CHAPTER 5: FIRST DAY OF SCHOOL

1.1K 41 0
                                    

[Revised]



T R I X I E ' S    P O V



"Ayoko ko nga. Ayoko." Mangiyak-ngiyak kong angal kay Nimatashi, kanina pa niya ako kinukulit na pumasok na sa blue building at kanina na rin ako naiiyak habang naglalakad kami papunta dito, sa harap ng blue building.



"Pumasok ka na kasi, ituturo ko sayo ang classroom mo para hindi ka maligaw." Pamimilit niya sabay tulak saakin. Pinukolan ko siya ng masamang tingin. Ang harsh.



"Bakit ba dito pa sa blue building? Wala bang pink building? Jusko. Mamatay ako dito E." Problemado kong wika sabay sabunot sa buhok ko.



"Shhh. Wag mong banggitin ulit ang tungkol sa pink ring." Nagulat ako nang tinakpan niya ang bibig ko at napansin kong iginala niya ang kanyang mata sa paligid.



"Aish. Change topic."



"Halika ka na nga. Malalate na ako." Kinaladkad na ako ni Nimatashi papasok sa entrance ng blue building. Labag man sa loob ko pero wala na akong magagawa pa.



Ramdam na ramdam ko ang mga titig ng kapwa estudyante dito habang naglalakad kami. Ugh. Kaya nga ayoko ko dito. Ayokong pumasok. Tapos mga babaeng mataray lang ang makikita ko dito. Tatarayan lang ako ng mga ito dahil sa itsura ko.



Tumigil na sa pagkakaladkad saakin si Nimatashi at binitawan na niya ang braso, may marka pa. Huminto kami sa isang classroom na medyo malayo sa entrance.



"Dito ang classroom mo. Tatandaan mo na lang mga daan na tinahak natin kanina. Sige, lalayas na ako dito dahil ang sasama ng tingin ng mga babae dito." Omo. Iniwan na ako ni Nimatashi dito magisa. Patay na ako.



Dumungaw ako sa bintana ng pinto. Lahat ng mga babae ay abala sa pagpapaganda sa kanilang sarili. Kapwa may dalang pangpaganda ang lahat.



Nagalinlangan pa akong pumasok pero wala naman akong magagawa diba. I have no rights. What the heck.



Dumungaw ulit ako saka hinawakan ang doorknob. Papasok na ba talaga ako?



"Papasok ka ba or hindi? Kung hindi, tabi diyan. Tsk." Napatalon ako sa gulat nang may nagsalita sa likuran ko. Tinarayan ako.



"Ah eh. Papasok na nga." Wika ko habang ipinihit ang doorknob. Inisahan niya lang ako ng kilay at mas naunang pumasok kaysa saakin. First day of school pa lang ito at kakaapak ko pa lang sa building ito. Tinarayan na ako.



Humugot muna ako ng malalim na hininga bago pumasok. Pansin kong napatigil sila sa kanilang pinaggagawa. Nabalin saakin ang mga attensiyon nilang lahat. Mas lalong humigpit ang hawak ko sa bag.



Umupo ako sa bakanteng upuan. Sa pinakadulo. Mga ilang minutong lumipas, pumasok ang babaeng nakabihis ng uniform ng teacher. Katamtaman lang ang katawan, syempre maganda din.



"Good Morning Beautiful ladies. May bago kayong kaklase. Ms. Brooklyn, please introduce yourself." Aniya. Napalingon naman saakin ang lahat. Hindi ako mabubuhay ng matagal dito.



Tumayo ako sa kinauupuan ko at inilibot ang tingin sa mga estudyanteng wagas makatitig saakin.



"M-my name is B-briana Trixie Brooklyn but you can c-call me Trixie for short." Utal kong pagpapakilala sa lahat.



"Ms. Trixie, Im Ms. Tan, your Science teacher. Okay Class. Starting today, makakasama niyo na si Trixie--Oh yes Ms. Matilda, why are you raising your left hand?"



The Last Nerd StandingTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon