"Ana, kung hindi pa sinasabi sayo ng mama mo..." hinaplos niya ang buhok ko "It's not my position to tell you. I want to explain to you everything, but I can't. Kailangan sa mama mo marinig ang lahat. I don't want her to think that we're brainwashing you or whatnot."

"Hindi po Tita, I promise. Hindi po niya malalaman na sayo nanggaling. I just really want to know." I need to feed my curiosity

"I'm sorry, Ana. Mas magandang sa mama mo malaman. At pag nalaman mo na, kung ano man ang sabihin niya, sana pakinggan mo din kami at sana hindi magbago ang tingin mo sa amin. Lalong lalo na kay Dylan. He loves you so much." Mahigpit ang hawak niya sa kamay ko

I'm itching to know what's the history between our families. Gustong-gusto ko ng malaman. May ginawa ba ang mga Dela Fuente kay mama kaya ganoon na lang ang galit niya sa kanila? Makakayanan ko kaya 'yong mga malalaman ko pag handa na siyang sabihin sa akin kung bakit siya galit sa pamilya ni Dylan?

Mama ko siya. Siguro kahit na anong mangyari mas mananaig pa rin ang pagmamahal ko sa kanya, pero kung hindi naman ganoon kabigat ang kasalanan ng mga Dela Fuente ay hindi niya kami mapipigilan ni Dylan.

Paano kaya kung sabihin ko na rin sa kanya na engaged na kami ni Dylan? My God! Naiimagine ko pa lang parang naninigas na ako sa kinatatayuan ko. Magwawala 'yon for sure. Noong nalaman nga niya na magkaibigan kami ni Dylan galit na galit na siya, paano pa kaya pag nalaman niyang engaged na ako kay Dylan.

Darating din siguro 'yong panahon na mapapatawad niya ang pamilya ni Dylanl. Hindi naman siguro panghabang buhay siyang magagalit sa kanila lalo na at pagkatapos naming mag college ay magpapakasal na kami ni Dylan.

Right. Dadating din kami sa puntong magpapatawad siya. Magiging okay din ang lahat. Be positive, Ana. Siguro hindi ko pa masasabi sa kanya ang tungkol sa amin ni Dylan ngayon, pero sa tamang oras masasabi ko din sa kanya.

"You both are still young marami pa kayong pagdadanan, but I hope you two will face it together. I trust the two of you. Hindi naman siguro kayo gagawa ng kalokohan, di ba?" Ngumiti siya "Ganyan na ganyan din kami ni Arthur noon. He asked me to marry him at young age. And I said yes. We fought, we broke up, we got back together, we faced a lot of obstacles but look at us we're still together and happy. I wish the same thing or not.. the best for you and Dylan."

"I love him Tita. And I know that relationships are not meant to be perfect. Alam ko naman po na kahit anong mangyari may dadating pa ring problema sa relasyon namin ni Dylan, its inevitable, pero maayos din po namin 'yon." I assured her

"Now I know why he loves you so much" ngumiti siya sa akin

"Can you promise me one thing?" Malumanay ang kanyang mga mata

"Anything Tita" I smiled

"Love him no matter what happens. Kahit na anong mangyari huwag mo siyang iiwan. Hindi ko pa siya nakitang nasaktan ng sobra at sa tingin ko ikaw lang ang pwedeng dahilan na masaktan siya ng sobra. Pag nangyari yon doble ang mararamdaman kong sakit." Makaawa niya "Don't worry, I told him the same thing and he promised me that he'll take care of you"

"I love him more than anything Tita. Siya lang din po ang pwedeng maging dahilan para masaktan ako ng sobra" sagot ko

Lumapit siya sa akin at niyakap ako. I hugged her back.

Bumalik sa isipan ko 'yong ilang linggong pagdurusa ko. Sa mga panahong 'yon siya ang dahilan kung bakit ako sobrang nasaktan. Ayoko ng maranasan ulit iyon. That's why I'm doing everything to keep him. Hindi ko kakayanin pag nawala siya sa akin.

Alam ko masyado pang maaga para sabihin 'yon, pero alam ko. In the deepest part of my heart, I know he's my other half. He's the one for me. Magkaproblema man kami, hinding-hindi ko siya iiwan. Magtutulungan kaming harapin ang lahat ng mga bagay. Handa akong harapin ang lahat basta kasama ko siya.

Fall AgainWhere stories live. Discover now