CHAPTER 16: STRUGGLE IS REAL (part 1)

699 14 17
                                    


H A N N A H ' S   P O V

*duuuugg duuuug*

[A/N: sensya sa sound effects ng kulog]

Nagising ako sa malakas na pagkulog kasabay ng malakas na ulan. Wala akong kaalam alam kong nasaan ako dahil wala akong maalala. Wait nasaan ba ako?

Nakatakip ang mga mata ko at may posas ang mga kamay. May malansang amoy rin ang naamoy ko. Tahimik at tanging ang kulog at ulan lang ang maririnig mong ingay.

"Gab, Girlie nandiyan ba kayo?" Bulong ko sa ire pero napabalik lang ang tanong ko sa sarili dahil nagecho lang ang mga tanong ko.

Maya't maya narinig ko ang pagbukas ng gate at tunog ng kadena. Nakaramdam ako ng takot at kaba pero wala akong magagawa dahil nakaposas ako at nakatabon ang mga mata ko.

"Who U?." Matapang kong tanong habang palinga-linga upang makiramdam sa bawat galaw na ginagawa niya. Nanginginig na ang mga tuhod ko pero pilit kong pinatatag ang sarili ko.

Nanatili siyang tahimik at lumapit saakin. Hanggang sa nafeel ko ang pagkawala ng posas sa kamay ko pero ipinalit ang kadena. Kinuha na rin niya ang takip sa mata ko.

Pakurap kurap pa ako ng tuluyan na niyang makuha ang takip pero hindi ko siya gaanong makita dahil blur pa ang paningin dahil sa pangmatagalan na pagtakip ng mga mata ko hanggang sa unting-unti na lumilinaw ang paningin ko.

"Sino ka?." Tanong ko sakanya pero hindi siya sumagot. Nagumpisa na siyang lumakad pero ako hindi ko pa rin inihakbang ang mga paa ko.

Ng mapansin niyang hindi pa ako gumagalaw. Hinatak niya ang kadena na nakaposas sa kamay ko kaya napilitan akong lumakad.

Hindi ko alam kong babae ba siya or lalaki dahil nakablack hood ito at hindi mo talaga makikita ang mukha nito dahil nakamascara siya.

Habang naglalakad kami, inilibot ko ang tingin sa paligid. Madumi at parang nasunog na ito pero makikinabangan pa rin.

May mga maduduming kulungan at doon may kinulong na mga taong nangayayat na, halos makita na ang ribs. Mapapansin mo talaga na napapabayaan na ang kanilang mga sarili.

Kahit saan banda kang tumingin, isa lang bubungad sayo kundi ang mga maduduming kulungan at ang mga taong kinulong.

At kapag dadaan kami ay bigla silang yuyuko o ang iba ay tumatago sa madilim na parte ng kanilang kulungan. Tumigil ako at buong pwersa kong hinatak ang kadena kahit masakit.

Kaya napahinto siya. Nakayuko siyang humarap saakin.

"Nasaan ba tayo at sino ka ba?." Sigaw kong tanong sakanya.

"Don't mind them, malalaman mo rin kung marating na natin ang dulo." Im having goosebumbs right now...nakakatakot ang kanyang boses. Parang matandang babae or lalaki basta nakakalito.

Pinagpatuloy ko na lang sa paglakad at sumunod sa kanya na nakayuko. Ng makalabas na kami, halos hindi na ako makagalaw at anytime parang maiiyak na dahil sa mga nakita ko.

Wala na ako sa academy, wala na ako sa campus kundi...kundi nandito na ako sa kinakatatakutan ko.

Ang Dark Kingdom...

G A B ' S   P O V

Pinilit kong makalawa sa posas. Kanina ko pa tinry ko ng ilang beses pero hindi pa rin ehhh. Kailangan ko talaga makatakas dito, dahil sa baho pa ng kwarto na to, kailangan kong mahanap si Girlie at Hannah.

Lalo't lalo na si Girlie na hindi marunong ng self defense.

Habang abala ako dito, may narinig akong sumisipol kaya nakaisip ako ng magandang idea. Siguro siya ang bantay dito.

The Last Nerd StandingTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon