Steven Note

358 8 5
                                    

1: 

Chapter1: 1st class

Ang love life daw ay masakit sa ulo. Masakit sa puso. At masakit sa bulsa. So bakit ang daming taong naghahanap nito? Ah ewan. Basta ako hindi malandi, simple lang. Eh ano bang ilalandi ko eh ayoko nga sa lablayp lablayp na yan? Madami pang ibang mas magandang pagkaabalahan kesa magpalitan ng love letters. But I'm not closing any doors, so if ever may dumating na lalake na magpapabilis sa tibok ng puso ko eh di ko sya tatakasan. 

__

Hello sa inyo mga readers! Ako nga pala sa Ynna. Ynna Olive. Parang pang foreigner ang apelyido noh? Well, that's because I am using my second dad's surname. Patay na ang original kong dad. Bata palang ako ng mamatay sya, pero mahal na mahal ko pa rin siya. Nang makapagasawa ng British si mama lumipat na kami sa Britain at nagkaroon ng kapatid. Doon nako lumaki. At dahil nga dun nako lumaki ay binabalaan ko na kayo na magdala ng ilang tissue habang binabasa nyo ito kasi minsan english talaga masasabi ko. I can't help it. Naghahalo kasi ang mother tongue ko sa filipino language. Sa Britain pa rin kasi ako lumaki. Nagtransfer lang ako dito sa pinas during my highschool days. So ano nga ba ang point at binabasa nyo ngayon ang description ng pagkatao ko? Well ako lang naman ang bida sa story na ito kaya magtiis kayo! Heheh de joke lang. Baka magalit agad kayo eh. ^___^ 

Nasa school nga pala ako ngayon. I study at an exclusive school named Oxpord University. Kala nyo pang international na? Gaya gaya lang ng name yung school namen, nagfifeeling ata. Pero as far as I know only rich students could study here. Di ko sure eh, pero sa laki at ganda ng school nato then I think it's obvious na mahal tuition dito. My British dad pays for my studies and other expenses. Nasa Britain ang family ko and I'm the only one in here. Buti nalang may boarding house na inooffer ang school na to para sa students nila so I got a room for myself here. Para tipid na din sa pamasahe. 2nd year college nako and I am taking BS ****, secret na kung ano. :D

"Ms. Olive,"

Hayy nakakatamad talaga ngayong araw. Tapos math pa ang subject. Nakakahilo sya magsalita. Para syang may sandamukal na polvoron sa bibig nya.

"Ms. Olive!" 

"32 po ma'am!" Nagulat naman ako dun. Sa gulat ko kung ano ano nalang ang sinabi ko. Waah! Nakakahiya! Pinagtawanan tuloy ako ng mga kaklase ko. :(

"Pay attention or I'll send you out of this class. Is that clear?" Eh di mabuti. Pero syempre di naman ako ganun kapasaway. Mabait naman ako eh, sa isip ko lang ako ganito magsalita.

"Yes ma'am."

Nagpatuloy na ang klase at nakinig nako syempre. Hayy gusto ko nang magbreak! Suddenly I heard a soft laughter coming from my seatmate. I look at him and he is trying to suppress his laughter but is obviously failing. Cute na sana sya habang nagpipigil ng tawa kaso ako yung pinagtatawanan nya eh.

"Excuse me? Anung nakakatawa?"

Natatawa tawa pa siya nun. "Ikaw."

"Ha?!"

"Are you deaf?" Ang lakas ng loob nya ah!

"At bakit naman ako naging nakakatawa ha?"

"Ang tanga tanga mo kase kanina." Mas lalo pang lumaki yung ngiti niya.

My Seatmates in Physics ClassTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon