya eh kumapit sya bigla sa uniform ko at dinamay ako! At sa kung anung mundo ng martial arts ay ako ang bumagsak sa sahig at sya ang safe na bumagsak sa akin.

"Oh my gosh! I'm so sorry!" Mukang alalang alala sya at napatakip pa sa bibig nya. Aba dapat lang. Masakit kaya! 

"A-Are you hurt? Ikaw kasi eh haharang harang yang paa mo!" Ay bobo. Sinadya ko yun! Sinadya! At ikaw lang ang dapat nadapa at di ako! Bwiset. Pero syempre di ko sinabi yun.

"So ako pa may kasalanan? Ako pa?! Eh ikaw tong tatanga tanga dyan eh dinamay mo pa ko! At tinatanong mo pa talaga ako kung nasaktan ako? Tingin mo? Masakit kaya to?? Hindi!"

Agad naman nyang inilabas ang panyo nya at idiniin ng kaunti sa likod ng ulo ko. Aray. Ang sakit. Inalalayan nya ko paupo at medyo nahihilo ako. 

"Kaya mo ba tumayo?"

"Ha? Syempre naman. Natumba lang ako hindi napilayan." Tumayo naman ako agad para ipakitang kaya ko pero bigla akong nahilo. Muntik na akong matumba buti nalang naalalayan nya ako. Hala. Ano bang meron? Medyo nagaalala nako ah. Gano ba kalakas ang pagkakauntog ko? May hemorrhage na ba ko? Waah I can't die this way. It's so..gay. 

"Wha..What's happening to me?" Hinawakan ko ang noo ko sa hilo. Nahihilo ako pag nagalaw ulo ko.

"Napasama ata yung bagsak mo. Nagdudugo yung likod ng ulo mo kaya ka nahihilo. Dadalin kita sa clinic, hawak ka lang sakin okay?"

Nagdudugo pala? Kaya pala masakit. Kala ko magkakabukol lang. Di nako sumagot, hinigpitan ko nalang ang hawak ko sa kanya para di ako matumba kung sakaling mahilo nanaman ako. Argh. Ang bilis ng karma. Maya maya nakarating na kami sa clinic. Buti at maaga palang nandun na yung nurse. Ininspect nya yung sugat sa ulo ko. 

"Masama nga ang bagsak nya, buti nalang miss at naisipan mong diinan ng panyo yung sugat kaya medyo wala na yung pagdudugo." Pagkatapos nun nilinisan nya at nilagyan ng ointment ang ulo ko. Di na daw kelangan ng bandage, tuyo na daw kasi yung sugat at di naman masyado malalim. Naalog lang talaga ulo ko kaya ako nahihilo kanina. Pinabalik na kami nung nurse sa mga klase namin, okay na rin pakiramdam ko. Wala ng hilo.

"Uhm.."

"Hm?"

"Sorry pala at nahila kita sa pagbagsak ko kanina. Nagulat lang ako. Nasaktan ka pa tuloy." Tiningnan ko sya. Talagang di nya nahalatang sinadya ko yun? Mukang nagiguilty talaga sya. Hayy. Ano ba yan. Ako tuloy ang mas nagiguilty.

My Seatmates in Physics ClassTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon