CHAPTER 17: STRUGGLE IS REAL (PART 2)

658 21 14
                                    

Hey guyss, thank you...salamat sa pagsuporta sa story nato...SENSYA SA MGA MALI, HINDI ITO EDITED.

C R E S '    P O V

"Teka lang muna, ang haba ng nilakad natin. Bakit hindi pa tayo nakarating sa kinaroroonan natin? Hoy Brey, ano ba ang nandiyan sa mapa?." Hinihingal na tanong ni Druke habang may dalang tungkod bilang suporta sa paa niyang napapagod.

"Aba't malay ko ba dito sa mapang ito." Sagot ni Brey na nakalagay pa ang kanyang hintuturo sa chin habang seryosong nakatingin sa mapa. What if mawala kami. Ang saklap yata nun.

"Patingin nga." Inis na inagaw ni Druke ang mapa na nanggaling sa kamay ni Brey. Maya't maya nagulat ako ng biglang sinapak ni Druke si Brey.

"ARAY, BAKIT MO BA AKO SINAPAK HAYUF KANG FUTA." Sigaw ni Brey kay Druke. Kawawang Brey.

"BAKIT MO BA AKO SINISIGAWAN HA, KASALANAN MO NAMAN PALA KUNG BAKIT TAYO NAWAWALA. EHH BALIKTAD NAMAN TONG MAPA NATO BWESIT KANG FUTA KA RIN." Singhal ni Druke kay Brey.

"Ugok." sinapak ko rin si Brey ngayon dahil sa inis na nararamdaman ko. Biruin niyo yun, halos isang oras na kami naglakad pagkatapos nawawala na kami ngayon?

"Hindi ko naman kasalanan nohh, basahin niya nga dito..." sabi niya sabay turo sa mapa na may nakasulat na 'if you can't understand, read in backward'

"If you can't understand read in backward." Basa ni Druke.

"Paano ba to?"- Brey.

Sana pala sumama si Dean saamin.

"Hindi ito isang ordinayong map---." Hindi natapos ang sasabihin ko nung may narinig kaming kaluskus ko sa mga kakahuyan kaya biglang lumapit ang mga duwag saakin at tumago sa likod ko.

"Hala ano ba yan." Natatakot na bulong saamin ni Brey. Nagulat naman ako ng humigpit ang kapit ni Druke sa bewang ko, patay may kiliti ako diyan kaya bigla akong napapagiling dahil sa kiliti ang rason kung bakit napabitaw saakin silang dalawa.

Lumingon ako sakanila at tinalikuran ang kakahoyan kung saan may narinig kaming kaluskos kanina.

"Sinabing huwag hawakan ang bewang ko."

"Ah ehh wala ka namang sinabi."-Druke.

"Hindi naman kailangan na sabihin pa. Alam niyo na yun." Nakita ko ang gulat at takot ng ekspresyon ng dalawa na dadating sa punto na parang nagyayakapan na talaga sila. Ganyan ako kapag magalit, matatakot ka talaga.

"Ahh Cres." May pagalinlangan na tawag saakin ni Brey sabay nanginginig na tinuro banda sa likod ko.

Parang alam ko na...

Unting-unti kong nilingon ang nasa likod ko.

Ohhumay gulay, mga babae.

"A-anong k-k-kailangan niyo s-samin?" Napalunok ako ng wala sa oras. Alagad ng Dark Kingdom. Mamamiah, here we go again...mama.

Ngumiti sila saamin at biglang may itinusok sa leeg namin. Medyo masakit at parang napapagod ako. Gusto kong matulog.

Naramdaman kong natumba na sina Druke at Brey. Sh*t hindi na to tama. Bago ako mawalan ng malay, iniisip ko si Dean na lang ang tanging pag-asa namin.

T R I X I E ' S    P O V

Parang naestatwa ako dito sa kinatatayuan ko na nakangaga pa pagkabukas ng malaking pinto sa harap ko.

Bigla naman lumambot ang tuhod ko ng makita ko sina Hannah, Gab, Jizhin, Cres, Brey, Druke at si Kuya Dylan na pilit makawala sa kamay ng mga babae at lalaki. Teka, nasaan si Girlie at si Dean. Siguro hindi sila nakuha.

Gusto kong umalis, tumakas pero ng makita ko ang mga kaibigan ko na nakaposas at hawak ng mga babae at lalaki ang mga kaibigan ko parang hindi ko kaya.

Kaya inihakbang ko ang mga paa patungo sa dulo. Sa dulo may naghihintay na lalaki pero hindi ko pa gaanong makikita ang mukha dahil sa laki ng simbahang ito, malayo pa ako sa dulo.

Ng malapit na ako sa dulo, nakita ko si Gab at si Hannah na umiiyak at nagsasabi na 'tumakas na daw ako' pero hindi ko kaya eh. Liningon ko rin ang gawi nina Kuya, Jizhin, Cres, Brey at Druke.

Saka ibinalik ang tingin ko sa dulo. Habang papalapit, lumilinaw ang mukha ng isang lalaki.

Tumulo na ang mga luha ko ng mapagtanto kung sino ang lalaki.

"WALANGHIYA KANG LALAKI KA, BAKIT MO BA GINAGAWA MO TO SAAMIN. HAYUP KA, SIGURO IKAW ANG PUMATAY NI NIMATASHI. HINDI AKO MAKAPANIWALA. IKAW BA YAN FERRIS?" Tumigil ako sandali at isinigaw lahat ng galit na nararamdaman ko.

[A/N: kaway kaway sa mga nakaalaala pa kay Ferris. Yung Kamondmates ni Nimatashi, kung nakalimutan niyo talaga...basahin ang chapter na RIP]

May biglang tumabi saakin na mga babae at hinawakan ang mga braso. Pilit akong pinapunta sa dulo. Ng marating ko na ang dulo, nakita ko ang ngising demonyo ni Ferris.

"Relax." Bulong pa niya habang ako hindi na napapakali. Humarap kami sa hindi ko alam kung sino.

Hayop talaga siya, akala ko pa naman mabait. Walanghiya.

"Sino ang tumututol sa kasal ng dalawang ito?" Tanong ng lalaki.

Walang sumagot hindi rin makasagot ang mga kaibigan ko pero si Jizhin ay galit na galit at buong lakas niyang makawala sa kamay dalawang lalaki hanggang sa pinagtulungan siya ng mga anim na lalaki dahil sa lakas ni Jizhin.

Itutuloy na sana ang seremonya ng biglang may sumigaw bandang likuran namin.

"KAMI, ITIGIL ANG KASALANG ITO." Boses ng isang babae ang umalingawngaw sa malaking simbahang ito kaya napalingon kaming lahat sa kanya. Umaliwalas ang mukha ko ng makita si Girlie, wow si Girlie ba talaga yan? Ang tapang niya.

Hindi siya nagiisa, kasama niya si Dean at Oh my gosh si crush. Si Andrue.

S O M E O N E ' S     P O V

"Ano po ang maiilingkod ko po sainyo Mr. Shadow Black?"

"Tawagin mo ang magiging prinsipe ng prinsesa ko."

"Masusunod po."

-----

"Mahal na hari, pinapatawag niyo po ako?" Magalang na tanong saakin ng isang makisig na Lalaki na nakatayo sa harap ko.

"Iligtas mo ang mga anak ko. Iligtas mo si Trixie na iyong mapapangasawa at ang isa pa niyang kapatid."

"Makakaasa." Sabi pa niya at umalis na.

Tinignan ko ang picture ng mga anak ko nung maliit pa sila. Matagal na rin yun simula nung mawalay silang dalawa saakin. Ngayon, gusto kong bumawi. Ipaglalaban ko kayong dalawa gaya ng ginawang pagsakripisyo ng iyong ina.

Ipaglalaban ko ang mga anak ko hanggang sa kamatayan.

[Take note guyyyss: TUNAY NA KAPATID. Hindi po si Dylan ang kapatid niya. Kung nakalimutan na yan, pls pakibasa sa chapter na Halloween #1 pero wag kayong magalala dahil susulatan ko po yan ng isang chapter tungkol sakanilang dalawa kung bakit hindi sila magkakapatid.

-----------

May isa pang kapatid si Trixie, ang tanong sino ba yun???TAKE NOTE: TOTOONG KAPATID. Hindi si Dylan dahil hindi niya yun tunay na kapatid. Atsaka sinong prinsipe ang sinasabi ng ama ni Trixie?

Hala guyss, malalaman niyo yun next chapter : THE REVELATION

Waaaaah...

5 VOTES. 2 COMMENTS. 20 READERS. ENJOY

Kung hindi niyo yun magagawa, okay lang naman. Pero mas better yung may dahilan ka kung bakit ipagpatuloy mo yung story.

Sorry nga pala kung lame...babawi ako susunod.

Ang makakasagot sa mga tanong, i-dedicate sa next chapter. Game??

The Last Nerd StandingTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon