Chapter 32: Their Emotions

Magsimula sa umpisa
                                    

        "Tang-Ina ka!!!! Totoo pala ang lahat?! Pinag-mukha mo akong tanga sa harap ni Mrs. Mondejar ? Ha, ha?! Malandi kang babae ka!"
         "Mamang!!! N-nasasaktan po ako."

          Mas hinigpitan pa niya ang grip ng kamay niya sa buhok ko. "Aray Mamang!"

         "Wala pa ang sakit na 'yan sa dulot ng sakit na binibigay mo ngayon sa akin! Pinalaki kitang maayos, lahat-lahat Rhian! San napunta ang moral mo? Ha? Ha?! Tang-ina!! Tomboy ka ba ha? Tomboy ka?!"

          "Mamang..." lumandas na na tuluy-tuloy na luha mula sa mata ko. Niluwagan niya ang sabunot sa buhok ko at marahas ding binitawan. Sa lakas ng impact ay muntik pa akong maumpog sa rehas ng bintana. Panay na ang ungol ng Papang at mas nag-aalaala ako para sa tatay ko. Nilapitan akong muli ng Mamang.

         "Kailan pa to Rhian? Kailan Pa?! Kailan ka pa natutong magtaksil at magsinungaling?! Anak, halos sambahin ka ng mga kapatid mo at ilagay kita sa pedestal! Isa ka pa namang guro? Ano'ng nangyari?!"
          "Mamang, h-hindi ko po sinasadya..."
          "Ang alin? Ang lahat? Lahat ng kahihiyang ito? Babae pa Rhian? Sino ba'yan? 'Yung coordinator niyo na lagi mong katelebabad sa gabi? Aba't ang kapal pala ng mukha niya eh!
Ano'ng klaseng tao 'yan?! Sinasabi ko sa 'yong tapat, lalaspagin ka lang ng tomboy na 'yan matapos makuha ang lahat ng sayo!"

         Pinunasan ko muna ang luha ko bago sumagot. "Mahal ko siya Mamang."

         "Nagpapatawa ka ba?! Mahal? Ano'ng mahal mahal sa kapwa mo babae? Kung may problema kayong dalawa ni Dj, ayusin niyo. Huwag na huwag kang babalik sa pamamahay ko hangga't hindi kayo maayos ni DJ. Makipagbalikan ka sa kanya! Pwe!"

         Padabog na lumabas ang Mamang sa kuwarto at bigla akong paluhod na umiyak sa hita ng Papang. Mas lalong lumakas ang iyak ko ng maramdaman ko ang kamay niya sa ibabaw ng ulo ko. Tumayo ako at humihikbing inayos ang Papang. Pinatayo ko siya sa wheelchair at inihiga.

         Pumasok ako sa kuwarto ko at nagpunta ng banyo. Umupo ako sa sahig pagkabukas ng shower. Hinayaan kong bumuhos ang tubig sa akin kahit nakadamit. Binuhos ko ang iyak ko kasabay ng lagaslas ng tubig. Saan ba ako nasasaktan?

         Umalis ako ng bahay. Kahit gustung-gusto ko ng tumakbo kay Glaiza, hindi maaari. Nasa amin ang mga mata ng tao. Ayoko siyang malagay sa alanganin. Tama na 'yung ako na lang. Tumuloy ako sa isang transcient muli at do'n muna magpapalipas ng gabi. Siguro bukas, pupunta ako sa flowershop ni Glaiza pero hindi muna ngayon.

DJ'S POV:

         Ang last na usap namin ni Rhian bago kami maghiwalay ay tatanggapin ko siyang muli. Pero nang makauwi sa bahay ng Mama, nakita ko ang planner niya na nalaglag sa likod ng passenger seat. Alam kong mali dahil personal 'yon pero nacurious ako. Binasa ko lahat sa kuwarto bago ako matulog.

Ilang kutsilyo ang tinarak sa dibdib ko habang binabasa ang mga nakasulat doon. Sa unang part ay parang wala lang at tipikal patungkol sa amin. Madidistinguish mo sa mga dates ng entry.

          Pero sa kalagitnaan, ay parang may mali. Sa petsa at lugar na nakatalâ, ay alam kong hindi ako 'yon. I started to wonder dahil confusing. May time na nasa Maynila ako or abroad ang date ng enrty niya. I turned the pages at unti-unting lumalalim ang mga salitang ginagamit niya. Until I saw one picture of her with Glaiza. Isip ko, it couldn't be. Pero lahat ng kutob ko ay nagkaron ng kasagutan dahil sa planner niya. May isa siyang entry don na naka Dear Glaiza at puro sentence ng pagiibigan nilang dalawa.

          Hindi ko na nakayanang tapusin dahil masakit na masakit na. Hindi ko napigil na mapa-iyak.

          Kinabukasan, dala ko pa rin ang galit. Dahil do'n ang pagtext ko sa kanyang itigil na ang kasal. Oo, para
eho: Nasaktan ako dahil may iba, at babae ang pinalit sa akin. Sobrang pitpit ang ego ko no'n. At hindi ako martir para tanggapin ang lahat.

         "Anak, kinausap ko ang Ina ni Rhian. Mukha namang tsismis lang ang lahat at gagawan daw ng paraan. Maaayos din 'yan," tapik sa balikat ang binigay ng Mama. Nahihiya ako pero ayoko ng idamay pa sila. Andami na ngang nakikisawsaw.

        "Ang pakasalan siya ang makakasagip sa 'yo sa kahihiyang nangyayari. Ewan ko ba sa 'yo anak, kahit kailan ang kupad-kupad mo!"

         May salu-salo dito sa bahay at pulos mga kapwa ko pulitiko. Nilapitan ako ng isa kong pinsan na kalaban ko rin sa puwesto.

         "Insan, ano ba 'yung nababalitaan ko tungkol sa nobya mong may tomboy na karelasyon at pinagpalit ka? Nasa'n nga ba siya?"
         "M-may sakit lang at pabalik-balik sa ospital ang tatay niya kaya busy lang siya. No, hindi totoo ang tsimis."

         Natuliro ako sa mga nagaganap. Nakakapressure. Pinag-uusapan na ako ng angkan at matatalo na ako sa eleksyon. Nakahanap na sila ng dungis na puwede kong ikatalo. Hindi yon maaari. I need to get Rhian back.

         Late afternoon ay nagpunta ako sa bahay nina Rhian. Nagpaliwanag ako sa nanay niya at dineny ko na ang balita. Pinuntahan ko si Glaiza sa flowershop, wala rin do'n kaya tumuloy na ako sa garden nila. Doon na raw siya naglalagi ngayon.

Hindi ako nabigo at nando'n nga siya. Hindi ko rin nga alam kung ano na ba ang alam niya sa nangyayari sa aming lahat. Naabutan ko siyang naglilipat ng mga flower pots sa isang hallway.

         "Glaiza, puwede ba tayong mag-usap?" Nag-angat siya ng mukha at halatang nagulat sa presensiya ko.

         "Dj! Have a seat, sa loob tayo."
         "Dito na lang, hindi ako magtatagal."
         "Ano'ng sadya mo?"
         "Desperado ako Glaiza. Tingin mo, babalik si Rhian sa akin?"
         "Bakit hindi siya ang tanungin mo?"
         "May laban ako dahil lalaki ako. Eh ikaw? Magandang lalaki ka rin ba?"

          Tinignan niya ako ng matalim. "Wag mo kong insultuhin. I'm inlove with your girlfriend."

          Nagpanting ang tainga ko. "Ex! Ex-girlfriend."

        Nagsalubong ang kilay ni Glaiza. Mukha ngang wala siyang kamalay-malay sa resulta ng ginawa nila ni Rhian. Nilapitan ko si Glaiza. Sa sobrang ngitngit ko ay kinabig ko siya at marahas na hinalikan sa labi.

         "Dj!" Nagpupumiglas siya. "Get lost!" Sigaw niya.

         "I'm just curious eh. Ganyan mo ba halikan ang boyfriend mo? Hmmm... at gusto kong malaman kung gaano ka kasarap humalik at naakit sa 'yo si Rhian."
          "My relationship with Rhian doesn't give you the right to treat me this way! She doesn't deserve you!"

         Nakita kong papasok si Rhian. Ito na ang mahal kong ex at sinusundo ang isa pang taksil. Hinila ko ulit si Glaiza at pilit hinalikan tsaka ako sumagot.

          "Eh sino'ng deserve niya? Ikaw?" Ngumisi ako ng mapang-asar.         
 
        "Well...not after this that she saw you kissed me."

         Nanalaki ang mata ni Glaiza. Nagdiwang ako ng nalito siya at naalarma.

         "Nagselos kaya siya Rhian? Ang tanong eh....kanino? Sa 'yo ba o sa 'ken?"

         Nilingon niya ang direksiyon ng entrance at alam kong nahagip niya pa ng tanaw ang tumatakbong si Rhian. Bumaling siya sa akin na nanlilisik ang mga mata.

         "Fuck you Dj!" dinuro niya ako. "Fuck you!!!"

******************

Haaay!!! Ty for reading
Shan 1/24/2017

Of Poems and Flowers (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon